Tuesday, July 13, 2010

Kudos

Kung darating ang panahon na kailangan mong iwanan ang lahat ng iyong gamit maliban lamang sa tatlong bagay. Anu-ano ang iyong ititira? Mahirap, lalo na sitwasyon ko na hindi man lang makaalis na walang dalang bag. Subalit kung dumating man sa punto na kailangang mamili ay ititira ko ang mga sumusunod: Ipod, ang nagsisilbing mang-aawit ko sa pang araw-araw na paglalakbay at pakikibaka sa buhay. Tagapawi ng lahat ng pagod lalo na kapag inawitan na ako ng paborito kong mang-aawit. Sumunod ay mouthwash, mas masarap magsalita at makipag-usap sa harapan ng maraming tao kung mabango ang iyong hininga at ang pinakahuli ay ang aking ATM. Alam na. Kailangan ko ng pera.

Nakaramdam ako ng pagkahapo sa araw na ito. Bagamat kakaunti lamang ang oras ng pagtuturo ay naubos naman ang panahon ko sa mga aktibidades sa pagdiriwang ng English Week. Naging hurado ako sa isang patimpalak, declamation. Mahusay ang lahat ng mga sumali subalit sa huli isa lang ang napili. Isang hamon din ang pagdidisiplina ng mga estudyante. Kailngan abutin sila sa pinakakomportable sila upang maunawaan nila ang mga bagay-bagay na magiging gabay nila sa hinaharap. Hinihubog sila upang matutong tumayo sa sarili nilang mga paa. Bilang guro na magsisilibing liwanag sa kanila para sa magandang kinabukasan, isang pakikibaka ang pagharap sa kanila sa araw-araw. Iba't-iba ang personalidad. Dapat marunong kang makisama.

Isang kaibigan ang nagparamdam. Naguguluhan ako. Subalit mas minabuti ko na huwag na munang sagutin ang tawag niya at texts. Subalit sa dulo do ko rin natiis. Pinipigilan ko ang aking sarili. Inilalagay ko sa isip ko kung ano ang tama at nararapat. Di ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya at bakit niya muling ginambala ang nananahimik kong paglalakbay mag-isa.

No comments:

Post a Comment