Nasa Moa ako kahapon para sa Angels Walk, nakakatuwa, ang saya pala nun. Nagsimula sa warm up exercise na nakakatuwa ang mga steps. Ang dami palang advocates para sa mga specials. Napaisip tuloy ako kung itutuloy ko ba ang pag-alis sa department namin. Napapamahal na rin ako sa trabaho ko lalo na sa mga bata. Bahala na. Alam ko lahat ng nangyayari may dahilan.
Di tumutunog ang aking telepeno. Bagong-bagong pero nagmistulang palamuti. Sana tumunog at may makaalala man lang kahit qoutes. Galing ako kanina sa gym, sa bagong gym na ako nagtungo. Naninibago ako pero mas maganda at kompleto ang gamit kompara sa dating gym na pinuputahan ko. Dati kapag nagggym ako nahihiya ako pero ngayon wala na akong pakialam, as long na pinagpapawisan ako at may kaunting pagbabago sa katawan ko ay okay na.
Galing din kami ng mga kaibigan ko sa Binondo kagabi. Ang saya, maraming tao. Downtown ang dating. Bumili pa kami ng Munak Hat at kumain sa Eng Bee Tin. May mga bata na Chinese rin. Ang cute nila. Parang gusto ko tuloy magkaanak na Chinese. Mangyayari lang yun kung ang makatuluyan ko ay Chinese. haha!
Bigla kang sumagi aking isipan. Hindi ko alam kung bakit. Namimiss kita. Ganun naman lagi ang bukambibig ko. Pero totoo yun. Kung asan ka man mag-ingat ka palagi, alam kong masaya ka.
Alas osto na at maya-maya ay maliligo na ako. Maaga akong papasok bukas para di ako mahassle sa byahe. Hindi ko alam if magcocross ba ang path namin bukas. Kung oo man swerte ko. Kung hindi okay lang.
Marami akong gustong sabihin na hindi ko masabi sa personal dahil wala akong pagkakataon at ayokong maging weird sa paningin ng mga tao, lalo na sa iyo. Ilang linggo na lang gagraduate na ako. Para sa mama ko yun at ilang linggo na lang din ay Valentines Day na. Wala pa akong kadate. O baka ako na lang mag-isa umalis nun. Bahala na.
Goodnight Blogspot!
No comments:
Post a Comment