Thursday, April 14, 2011

< / 3

Sa totoo lang di naman ako naiiyak, malapit na mawala ung broadband ko, papaputol ko na to, ayoko naman ng everytime na magbabayad ako makikita ko nakapangalan sa kanya 2 days na ako di pumapasok. Di naman ako naiiyak for some reason di ko alam, parang mas masakit ata pag di mo nalalabas sa iyak. Galing ako sa St. Jude. Gaya ng dati ang daming tao, minsan tinitingnan ko lang mga tao, naiisip ko ang dami-daming nagdadasal paano kaya nasasagot ni God lahat ng iyon, paano kaya niya itretreat yung mga sagot sa tanong ng tao. Dati may kasama ako sa pagpunta dun, isa lang ang goal ko nun, masama siya. Di naman ako nabigo pero madalas nagtatalo kami lalo na pag late na siya dumarating Malungkot pa rin pala ako. Kala ko mareresist nya ung temptation. Di pala. Sumama na naman siya sa iba. Di na ako nagagalit, mabigat lang kalooban ko. Di ko na rin muna oopen yung FB ko, kahit ngayong semana santa lang sacrifice. Last week okay pa kami, nakatingin ako sa kanya tapos nanonood kami ng tv pero medyo cold na siya. Nakakaramdam na ako ng iba. Then umuwi ako na di man lang niya ako hinabol tapos ayun kinabukasan sumama na siya sa iba. Kala ko same guy di pala same name rin. Mahilig siya sa Mark at sa pagpili niya sa mg aiyon ay iiwan niya ako at mag-iiwan naman ng mark sa puso ko. Konrni! haha! Pero sa totoo lang everyday of my life sana may kumumpleto sa pagkatao ko. Di ko alam kung ano na ginagawa nila ngayon. Pero kilala ko siya madali siya madala sa pakita ng kung anu-ano. Dun ako natatakot na baka abusuhin siya. God ilang beses ko na po siya pinagdadasal sa ainyo. Na siya po yun pangarap na babae sa buhay ko, pero parang di ata siya ang pangarap nyo sa akin. Bakit ko po siya nakilala kung sasaktan nya lang ako. Umaasa pa rin ako sa Lunes, invite nya ako sa grad nya. Ang tagal ko nang hinitay un.

No comments:

Post a Comment