"Walang pasok ngayon", naalimpungatan ako at nagising sa tunog ng aking telepeno. Nabigla ako sapagkat yan ang mensaheng aking natanggap. Bumalik sa pagtulog. Muling nangarap.
Alas-nuebe na nang ako ay nagising. Panibagong pag-asa na naman. Araw-araw ay biyaya. Araw-araw ay pag-asa. Agad kong kinuha ang aking laptop at nagsimulang gamitin buksan ito. Isang araw at kalahati ko rin ito hindi nagamit. Nagkaroon kasi ng bagyo. Basya ang pangalan. Napakalakas ng hangin. Kahit ata bubong namin ay tatangayin. Nakakatakot. Isa sa mga dahilan upang ako ay hindi agad makatulog, mabuti na lamang kinabukasan ay walang pasok.
Kanina ay nagkataon na walang pasok ang aking mga barkada. Maliban lamang kay Red. Guro siya sa araw na ito. Pinapasok sila. Niyaya nila ako upang magtungo sa Rob Place. Nanuod kami ng Cingco. Hindi nakakatakot subalit mahusay ang pagganap lalo na ang paggawa ng pelikula. May halong art ika nga nila.
Kumain kami sa TGIF. Ang mahal nalulula ako sa presyo. Nagtungo lang kami roon para magpareserve para sa kaarawan ni Aesha. Hanggang sa nagkayayan nang kumain. Sulit naman lalo na pag nakita mo ang burger. Ubod ng laki, mauumay ka. (ako oo, sila hindi). Kaya di ako nanghinayang, sinulit ko na lang ang Iced Tea, 1 to sawa. Subalit nakuha ko ang epitome ng Iced tea. Puro yelo (literal!)
Bumili rin kami ng damit, nagbabalak kaming umakyat ng bundok. Sa Baguio. Regalo ko na rin iyon para sa kaarawan ko. Pero pag-iisipan ko muna.
Inaantok na ako. Pero magbabasa pa ako.
JAPAN!
No comments:
Post a Comment