Sunday, January 29, 2012

Superman, Batman at Sponge Bob




Hindi ko natapos ang nirentahan kong cd. Sayang ang pera. Nakakabagot ang Sabado at Linggo ko. Sa di maunawaang dahilan ay laging mabigat ang pakiramdam ko tuwing walang pasok. Naguguluhan din ako sa misa kanina, di malinaw sa akin ang sinasabi ng pari. Samantala, iniwasan ko muna ang fiesta ng Don Bosco sa dahilang masyadong marami ang tao at nag-iinuman.

Kasalukuyang nagtitipa ako at come what may kung ano ang maging kuwento ko. Syempre personal ulit. Maligoy ako magsulat sa dahilang may mga ilang paksa ako ng iniingatan na isulat. Hindi naman lahat kailangan kong isulat.

Masaya ako kapag Sabado at Linggo dahil pahinga, mas nakakapag-isip ako subalit iyon din ang panahon na kung anu ano ang pumapasok sa aking isip. Wala pa akong lesson guide bukas. Bahala na si Batman. Wala rin nagpaparamdam. Naging palamuti na naman ang telepono ko.

Lunes bukas, panibagong araw, sa susunod na Sabado at Linggo na naman ako libre para makapagtipa. Hindi pa malinaw sa akin ang estratehiya ko bukas para sa pagtuturo. Bahala na talaga si Batman, Sponge Bob, Superman at lahat ng mga paborito kong superheroes.

Wala akong natanggap ni isang mensahe sa telepono. Nakakalungkot.
Kamusta na kaya siya? Ano kaya ang ginagawa niya?
When to stop?
Kapag tumigil na ba, yun na ba ang sign na tumigil na rin ako?

No comments:

Post a Comment