Dear blogspot,
Ang lakas ng ulan sa labas. Mukang nakikiiyak na naman ang kalangitan. Sa akin lang ba o gayundin sa mga taong nalulungkot? Naging maganda ang simula ng araw ko, punong-puno ng panibagong pag-asa. Subalit nalulungkot pa rin ako. Malapit na ako sa pinapasukan kong trabaho ng bigla akong napalingon sa kalye lagpas sa Olivarez. Kala ko siya, nakapangduty, kasinglaki niya. Pero hindi ako sigurado, alam ko kasi na ang ginagamit niyang bag ay ang purple na Jansport na pinaghatian namin bilhin noon. Nalungkot ako at napapikit, nang di ko na namalayan na bigla na akong napaluha. Nagdala ako ng jacket, una para pangporma, pangalawa para sa malakas na ulan.
Ang akala ko ay hindi na masusundan ang pagpatak ng luha ko. Kahit abala sa trabaho ay madalas na sumagi siya sa aking isipan. Lalo na pag uuuwi ako at madadaan sa EDSA. Matatanawa ko ang kanyang paaralan. Magsisimula na naman akong malungkot at mapapikit, kusa na namang tutulo ang aking luha. Kanina ay nagtungo ako sa Binondo. Binuhos ang pangungulila sa pananalangin. Pagkapikit ko ay naluha na naman ako. Nakita ko ang aking sarili sa Eng Bee Tin. Hopia Ube ulit. Ang sarap. Umuwi ako na umaasa na isang araw ay kakatok siyang muli sa aming bahay, sa aking puso, sa aking buhay... 30
No comments:
Post a Comment