Sunday, May 22, 2011

Random

Sasamantalahin ko muna ang pagtitipa hanggat gising pa ang aking isip at diwa. Makalipas ang dalawang linggo na di pagsisimba ay nagsimba na ako kanina. Maganda pa rin ang aral na hatid ng pari. Tungkol ito sa sakripisyo. Lalo akong naliwanagan na nahihirapan ako ngayon pero sa dulo alam ko na ito ang mas makakabuti sa akin. Ang mas makakabuti sa amin. Bukas handa na ako sa panonood ng Maroon 5, bagamat di ko naman ganun kakabisado ang kanilang mga kanta kumpara kay Justin Bieber. Nagugutom ako, ewan ko basta nagugutom ako. Pagkatapos siguro nito kakain ako. Bahala na. Bukas ay panibagong linggo na naman ang aking haharapin. Panibagong pagsubok na naman ang dapat kong suungin. Mabuti na lang at laging andiyan Ka bilang gabay!

Habulan

Maaaring isa ka rin sa libo-libong nakitawa sa programa ni Vice Ganda
Paborito mo rin siya di ba?
Naalala ko pa nang inaya kita
Manood ng concert niya
Tumanggi ka at nang lumaon
Nalaman ko may kasama ka pa lang iba

Ilang araw na lang at kaarawan mo na
Masaya ka habang ako'y ay naghihintay ng himala
Na balang araw ay di na kita maalala
Pati ang nararamdaman ko para sa iyo ay maglaho na

Mag-ingat ka
Gaya ng sabi ko wag kang agad padadala
Sapagkat sadyang mapaglinlang ang tadhana'
Kumapit ka lagi lagi sa Kanya at manampalataya

Umaasa pa rin ako na isang araw'
Lalapit ka at hihingi ng kapatawaran
Sa paglapastangan mo sa aking pangalan
Doon pa lang ang lahat ay kakalimutan ko na




Di tulad nag bulaklak pag-ibig ko'y di malalanta

Ngunit ang puso kong iyong sinugatan, damdami'y unti-unting nawawala

Kumapit hanggat may natitira pa




Ipagdasal daw kita

Sabi ng iyong ina

Sa lola mo na matagal mong nakasama

Na gabayan ka kahit san ka man magpunta

Mula sa kaibuturan ng aking puso

Minahal talaga kita



Magandang Gabi Vice!

No comments:

Post a Comment