Friday, August 5, 2011

Lalaki sa Septic Tank-

Apat na araw na trabaho at isang araw na bakante dahil sa bagyo. Ayos!, sana may dumating pa.

Nahuli ako sa trabaho kanina, dalawampung minuto rin iyon. Nahuli ako ng gising. Napasarap ang tulog ko o tinamad ako? Di ko alam basta iyon na yun. Matapos ang pagtatrabaho ay nagpasya ako na mamasyal. Wala talaga sa plano pero dahil naisip ko na baka lumipad na naman ang pera ko na di ko nalalaman ay mas mabuti pa na bumuli na ako ng aking mga kailangan. Sa totoo lang ay hindi naging maganda ang simula ng araw ko. Una nga nahuli ako sa klase, pangalawa may isang tao na naman na nagdala sa akin pabalik sa isang bagay na matagal ko ng iniiwasan. Ngunit di ko talaga maunawaan, lalo akong umiiwas mas lalo rin naman na lumalapit sa akin ang aking iniiwasan. Hindi ko alam kung takot ba akong marinig o inaasahan ko rin na ito ay aking marinig.

Gaya ng dati ang destinasyon ko ay patungo sa EDSA, subalit sa pagkakataong ito ay di na gaya ng dating sistema. May kailangan lang akong bilin kaya ko dadayuhin ang lugar na iyon. Mahaba ang byahe kaya't sinamantala ko ang pagtulog. Alam ko na mababaw lang ang tulog ko subalit nakaramdam naman ako ng kaginhawaan kahit papaano. Bumaba ako sa Baclaran, marami ang bus. Di magkamayaw ang mga tao, buti na lang naiwasan ko agad ang matinding sikat ng araw at nakasakay ako agad ng dyip pa MRT. Niligid ko ang mata ko sa paligid, wala naman masyadong nagbago maliban na lang mga naglalakihang poster sa paligid ko. Di rin trapik, mabilis akong nakarating sa babaan pasakay sa MRT. Namiss ko ang lugar na iyon halos apat na taon ko rin naging service ang MRT. Pagkaayat ko sa MRT ay bumulagta sa akin ang mahabang pila. Shet jabar-jabar na naman ang makakatabi ko. Siksikan ang mga tao kaya't todo protekta ako sa bag ko sapagkat nandun ang aking mga kayamanan. Halos nagkakatulakan na at dahil na rin sa maliit lamang ang espsayo ng pila ay di ka basta-basta makakasingit. Subukan lang na maningit at baka masakatan sila ng mga tao na nagtyatyagang pumila kahit na ubod ng haba. Naibsan naman ang kabagutan ko sa haba ng pila ng marami akong nakitang magagandang babae sa pila ng MRT. Di na talo, mata ko pa lang busog na. Pagkapasok sa loob ay di na ako nakipila sa bilihan ng tiket. Dun na ako sa kinse ang pamasahe. Lugi man ako ng tatlong piso, ayos lang di naman ako lugi sa mga kili-kiling maaaring sumayad sa damit ko dahil sa dami ng nakapila ng tao.

Malamig pa rin ang aircon ng MRT. Kaunti ang tao. Nakakaloko. Mahaba pila sa labas pero sa loob hindi siksikan. Umalis kaagad ang tren. Ang dami ng bagong modelo sa mga naglalakihang billboard sa EDSA. Pag dumadaan ako nun dun pinapangarap ko na magkaroon din ako dun ng poster. Kahit naka-underwear ok sa akin. Pangarap lang naman. Nag-ipod ako hinayaan ko na awitan ako ng The Script. Nag-emo na naman ako. Pag naiisip ko na nageemote na naman ako pinapaniwala ko ang sarili ko na mas kailangan ko iyon para mas makapagsulat pa ako ng mga kuwento ko na maaaring kuwento rin ng iba. Dati rati ang hinto ko ay sa Boni ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na. Gusto ko sana bumaba ng huminto ang tren dito namiss ko ang Siomai House at namiss ko rin ang Rob Place o namiss kita? Dumating na ako sa aking destinasyon sa Ortigas Station, nagtungo muna ako sa Shang, busog na naman ang mga mata ko sa mga naggagandahang babae. Hanep di talaga ako talo sa trip ko. Si ate pa rin ang nagtitinda, gaya ng dati nauto ko na naman siya. Binigyan na naman niya ako ng freebies. Iyan ang kala ng iba, hindi purket Rustan ka bibili ay di na sila makamasa. Sa SM di ako nabibigyan ng freebies na ang presyo ay halos kapresyo na ng nabili mo. Hanep diba? Di ko na sasabihin ang produkto. Akin na lang un at bukod pa dun di nyo ito kailangan.

Matapos nito ay naglibot muna ako ng kaunti sa Shang, bago na ang disenyo ng paligid ngunit wala namang bagong establishimento. Ganun pa rin. Lumabas na ako at gaya ng dati ay lalakad ako papuntang Mega, apat na buwan pa lang ang nakakalipas ngunit buo na agad ang condo na dati ay lupa lang ng aking dinadaanan. Ang bilis talaga magbago ng panahon. Parang ikaw. Pagdating sa Mega, marami na rin ang bago, mas lalo akong nalungkot pakiwari ko lahat ay nagbago na at ako na ang hindi pa. Ito pa rin ako tulala. Sandali kanta ata iyon huh! Kumain ako ng mag-isa sa Chowking, solve busog ako. Dumaan sa simbahan at nagdasal. Nagpasalamat na buhay pa rin ako at gabayan Niya ako sa mga desisyon ko.

Marami ring magagandang babae sa Megamall. Nagkalat sila kaya't lalo akong nabusog. Marami talagang babae sa mundo at alam kong marami pa akong makikila pero sa dami nun ikaw pa rin ang aking hinahanap. Sana nga kalat na lang na basura ang mga babae para pwede ko siang pulutin at ilagay sa tamang lalagayan. Sa puso ko! haha! Hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta sa Mega sapagkat tapos na ang kailangan kong bilin sa Shangri-la. Mabuti na lamang at may nakapagsabi sa akin na may sale raw ng sapatos sa Mega Trade. Doon ako nagtungo, ayosa ng presyo ng sapatos at bag, ang problema wala akong trip sa aking mga nakita. Nagpasaya ako na manood na lang ng babae sa septic tank. Hanep nakakatawa, pero mas napabilib ako sa ideya ng sumulat. Ang lupet! Si Chris Martinez pala! Feeling ko close kami purke nabasa ko lang ang Last Order sa Penguin!

Inaamin ko naging masaya ko sa pelikula ngunit mas magiging masaya ako kung kasama kita. Nagbago ang tono ng aking panulat. Nagsimula ng sumakit ang aking mga kamay. Subalit pinipilit ko na tapusin ang tumatakbo sa aking isipan gaya ng kagustuhan ko na makalimutan na kita. Sa bawat lugar na tinapakan ko sa Edsa ay ikaw lang ang aking naaalala. Di ka makatkat sa aking isipan. Hinamon ko pa ang pagkakataon na makita ka subalit sa pagkakataong ito ako ay natalo. Sinubukan ko rin na.... pero di ko na itutuloy... ngunit ako ay muling nabigo, wala akong nakita. Di kasi nila alam ang nangyari, di nila alam kung paano nalason ang iyong isipan ng pagkakataon at kapusukan. Gabi-gabi ay panambitan ko na ikaw ay Kanyang gabayan. Natuwa naman ako sapagkat mayroon ka ng pinagkakabalahan.

Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang kuwento. Kaya ko pang habaan kaso nangangalay na ang mga kamay ko. Basta di ako nakatiis kanina, nagchillz ako sa Ministop!


Pakiramdam ko ako ang lalaki sa septik tank. Di ako makaahon sa dulot ng dumi, baho at sakit ng pagkakahulog ng panahong ako ay nasaktan. (nakanang qoute yan ako nakaisip nyan!) ORIGINAL KO YAN! DI GINAYA HAHA!

2 comments:

  1. Dito rin sa Elbi sir, maraming maganda pero hanggang crush pa lang naman ako. Siguro mga apat ata yung crush ko. haha :) Pero sa tingin ko na magandang strategy ito para hindi ako ma-distract. Pag nag-focus lang ako sa isa, siya't-siya nalang ang iisipin ko palagi, lalo na kung wala siya. Kung marami naman, kaya kong kalimutan ng panandalian ang babae kung wala siya dahil may panibago akong hahangaan. :))

    Pero crush palang naman kasi ito eh. Feeling ko nga, napaka immature ko eh. haha :)) Naiintindihan ko ang nararamdaman mo sir kahit hindi ko pa ito nararanasan. Nawa'y makaahon ka rin sir. :)

    P.S. Tama, magandang therapy session ang pakikinig ng The Script. haha :))

    ReplyDelete
  2. Darating din ang pagkakataon na iibig subalit ikaw ay mag-ingat. Mapanganib, baka mahulog ka rin sa septic tank. Mag-aral mabuti Paolo!

    ReplyDelete