Saturday, May 21, 2011

Museong Pambata/ Pangmatanda

Museo

Pagpasok ko sa pintuan ng museo
Tumambad sa akin ang maganda mong mukha
Abala ka sa paglalaro ng ahedres
Habang ako naman ay abala sa pagtitig sa iyo
Ang kutis mong nagliliwanag
Ang magandang mong ngiti na aking nasilip
Ikaw na nga ata,
Ikaw na nga ata ang pangarap kong titigan.

Tap Tap lang!

Sinipat ko ang iyong mga galaw
Kakaiba ka sa kanila
Ngunit ang puso at isip mo ay wagas
Paulit-ulit ang lumalabas sa mga labi
Nakakatuwa sa iba kung alam lang ng lahat
Ang kalagayan mo ay espesyal
Mabuti na lamang at nariyan si sir
Para gabayan ka at laging tingnan
B.I.G na nga, kaya mo na yan

Tuta

Kung iniisip mong hahabulin kita
Mangarap ka
Kung iniisip mong aamuhin kita
Mangarap kang muli
Kung iniisip mo na mahal kita
Sorry ka
Di mo ako tuta
Nararapat din akong lumigaya

No comments:

Post a Comment