Nauubusan na ako ng kuwento. Sabi nga ng isa kong co teacher, mas magiging manunulat ka raw kapag maraming pain at bitterness sa puso mo. haha! Nakakatawa pero para sa akin partly yes. Ayokong maging purista sa pagusulat ko ngayon. Come what may ika nga nila. Unti-unti ko na rin natatanggap ang mga nagyayari kahit na alam ko sarili ko na may bahagi pa rin na umaasa ako. Anyhow, nawala na ang malakas na ulan, senyales na rin ba ito na muli nang sisikat ang araw? Sana nga sikatan na ako ng araw, ng pagbabago at ng pag-asa. Kasalukuyan kong katabi ang aso namin, tahimik lang siya habang ako naman ay maingay sa pagpapatugtog ng foreign songs. Bukas handa na akong pumasok kahit ayoko pang gumalaw, ang mas mahalaga sa akin ngayon ay nakapagpahinga ako ng mabuti. At ang lakas na ito ay gagamitin ko hanggang Biyernes. Sana may magbukas na pagkakataon sa akin para makapagtrabaho sa ibang bansa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment