Saturday, May 28, 2011

Pakatos

Patalasatas:

Salamat sa pagtangkilik sa aking blog, halos apat na taon na rin akong blogger simula nang makilala ko siya, dahil diyan bibigyan kita ng pagkakataon na gumawa ng kuwento buhat sa mga nakikita mo sa larawan. Narito ang batayan sa pagmamarka:

Paggamit ng wika (gramatika at ispeling) 30%
Ugnayan ng mga salita at pangungusap 30%
Nilalaman 30%
Dating sa mambabasa 10%
---------------------------------------------------------
Kabuuan 100%

Babasahin at gagawin ang pagtatasa matapos mong magpasa ng kuwento. Ang pagsusumite ay hanggang nakikita mo pa ito at di natatabunan ng iba pang paskil. Ang mapipili ay bibigyan ng pagkakataon na makita ako sa personal at maaaring mong paggawa ang nais mong paggawa kung papayag ako. Bukod pa rito ay ililibre kita sa Mang Inasal ng rice all you can basta makasampung ulit ka ng pagkain ng kanin.

Simulan na!

















Southern Hemisphere- Ikalawang Yugto

Lumbar pain

Sabado ngayon di kita makikita
Linggo bukas mamimiss kita
Sa Lunes baka ako sayo'y mangulila
Sapagkat sa Martes na kita muling makikita

Sana'y huwag masamain ang pagtingin
Paghanga ko'y iiwasan pag-igtingin
Kung ako naman talaga'y di mo mapapasin
Di ko pipilitin kahit masakit

Huwag mong isipin na ako'y katulad ng iba
Nakaraan ko ay nakalipas na at tapos na
Kung pahihintulatan mo na muling magtiwala
Susubukin kong sungkitin ang ang puso mo sinta

Gaya ng bulaklak ika'y namumukadkad
Napaliligiran ng tutubi't paru-paro sa kapaligiran
Hayaan mo ako ang sayo'y magsilbing liwanag
Sa iyong paglago ika'y sasamahan

Sa lugal na iyon di ka na madalas mag-iisa
Araw-araw kitang dadaanan at bibigyang saya
Ang kulay ng iyong buhay ay bibigayan ng tuwa
Ang lahat ay maisasakatuparan kung mapapansin ka lang niya

Friday, May 27, 2011

Up up here we go!

Sayang di ako makakapunta ng movie screening bukas ng Kung Fu Panda 2, ganda pa naman ng 1 nun. Anyway I'll be at Quezon City tomorrow para sa back to back seminar! I'm excited! Malay mo dun ko na makita yung hinahanap ko. :)) So far nag-eenjoy ako sa Tesda training kahit na mababa exams ko. :) Sa Lunes may assesment na kami somewhere in Harrison, sabay na lang kami ni Royce, hopefully pumasa kami! Natatakot ako baka di ko makuha yung lisensiya! Sayang din un ah, dagdag credentials ang mga certificates na makukuha ko dun! :) Di ko alam pero in a way masaya naman ako sa buhay ko. Nagagawa ko lahat gusto ko at sinisipag ako pumasok kahit na late pa rin ako. Wow hanep ang bano ng writing skills ko ngyon. Ang gaganda ng kanta ng Dashboard Confessional, namomotivate ako gumawa ng gumawa. Two weeks na lang pasukan na! Welcome to my new department! I'm excited to work with other teachers. Excited na rin ako sa paper work? :/ At masaya ako di lang ako makakapagturo sa special parang may halong pagtulong na rin yun sa kanilang mga special needs. Inspired ako ngayon for a reason pero di ko alam basta.

"Southern Hemisphere"

Sa lahat, ikaw lamang ang tahimik
Sa isang sulok ika'y walang imik
Nakikita lang kita noon, ngunit di napapansin
Ngunit ngayon iba ka pala sa kanila, aking nabatid

Palihim kita kung tingnan
Patago naman kita kung titigan
Sa lugal na iyon madalas ikaw lamang
Kung maaari lang sana, ika'y aking sasamahan

Sa takdang panahon ako'y magtatapat
Hahayaan ko munang maging lihim ang lahat
Ngunit ako'y labis na natutuwa kapag ika'y nariyan
Lalo na sa indak mo na walang katulad

At kung dumating man ang araw na ako'y magbukas
Wag sanang masamain at layuan
Humahanga lang naman ako sa iyong angking katangian
Hayaan mo't, sarili ko'y pipigilang mahulog sa kawalan

Minsan lang kitang tabihan
Minsan lang kitang makausap
Di mo lang nahahalata
Ngunit gaya ng iba, sayo rin ako ay nabighani

Magandang ehemplo?!
Bieber at Gomez


Sunday, May 22, 2011

Random

Sasamantalahin ko muna ang pagtitipa hanggat gising pa ang aking isip at diwa. Makalipas ang dalawang linggo na di pagsisimba ay nagsimba na ako kanina. Maganda pa rin ang aral na hatid ng pari. Tungkol ito sa sakripisyo. Lalo akong naliwanagan na nahihirapan ako ngayon pero sa dulo alam ko na ito ang mas makakabuti sa akin. Ang mas makakabuti sa amin. Bukas handa na ako sa panonood ng Maroon 5, bagamat di ko naman ganun kakabisado ang kanilang mga kanta kumpara kay Justin Bieber. Nagugutom ako, ewan ko basta nagugutom ako. Pagkatapos siguro nito kakain ako. Bahala na. Bukas ay panibagong linggo na naman ang aking haharapin. Panibagong pagsubok na naman ang dapat kong suungin. Mabuti na lang at laging andiyan Ka bilang gabay!

Habulan

Maaaring isa ka rin sa libo-libong nakitawa sa programa ni Vice Ganda
Paborito mo rin siya di ba?
Naalala ko pa nang inaya kita
Manood ng concert niya
Tumanggi ka at nang lumaon
Nalaman ko may kasama ka pa lang iba

Ilang araw na lang at kaarawan mo na
Masaya ka habang ako'y ay naghihintay ng himala
Na balang araw ay di na kita maalala
Pati ang nararamdaman ko para sa iyo ay maglaho na

Mag-ingat ka
Gaya ng sabi ko wag kang agad padadala
Sapagkat sadyang mapaglinlang ang tadhana'
Kumapit ka lagi lagi sa Kanya at manampalataya

Umaasa pa rin ako na isang araw'
Lalapit ka at hihingi ng kapatawaran
Sa paglapastangan mo sa aking pangalan
Doon pa lang ang lahat ay kakalimutan ko na




Di tulad nag bulaklak pag-ibig ko'y di malalanta

Ngunit ang puso kong iyong sinugatan, damdami'y unti-unting nawawala

Kumapit hanggat may natitira pa




Ipagdasal daw kita

Sabi ng iyong ina

Sa lola mo na matagal mong nakasama

Na gabayan ka kahit san ka man magpunta

Mula sa kaibuturan ng aking puso

Minahal talaga kita



Magandang Gabi Vice!

Saturday, May 21, 2011

150 salita.

Nung una silang magkita, kakaibang pakiramdam ang kanilang nadama. Matatamis na ngiti ay binato sa isa't-isa. Panambitan nila'y natupad na, ito na nga. Habang ang mga kerubin ay umaawit ng kundiman. Di mapigilan, puso'y nagtatalon-talon. Pinagtagpo ng tadhana, sila na nga. (41)

Kinabukasan ay nawala ang isa, samatalang ang isa ay naghintay. Nakatunganga at nag-aabang maya-maya pa ay dumating na ang isa. Humingi ng pasensya sapagkat nahuli sa pagkikita. Kasabay ng muling pag-awit ng kerubin ay lumakas ang ihip ng hangin. Nagkatitigan ang dalawa, lumapat ang kanilang mga labi sa kakaibang pakiramdam na dala. Nakalimutan ang lahat at bumuo na sariling paraiso nila. (62)

Makalipas ang ilang araw ay nagbago ang ihip ng hangin, tuluyan nang di nagpakita ang isa. Matiyagang naghihitay ang isa, di sumuko, nanampalataya... Nang biglang makita niya na may kasama ng iba ang kasintahan niya. Nagsumamo at nagmakaawa ngunit ang lahat ay nabalewala. Di pinansin at binarusa. (47)

Museong Pambata/ Pangmatanda

Museo

Pagpasok ko sa pintuan ng museo
Tumambad sa akin ang maganda mong mukha
Abala ka sa paglalaro ng ahedres
Habang ako naman ay abala sa pagtitig sa iyo
Ang kutis mong nagliliwanag
Ang magandang mong ngiti na aking nasilip
Ikaw na nga ata,
Ikaw na nga ata ang pangarap kong titigan.

Tap Tap lang!

Sinipat ko ang iyong mga galaw
Kakaiba ka sa kanila
Ngunit ang puso at isip mo ay wagas
Paulit-ulit ang lumalabas sa mga labi
Nakakatuwa sa iba kung alam lang ng lahat
Ang kalagayan mo ay espesyal
Mabuti na lamang at nariyan si sir
Para gabayan ka at laging tingnan
B.I.G na nga, kaya mo na yan

Tuta

Kung iniisip mong hahabulin kita
Mangarap ka
Kung iniisip mong aamuhin kita
Mangarap kang muli
Kung iniisip mo na mahal kita
Sorry ka
Di mo ako tuta
Nararapat din akong lumigaya

Sunday, May 15, 2011

Gunita

Dear Blogspot, Di ako nagmass today, nakatulala lang ako maghapon. Minsan naiiyak ng konti lang. Pro I'm stil on the process of healing. Anyway wala na ung psp ko binenta ko na. I'm planning to buy notebook kasi. Hirap na rin ako sa computer ko masyado na mabigat para sa pagtravel. Nalulungkot ako sa pagkawala ng psp ko matagal na sa akin un. Pero mas marami pa atang memories yun na kasama ko siya.. Aw... nung nagmalate kami at magmalling kami kasama namin un. Madalas namin pagtalunan un pag nagagasgasan ung psp ko. Maingat kasi ako sa gamit gaya ng pag-iingat ko sa kanya. Kahit hirap ako iletgo (siya) ang psp ginawa ko for the better. Mawawala na yung net ko, di na naman kasi ako nakaline. In time pag ready na ako humarap sa lahat ng di ko na siya naiisip syaka ako magpapakabit. May ilang linggo pa ako para magresign. Di ko ba alam nagpunta ako sa SPED para sa pangarap namin pero ngayon wala na akong makitang hope para saan pa. 15 day s na lang its her birthday na at 14 days na lang our anniv sana. Last yr ito hiniling ko till now ito pa rin problema ko. Funny. Di na muna ako magcocommit kung matagalan eh di ganun talaga. Siya na ata ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Wala pa ako makita na makakatapat sa pinagsamahan namin. Sorry kung ganito ugali ko, I'm really sorry I'm doing my best. Alasin nyo na lang lahat lahat. Bukas camping namin sa SPED, sana mag-enjoy ako. nag hirap lalo na pag may I.I parang kang di lang teacher/ kasambahay ka pa. Anyway naninibago pa ako. Kaya ko to! (sana)


Namimiss ko pag tinatawag mo akong Juanito
Kapag pinagluluto mo ako ng maalat na itlog
Tuwing babangon ka nang maaga para itext ako
Kapag hinahawakan mo ang kamay ko
At pinag-uusapan natin ang mga pangarap natin
Ngunit ang lahat na lang ay GUNITA.
Goodnight. Mahal kita.

Saturday, May 14, 2011

Linggo na pala?

It's almost 1 and I'm still awake...

Bago ang kama ko, naninibago ako, di tulad ng nakasanayan kong higaan dati. Nagreklamo pa ako mas gusto ko yung dati subalit nang mapansin ko na nakatulog ako ng diresto ginusto ko na rin. May mga bagay talaga na minsan ang hirap iwanan lalo na kug bago ngunit sa dulo masasanay ka rin sa pagbabago na iyon.

I'm thinking if she still care...

Nadissapoint ako kay Bieber sa pinakita niya. Gusto ko sanang ibalik ang mga cd niya pero natuwa naman ako yun nga lang panandalian lang. Sayang siya baka lamunin siya ng kasikatan niya. Matutuwa pa ako kung hihingi siya ng paumanhin, kaming mga Pilipino ay tao rin.

The nights gets colder and colder as I...

Nakakatuwa ang aso namin kahit gusto na niya matulog ay binabantayan pa rin niya kami. Tapsilog ang ulam niyan kanina. Ako ang taya. Masyado akong natuwa sa kanya. Maghapon, magdamag akong naghanap ng trabaho. Desperado na ata akong lumipad, guto ko nang magpakalayo at kalimutan ang lahat. Sadyang kay lupit mo, Tadhana, di mo man lang ako tiniran.

Hug my pillow so tight...

Ilang Sabado pa ako bakante, sa Lunes ay may camping kami sa Sped. Di biro ang trabaho, parang kang guro at katulong. O sadyang minamanipula lang ng mga tao na naghahangad ng posisyon para mas maging mahirap ang trabaho? Magtrabaho na lang nang maayos. Pakitaan ng mga estratehiyang kanilang ikamamangha. Abangan. Mas hinahamon, mas lumalaban. Mas kinakalaban sasadyain para magmukang ewan.

As I see the portrait of a very melancholy man.