Wednesday, July 14, 2010

Sa Isa Pang Pagkakataon-

Mali na ako. Mali na naman ako. Bakit ba hinayaan ko ang sarili ko sa isang bitag na alam ko na muli na naman akong masasaktan. Makalipas ang isang buwan na pananahimik ay bigla naman siyang nagparamdam. Di ko alam ang dahilan. Limang miscalls at tatlong blankong text. Inakala ko na emergency sapagkat kahit gabi ay tuloy pa rin siya sa paggawa. Sa madaling sabi, naging marupok ako. Inakala ko na ito na ang tamang panahon upang madugtungan ang nasimulan naming mga pangarap. Subalit sa kasawiaang palad. Mali na naman ako. Sinabi niya na namimiss lang niya ako.

Natural lang ba sa dating magkasintahan lalo na kung matagal kayong nagsama na mamiss ang isa't isa? Oo ang sagot, subalit sa pinakita niya sa akin ay isang kilos na pagiging makasarili. Hindi pa ba siya nasiyahan na nasaktan na niya ako at nakitang lumuluha sa harapan niya? Ibinigay mo ang lahat ng makakaya mo para maisalba ang aming pinagsamahan. Yung tipong sinumbatan ka mula ulo hanggang paa para sabihin sayo ang lahat ng pagkakamali mo ngunit ang pagkakamali niya ay hindi man lang niya tiningnan.

Dahil sa ginawa niya kahit malagpasan ko ang bagyo na ito na mag-isa at dumating ang panahon na magkita kaming muli ay hindi ko siya kikilalanin bilang kaibigan. Kakilala, oo pero kaibigan, hinding-hindi. Matutulad din siya sa mga babae na nagpaluha sa akin.

Maganda ang araw. Bagong pag-asa. :)

1 comment: