Sa totoo lang ay kanina pa ako nag-iisip na paksang iboblog sa araw na ito. Gusto ko kasing maiba naman dahil puro personal na kuwento ang nasa blog ko na ito subalit dahil sa isang kaibigan na nagpost ng pagkabigo sa pag-ibig sa facebook ay napagpasyahan ko na magblog tungkol dito.
14
Pebrero na naman at papalapit na naman ang Valentines Day. Marami na naman ang inlove. Nagkalat na naman ang magkasintahan na holding hands while walking. Ang iba ay may hawak na bulaklak, ang iba ay tsokolate at ang iba naman ay masayang nagdadate habang ikaw ay nagmumukmok sa isang sulok at walang kasama. Wala kang kasama sa dahilang maaaring single ka o kaya naman ang mas masaklap ay iniwan ka ng inyong minamahal. Sa di inaasahang pagkakataon, sakto sa papalapit na Valentines Day.
And then suddenly for no apparent reason, everything fall apart.
Masakit talaga ang masaktan lalo na kung minahal mo talaga siya nang lubusan. Yung tipong binigay mo ang lahat at umasa ka na kayo ang magkakatuluyan subalit biglang sinubok ka ng tadhana at siya ay naglaho na parang bula, at ang masaklap sakto sa papalapit na Valentines Day. At dahil sa mas nangingibabaw ang iyong nasaktan na damdamin kasya sa iyong isip ay nakakagawa ka ng mga bagay na hindi tama. Maaaring ilan sa mga ito ang nasabi at naisip mo:
1. Life is unfair bakit ko dapat maranasan ito? (mas marami pa ang mas mabigat ang problema sayo)
2. Di na ako magtatrabaho, affected ang buong buhay ko! (magugutom ka, papayat ka, wala kang pambili ng damit, magiging pangit ka, di magandang revenge, in the end kawawa ka)
3. Magpapakamatay ako! (sayang ka, baka biglang dumating yung tamang tao para sa iyo eh kaso patay ka na, di mo na nakita)
4. Sana pwede pa ulit maayos, gagawin ko ang lahat magkabalikan lang tayo. (sige lang magpakatanga ka, gusto mo yan eh)
5. Lord galit ako sayo kinuha mo na ang lahat sa akin! (kunin na lang niya buhay mo gusto mo?)
Maaaring ilan lamang iyan sa mga nasambit mo na kataga na hindi mo naman talaga sinasadya, nagkataon lang na hindi ka nakakapag-isip ng tama at natatalo ka ng iyong nasasaktan at nabigong damdamin. Hindi ko sinasabi na mali ang iyong nararamdaman, maaaring sa iba ay katawa-tawa ka subalit para sa ikaw mismo na nakararanas ng sakit ay talagang ang hirap tanggapin.
I am in misery and there ain't nobody gonna comfort me
Kalokohan ang linyang nasa itaas, sapagkat sarado ang iyong isip dahil sa iyong pagkabigo ay maaaring naiisip mo ang katagang ito. Subalit saan ka naman tatakbo sa panahong masikip na ang dibdib mo at talagang hindi mo na kaya, sa pamilya mo at mga kaibigan mo rin di ba? Sila ba ang nobody? Tandaan mo na isa lang ang nawala sa iyo at hindi lahat kaya hindi mo masasabi na katapusan na ng mundo.
Narito ang ilan sa mga tips para makatulong na siya ay iyong makalimutan.
1. Makinig ka ng mga love songs, makakatulong yan na mailabas ang tunay mong damdamin. Irelate mo ang sarili mo sa mga lyrics hanggang magsawa ka.
2. Maaari ka ring manood ng mga movies na pangbigo, pwedeng 500 Days Summer, kung gusto mo pa ipilit na magkabalikan kayo pwedeng One More Chance, kung gusto mo talaga siyang mawala sa iyong isipan kahit panandalian manood ka ng Exorcist. Depende sa lagay ng iyong pagkabigo.
3. Umiyak ka, umiyak nang umiyak hanggang dumating yung point na pinipilit mo na lang umiyak.
4. Kung mataba ka pwede kang di kumain, ayos yun papayat ka pabor sa iyo at kung payat ka naman kumain ka ng kumain, mas okay yun, hanggat maaari wag mong gawin na pag mataba ka kakain ka ng kakain at kung payat ka di ka kakain. Talo ka dun.
5. Pwede mo rin balikan yung mga lugar na pinutahan niyo, pwede kang magemote dun paulit-ulit hanggang marelize mo na mukha ka ng tanga at pagod ka na.
Move Forward
On the serious side ayoko naman isipin ng mga babasa na ito na kalokohan lang ibinibigay ko na payo para sa mga taong nabigo na sakto sa papalapit na Valentines Day. Matapos mong pagdaanan ang mga nasa itaas na pinayo kong gawin mo ay ito naman ang sunod na maaari mong gawin. Syempre di naman habang buhay lagi kang nasa ibaba.
1. Gawing abala ang iyong sarili. Subukan mong ibalik ang mga bagay na dati mo mong ginagawa nung hindi mo pa siya nakikilala o kaya naman ay gawin mo ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa, pwedeng sports, pwede rin magfocus ka sa iyong trabaho. Marami pang option, ilan lang yan. Basta tandaan, gumawa ng mga bagay na makabuluhan.
2. Ayusin ang iyong sarili. Bentahe mo yan para mapansin ka ng ibang tao.
3. Magpatawad at kalimutan ang lahat. Bagama’t hindi ganun iyon kadali ay dadaan ka sa proseso na kailngan mong magpatawad. Hindi naman dapat habambuhay ay bitter ka. Sabi nga sa kanta, there’s a rainbow after the rain.
4. Huwag matakot sumubok muli. Sa mundo na mapaglaro, walang assurance. Kasama sa pag-ibig ang masaktan ka at mabigo. Tandaan, hindi mo malalaman ang kahulugan ng kasiyahan kung hindi mo pa nararanasanan ang masaktan
5. Magdasal. Pinakamagandang sandata sa panahong ikaw ay nabigo at nasasaktan.
Sa huli, kung ayaw mong maranasan to, wag ka na lang magmahal. Kung natatakot ka, matulog ka na lang. Pero masaklap talagang masaktan lalo na sa papalapit na Valentines Day. :D PEACE!