Alas otso. Pagkatapos ng mahabang oras sa pagtatrabaho ay ginugol ko ang aking sarili sa iba pang gawain. Nagtungo ako sa La Salle para mag-enrol. Kaunti ang pila at napakadali kong natapos. Wala pa rin talagang tatalo sa Pamantasan ng mga naghaharing-uri (hindi ako kasama), mabilis ang proseso. Kaunting tiyaga lang. Sinubukan ko siyang ayain ngayong gabi. Gaya ng dati ako ay muling nabigo. Dinalaw na naman ako ng kalungkutan. Muli na naman bumalik sa akin ang tamis ng nakaraan, Ngunit sa tuwing naiisip ko iyo ay siya namang sagi rin ng mga pait ng nakaraan. At sa tuwing naiisip ko kung gaano ko siya kamahal ay lalo akong nasasakatan. Matapos mag-enrol ay nangako na naman ako sa sarili ko na aayusin ko na ang aking pag-aaral upang matapos na. Nagtungo ako sa isang bahagi ng pamantasan kung saan makikita ang mga listahan ng kurso. Hinanap ko ang Master in SPED. Huminga ako ng malalim. Sigurado na ba ako? Matapos nito ay nagtungo ako sa departamento ng Filipino. Mangangamusta sana ngunit wala naman akong nakitang tao.
Makikipagkita sana ako sa aking kaibigan ngunit ayaw na raw niya. Wala na naman akong nakausap. Nagpasya akong magtungo sa SM. Binili ko lahat ng aking pangangailngan, nagbayad ng bill at matapos nito ay nalula ako sapagkat ubos na ang aking pera. Problema ko na naman ang mga susunod na Linggo.
Umuwi ako nang hapung-hapo. Maraming bitbit ngunit butas ang bulsa. Kulang na nga yata ang aking kinikita. Naisin ko man mag-ipon kulang pa rin talaga. Umuwi ako habang hinayaan kong awitan ako ulot ni Justin Bieber. Makahulugan ang kanyang mga kanta. Nakikita ko ang sarili ko sa mga kanta niya lalo na sa awiting That Should Be Me. Shet sapul! Hindi ko maunawaan kung mahal pa ba niya ako o kailngan talaga na mawalan na ako ng nararamdaman sa kanya bago niya malaman niya na mahal niya ako. Ang hirap unawain.
Sa kabilang banda, hindi ko maalis na titigan siya. Ang ganda niya talaga. Simple lang siya. Pero sa panaginip ko alam ko naman na di niya ako magugustuhan. Malayo. As in malayo at hindi maaari. Ngunit sa mga panahong abala ako at nalulungkot ay kakaiba ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya. Naiisip ko kung magkakasundo ba kami sa isang bagay? O kaya ay magugustuhan din kaya niya ako. Ngunit di pwede. Imposible. Ang ganda ng kanyang mukha lalo na kapag siya ay ngumiti. Baka nagustuhan ko talaga sa kanya ang pagiging simple. Madali akong maakit sa mga ganoong babae. Bukod pa rito ay may laman siya magsalita. Ngunit sa panaginip na lang kita papangarapin Paraluman.
Nagugutom na ako. Alas-otso kinse na. Ayaw pa rin gumana ng Facebook ko.
Wow.. galing!
ReplyDelete