It's almost 1 and I'm still awake...
Bago ang kama ko, naninibago ako, di tulad ng nakasanayan kong higaan dati. Nagreklamo pa ako mas gusto ko yung dati subalit nang mapansin ko na nakatulog ako ng diresto ginusto ko na rin. May mga bagay talaga na minsan ang hirap iwanan lalo na kug bago ngunit sa dulo masasanay ka rin sa pagbabago na iyon.
I'm thinking if she still care...
Nadissapoint ako kay Bieber sa pinakita niya. Gusto ko sanang ibalik ang mga cd niya pero natuwa naman ako yun nga lang panandalian lang. Sayang siya baka lamunin siya ng kasikatan niya. Matutuwa pa ako kung hihingi siya ng paumanhin, kaming mga Pilipino ay tao rin.
The nights gets colder and colder as I...
Nakakatuwa ang aso namin kahit gusto na niya matulog ay binabantayan pa rin niya kami. Tapsilog ang ulam niyan kanina. Ako ang taya. Masyado akong natuwa sa kanya. Maghapon, magdamag akong naghanap ng trabaho. Desperado na ata akong lumipad, guto ko nang magpakalayo at kalimutan ang lahat. Sadyang kay lupit mo, Tadhana, di mo man lang ako tiniran.
Hug my pillow so tight...
Ilang Sabado pa ako bakante, sa Lunes ay may camping kami sa Sped. Di biro ang trabaho, parang kang guro at katulong. O sadyang minamanipula lang ng mga tao na naghahangad ng posisyon para mas maging mahirap ang trabaho? Magtrabaho na lang nang maayos. Pakitaan ng mga estratehiyang kanilang ikamamangha. Abangan. Mas hinahamon, mas lumalaban. Mas kinakalaban sasadyain para magmukang ewan.
As I see the portrait of a very melancholy man.
No comments:
Post a Comment