Kung mali man ang nararamdaman ko patawarin mo ako. Ngunit huwag kang mag-aalala sapagkat hanggang dito na lang ito. Sa tuwing nalulungkot ako ay lagi ka nariyan upang punan ng ngiti ang kalungkutang aking nararamadaman. Salamat. Nahuhulog na ata ako.
Masakit ang katawan ay nilisan ko ang AAM. Kakatapos lang ng pagdiriwang ng Foundation Week. Inaamin ko, lubod akong naligayahan. Nakaraang Linggo pa lang ay abala na ang lahat sa paghahanda ng okasyon na ito. Ang lahat ay di na makapaghintay. Lahat ay nasasabik. Sa dahilang noong nakaraang taon ay hindi nagkaroon ng pagdiriwang dahil sa pagsalanta sa ating bansa ng Ondoy.
Lunes, nagkaroon ng General Rehearsals para sa Field Demo mga mag-aaral ng High School.
Martes, General Rehearsals para sa AAM Got Talent at para sa Field Demo.
Miyerkules, ang pagdiriwang ay nagsimula na. Kanya-kanyang postura. Madaming pwedeng pagpilian ng pagkain. May Chowking, Zagu, El Bonitos, at marami pang iba. Maganda ang presentasyong ng HS. Lahat masaya, lahat maligaya!
Huwebes, AAM Got Talent. Naghost ako, sobrang nag-enjoy ako. Kasama ko si Ryan Mickey Mouse at Lee Yan. Mahusay ang dalawa. Malayo ang mararating nila. Mahuhusay ang lahat ng kalahok. Ang lahat ay naghanda. Ang lahat ay nais manalo. Ngunit sa huli nagwagi ang Papabols! Ako ang manager. haha! Nakakatuwa sila at hinatian nila ako sa panalo. :) SAng mga papables ay sina Clarence, Eric, Rave, Jeaken, Charlie at Carlos. Mga boyband! Naglaro ng Volleyball ang mga guro. Nagwagi ang guro laban sa mga estudyante.
Biyernes, AAM Got Talent pa rin para sa Elementarya. Sa murang edad ay nagpakita ng talento ang lahat ngunit isa lang ang nagwagi. Si Beatrice Visconde. Matapos ay Battle of the Bands naman sa hapon. Lahat ay mahusay umawit! Mahirap pumili. Ngunit nagwagi ang grupo ni Luigi, ang Escolta. Nagkaroon din iba't ibang special awards. Lahat ay mula sa Socrates! Mula sa section ko. Si Yuji (Best taga cahon) haha! (di ko alam ang tawag), Ples (Best Lead) , Rave (Best Vovalist) at Enrico (Best Bass).
Nilibre ko si Lee ng Ice keme.
Nilibre ko ang lahat ng guro ng HS.
Nilibre ko si Ly.
Nilibre ko sa Clarence
Nilibre ko si Sir Phil
Nilibre ko si T. Mhae
Binigyan ko siya ng Tulips na pink, cake ng purple, ginawan ko siya ng kanya, inawitan.
Ngunit gaya ng dato bigo pa rin. Wala na atang pag-asa na muli siyang bumalik sa dati. Mahal pa rin kita.
Sa kabuuan, ang kalungkutan ay nabalutan din naman ng kasiyahan.
Nahuhulog na ata ako sayo (lihim lang) hanggang dun lang yun. ispesyal ka paraluman :)
No comments:
Post a Comment