Thursday, September 9, 2010

Thursday

Dear Blogspot,

Huwebes ngayon at nakatakda sana akong magtungo sa St. Jude para magsimba. Ipinagpaliban ko muna. Nakaraang Linggo naaalala ko pa, sariwa pa sa isip ko nang maghintay ako ng anim na oras para sa wala. Sinubukan kong lumaban ngunit sa isa pang pagkakataon ay muli akong nabigo.

Bukas ay walang pasok, sasamantalahin ko ito upang makapagpahinga at makasama ang aking pamilya. Subalit kung aayain din naman ako ng aking mga kaibigan ay okay lang din. Nakakainip din sa bahay kapag walang ginagawa.

Nakailang text ako sa kanya ngunit di siya nagrereply. Hindi ko alam kung nasaan siya at sino ang kasama niya. Sinusubukan ko pa rin kumalma. Hanggat maaari ay ayoko nang magalit. Tapos na ako sa estadong iyon. Yung masasaktan ako tapos ay magagalit ako sa kanya ng sobra. Nasa estado na ako ng aking sarili na muli akong bumubuo ng bagong pagkatao. Sa unti-unti kong pagbuo ay tinitingnan ko kung nais pa ba niyang sumama sa bagong tao na iyon o hindi na.

Alam mo naglakad ako kanina sa kahabaan ng UN. Nakita ko yung mga lugar na nilakad ko. Yung mga lugar na minsan naglalakad ako patungo sa kanya. Uniiyak ako noon, naalala ko. Nakita ko rin ang MCDO, ang lugar na minsan namin pinuntahan at pinuntahan ko rin mag-isa. Nalulungkot ako ngunit lalo kong iniisip na ang lahat ay may katapusan. Ang lahat ng pagsubok ay may katapusan. Umaasa ako na mas magiging mabilis ang paghilom ng mga sugat. Salamat at nakikinig ka.

No comments:

Post a Comment