Sunday, July 31, 2011

Tatlong kuwento, hindi apat.

Global Pinoy

Ulan- (pang) tubig na namuo mula sa vapor sa atmospera at bumubuhos ng butil-butil sa lupa- UP Diksyunaryo


Sa tototo lang ay nahihiya akong kuhanan ang sarili ko sa larawang ito, hindi dahil sa napapangitan ako sa itsura ko bagkus ay mga tao sa paligid ko. Ngunit naisip ko, ano ba ang pakialam nila? Ang mahalaga ay wala akong ginagawang masama. Kaya iyan ang naging resulta, nagpacute, pumapayat daw kasi ako kaya ganyan ang itsura para magmukhang mataba,

Si Mina Choi at si Sir Yuan

Dalaw- png patungo upang makita ang isang tao, pook at iba pa- UP Diksyunaryo



Makalipas ang tatlong taon ay muling nagbalik ang dati kong estudyante mula sa Korea na si Mina Choi. Hindi ko inaasahan ang kanyang pagdalaw. Natutuwa ako dahil kahit papaano ay naalala pa rin niya ako. Ayon pa sa kanya ako raw ang pinakahandsome teacher niya. Muntik ko nang patulan na totoo nga, naisip ko bata. Ngunit nagsasabi naman ng totoo (ata) ang bata. Malaki ang kanyang pinagbago, hindi ko na siya mamukaan. Hindi na rin siya ganun kahusayan magsalita ng Ingles. Sana isang araw ay makapunta rin ako sa Korea, sa North Korea. (para may thrill)

BMT Chart

Espesyal- pnr natatangi; hindi pangkaraniwan- UP Diksyunaryo

Sa totoo lang ay hindi ko maunawaan kung para saan pa ang chart na ito. Para raw ito sa behavior ng mga bata. Upang mas maging kaakit-akit sa aking mata ay este sa mata pala ng iba ay binili ko ang mansanas na ito. Espesyal sa akin ito sapagkat ang ganda niya. Yari siya sa tela at tiyak na magagamit ko ng pangmatagalan. Ngunit balik tayo sa aking punto ko sa chart na ito, habang tumatagal ay nakita ko ang bisa ng kapangyarihan nito. Napapasunod ko ang mga estudyante ko ngunit wala pa ring tatalo sa tingin. Makuha ka sa tingin.


P.S.

Agosto na bukas at tatlong buwan na rin ang nakalipas. Ang galing, daig pa ang BMT chart sa lakas ng kapangyarihan na taglay ng panalangin. Ang lahat ay napapagaling. Palagi ka pa rin kasama sa aking panalangin, na sana sa mga mapusok mong desisyon ay gabayan ka Niya. Nabura ko na ang lahat ng mga mag-uunay sa atin. At sa totoo lang naiisip pa rin kita minsan subalit wala na akong maramdaman. Malapit na rin ang kaarawan ko, sapat na sa akin na tingnan ang profile ng babaeng pinapangarap ko, iyon nga lang hanggang pangarap na lang sapagkat may kasintahan na siya.

Nasasabik na rin akong muling makita si Maria Clara! Pakiramdam ko tuloy ako'y si Simoun na nagbalik para sa isang misyon, ngunit hindi upang maghiganti kundi para magparty-party. :))

Ayokong seryosohin masyado ang buhay. Nakamamatay.

Namimiss ko na ulit ang mag-aral.

Gaya nga ng aking sinabi, sa estado ng pag-ibig, SARADO ANG AKING PINTUAN NGUNIT DI NAKAKANDADO.

No comments:

Post a Comment