Bago ako matulog ay nagpasya akong bisitahin ka muna muli Blogspot. Nagpaalam na ako kanina sa aking livejournal. http://yuuan.livejournal.com/ Nakakalungkot man isipin ngunit kailangan nang magpaalam sa kahapon. Sabi nga ng awitin ng Sugarfree ay magpapaalam na sayo ang aking kuwarto. Sa blog na ito nagsimula ang aming kuwento, ayun nga lang tinatamad na akong muling balikan ang kuwento namin. Paulit-ulit lang kasi. Sa kabilang banda sana ay wag na niya akong gambalain pa. Ano naman ngayon kung board exam mo? Kahit naman di mo hilingin sa akin na ipagdasal kita ay lagi ka namang kasama sa panalangin ko. Lahat kayo, kaibigan man, nananakit man sa akin o hindi, kasama kayo. Bukas ay handa na akong pumasok at harapin ang mga estudyante ko. Di ko alam kung namiss ba nila ako. Kung hindi man okay lang naman. :)) Ang baho ng kalidad ng sulat ko ngayon. Sa di mawaring dahilan. Ewan ko.
Mensahe mula sa Telepono
"Speaking of aalis na ako this December, pero babalik din ako after 5 months, magpapartime jobe muna ako dun sa tita ko, tapos babalik ako para magtake ng NCLEX dito sa Pinas. Di naman pala ako for good dun agad. It will take time."
"Kinakamusta ka ni mama, sabi nya nag-iba ka raw ng number."
"Sa araw-araw iniisip ko ginawa ko, naiisip ko kung pano kita sinaktan at niloko, pano ko sinaktan ung totong taong nagmahal at tinanggap ako, inalagaan ako, tinrato akong special at importante, kaya ang karma ko ngayon nasasaktan ako sa nangyari sa akin. Dahil nagkamali ako. If only kaya kong itama ang lahat. Pero hindi na may lamat na, sobra na nagawa ko sayo."
"Yuan, don't reply, I just feel sad and pressured"
"Nasa St. Jude ako kanina, because of you natutunan ko
un, pls pray for me tomorrow kahit alam kong wala na akong karapatan para hingin yun sayo. Goodnight."
"Last day tomorrow, wish me luck goodnight!"
"Tapos na test, result na lang.. blessed Sunday to you. Thank you."
Mas maraming drama, mas marami akong masusulat. Mas maraming pain and happiness mas gaganahan ako magsulat. Pagkatapos ng mga mensahe nito ay di na siya muling nagparamdam, pakiramdam ko kinasangkapan na naman ako para sa sariling kapakanan. Dibale sanay na ako. Wala na akong maramdaman. Sabi ko nga sa kanya "Please layuan mo na ako". At dahil inaantok na ako matutulog na ako.
No comments:
Post a Comment