Huli na ako nang makarating simbahan. Di ko ba alam kung ano ang nangyayari sa akin. Ako ay naguguluhan. Kung pagalingan lang ng pagtago ng nararamdaman, palagay ko, magaling ako riyan. Makalipas ang ilang buwan pagluha ay masasabi ko na nakalimutan ko na ang lahat. Okay na ako. Naghilom na ang sugat. At alam ko sa sarili ko na may dahilan ang lahat. Kasalukuyan akong gumagawa ng akong tesis ngayon. Nahihirapan ako inaamin ko. Minsan mas gugustuhin ko na lang matulog nang matulog ngunit naiisip ko na mapapahiya ako pag di ko natapos yun. Sa totoo lang wala ako masyado pakialam sa pagkapahiya, mas may pakialam ako sa pera kong nagasta. Limang taon na akong nagtatrabaho subalit ramdam ko na ang bagal ng paglago. Nakahanap ako ng isang tahanan na humulma sa aking pagkatao, bilang si Yuan at bilang si Sir Yuan. Ngunit di pa rin sapat. May kung anong sakit pa rin ang dapat pagalingin. Tatanggapin ko na lang ba ang kamalian at yayakapin? Di ko alam, minsan maprinsipyo ako. Parating na naman ang Araw ng Puso. Malamig ata ang Velentines ko. Okay lang nariyan naman si Obama at ang pamilya ko.
Patawarin ninyo po ako sa aking mga kasalanan at tulungan ninyo po akong mapaunlad pa ang aking sarili.
No comments:
Post a Comment