Luto na ang ulam ngunit ayoko pang kumain. Kakatapos ko lang gawin ang plano para sa buwan ng wika. Nakaktamad, nais ko na sana matulog ngunit madami pa akong gagawin. Masaya ako sa trabaho ko, kapag kabisado mo na, para ka na lang naglalaro. Nakakapagod lang ang pagtayo ngunit bahagi iyon ng trabaho.
Kasabay ko pauwing Maynila si Cris, susunduin niya ang kanyang kasintahan. Buti pa siya may sinusundo, ako... Pumatak ang ulan, nakaramdamdam na naman ako ng pagkalungkot. Hindi dahil sa kanya, dahil sa wala na akong kasama. Naghiwalay kami si Cris, patungo siya sa kapatid niya, ako pauwi na.
Tumigil ako sa National Bookstore, nagbasa ng mga tula. Nais ko pang matututo. Nais ko pang lumago ang aking kaalaman sa larangan ng Filipino. Kahit hindi ganun kalaki ang kita, basta ang mahalaga natuto at masaya.
Ika'y naaalala
Palagi aking sinta
Ako'y nangungulila
Sa tuwing nag-iisa
Tanaga :)
No comments:
Post a Comment