Tuesday, August 31, 2010

Tandhana

Dear blogspot, nahuli ako sa pagising kanina, sampung minuto na lang at alas sais na. Nagmadali ako sa paliligo kahit labag sa aking kalooban. Nakuha ko ang paliligo at pagbihis ng dalawangpung minuto. Nagmamadali akong umalis ng bahay para di mahuli sa pagpasok. Malakas ang ulan ngunit dala ko pa rin ang pag-asa na magiging maayos ang lahat hindi lang para sa akin subalit gayundin sa lahat ng tao sa paligid ko. Pumara ako ng dyip ngunit napuno ito agad. Nakakagulat, bihira lang ito mangyari. Sumilong ako sa bakery upang hindi mabasa dahil papalakas lalo ang ulan. Nang nakakita ako ng dyip ay agad akong sumakay. Maya-maya pa ay nagulat ako sapagkat kasabay ng malakas na ulan ay trapik na. Ika nga ni mamang tsuper. "O umaga pa lang ganito?" Nag-isip ako mabuti, dalawang beses, tatlo, apat lima. Nakita ko si Red sakay ng kanyang motor, hahabulin ko sana para sumabay ngunit mababasa naman ako. Wala akong payong at wala rin akong jacket ng tulad ng suot niya. Nagdesisyon ako. Umuwi ako habang nakikisilong sa mga maliliit na bubungan upang hindi tuluyang mabasa.

Umuwi ako, nagbukas ng kompyuter at nagsimulang tumipa. Nalulungkot kasabay ng paglakas ng ulan. Maya-maya pa ay nakatulog ako. Ang sarap ng pakiramdam pagkagising. Waring nakatakas ka ng panandalian sa mga problema mo sa buhay. Masarap ang aming tanghalian. Sinigang na baboy. Bagamat pangkaraniwan na ay wala pa rin tatalo sa luto ni mama. The best! Sa paghahanda ko ng pagkain ay bigla akong naluha, sumaglit muna ako sa banyo para ikubli sa kapatid ko ang tuany kong nararamdaman. Matapos nito ay naghanda muli ako sa pagkain. Ang sarap ngunit sa kabilang bahagi naman nito ay ang pait. Nangilid na naman ang luha ko ngunit tiniis kong hindi mahulog ito at dumampi sa aking mukha.

Nagsimulang tumakbo sa aking isip ang mga plano sa aking buhay. Ano nga ba ang plano ko? Mananatili na lang ba ako na ganito? Limang taon na akong nagtuturo ngunit mabagal ang pagbabago. Mabagal ang pag-unlad at sa bawat tagumpay na naabot ko ay siya namang unti-unti kong pagbagsak. Ang hirap pala malagay sa sitwasyon na hindi mo alam ang sagot. Mahal mo siya at mahal ka raw niya ngunit bukas hindi na. Ano ba ang sukatan ng tunay na pagmamahal? Bakit binuo ang pagmamahal kung ito rin naman ang dahilan upang sumira sa dalawang tao. Bakit tuwing pinpilit kong lumakad pasulong at ito na naman siya at babalik? Ano po ba nag dahilan? Kami po ba ay talagang tinadhana ninyo sa isa't isa kaya kahit pilit na pinaglalayo namin ang aming sarili ay nagtatagpo pa rin kami? Bakit sobra-sobra aong nasasaktan ngunit tuwing nakikita ko siya at nakakasama ko siya ay ibang saya ang hatid nito sa akin. Saan ba talaga siya masaya sa akin ba o sa piling ng iba?

Pagkatapos kong kumain ay muli akong bumalik sa pagsusulat at ito nga ibinabahagi ko na sa iyo blogspot. Desidido na ako. Kahit na hindi ko pa alam ang tunay na kahulugan ng mga nangyayari sa akin, sa amin ay mas lalo akong magsisikap sa buhay. Gusto ko nang makatakas sa masikipi at magulong mundong aking pinagmulan, Ito ang naghulma sa aking upang maging tao. Tunay na tao. Hindi man kita masundan sa lugar na iyong pupuntahan at tutungo naman ako sa isang lugar na kukumpleto at muling bubuo ng aking pagkatao. Kalahati na nag taon pero hindi pa rin natatapos ang laban na ito. Magising ka na sana. Tama na. Sapat na sana yung mga pinakita ko at ginawa ko para sa iyo. Sana magising ka na at huwag pabulag sa mga nakapaligid sa iyo. Maging matatag tayo at manalig sa Kanya.

Tama ka nga kung tayo talaga pagtatagpuin niya tayo sa dulo.

No comments:

Post a Comment