Thursday, July 22, 2010

22 III

Nakatakda sana akong magtungo ngayon sa St. Jude, subalit pinagpaliban ko muna at nagdesisyon na dumaan na lang sa Binondo para magdasal at magpasalamat. Pagkasakay ko pa lang ng FX patungong Maynila ay hinanap ko na agad ang ipod ko sa aking bag. Hinayaan kong awitan ako ng Sugarfree sa saliw ng tugtuging Burnout at Wag ka nang umiyak. Makahulugan ang kahulugan ng awitin, naaalala ko pa siya ang naglagay ng mga awitin na iyon sa ipod ko. Sa totoo lang 70 percent ng laman ng ipod ko sa kanya galing. Humaba ang aking mukha habang nakikinig. Nangingilid ang mga luha sa aking mga mata. Pinipigilan kong maluha ng tuluyan. Nakakahiya. Mabuti na lamang at wala akong katabi sa likurang bahagi ng FX. Pagdating sa Naia ay nakatulog ako, ang sabi ko hindi ko bubuksan ang aking mga mata pagdating sa Baclaran. Yung tipong matatanaw ko ang Mall of Asia, lalo na ang ... Ayokong manataw, gayundin ang kahabaan ng EDSA.

Nagising ako sa bahaging lagpas na sa lugar na ito. May katabi na ako, Ngunit naluluha pa rin ako. Bumaba ako sa Binondo, nagdasal at nagpasalamat. Alam ko na may dahilan ang lahat. Tuluyan na akong nakalimutan. Para na akong patay, minsan na lang marahil sasagi sa kanyang isipan ang mga ala-ala namin, ala-ala ko na lang pala. Mga pangarap sana namin na pangrap ko na lang. Malaki ang epekto sa akin ng araw na ito. Nanghihina ako tuwing araw na ito. Hindi ko alam, may kung ano na humuhila sa akin pababa. Ngunit pilit akong tumatayo. Hindi ako kailangan magpaapekto. Ang sabi ko nga, itutuon ko na lang aking sarili sa mga taong nagpapahalaga sa akin. Sa mga taong nagmamahal at naniniwala sa akin. At gayundin sa mga taong kaya kong pasayahin. Hindi na ganun katindi ang pait na aking nararamdaman. Nalulungkot lang kasi ako sapagkat mag-isa na lang ako na tutupad ng aking mga pangarap.

No comments:

Post a Comment