Saturday, May 21, 2011

150 salita.

Nung una silang magkita, kakaibang pakiramdam ang kanilang nadama. Matatamis na ngiti ay binato sa isa't-isa. Panambitan nila'y natupad na, ito na nga. Habang ang mga kerubin ay umaawit ng kundiman. Di mapigilan, puso'y nagtatalon-talon. Pinagtagpo ng tadhana, sila na nga. (41)

Kinabukasan ay nawala ang isa, samatalang ang isa ay naghintay. Nakatunganga at nag-aabang maya-maya pa ay dumating na ang isa. Humingi ng pasensya sapagkat nahuli sa pagkikita. Kasabay ng muling pag-awit ng kerubin ay lumakas ang ihip ng hangin. Nagkatitigan ang dalawa, lumapat ang kanilang mga labi sa kakaibang pakiramdam na dala. Nakalimutan ang lahat at bumuo na sariling paraiso nila. (62)

Makalipas ang ilang araw ay nagbago ang ihip ng hangin, tuluyan nang di nagpakita ang isa. Matiyagang naghihitay ang isa, di sumuko, nanampalataya... Nang biglang makita niya na may kasama ng iba ang kasintahan niya. Nagsumamo at nagmakaawa ngunit ang lahat ay nabalewala. Di pinansin at binarusa. (47)

No comments:

Post a Comment