Halos mag-aalas onse na nang nakauwi ako sa aming bahay. Nakakapagod at ang daming gumugulo sa aking isipan. Nalugi ng ilang kostumer ang Starbucks Aguirre sa dahilang halos limang oras akong nanatili kasama ng aking mga kasama sa trabaho upang magbahaginan ng mga kuwento ng buhay.
Tunay ngang nakikiiyak ang langit. Naging emosyonal na naman ako. Matapos nang mahabang kwentuhan nakita ko na naman ang aking sarili na lumuluha sa loob ng tricycle. Salamat na lang at may sumakay kaya nahinto ang aking pagluha.
Sa totoo lang ay hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko. Napapagod na ako. Ang gusto ko lang malaman kung siya ba talaga ay nakalaan sa akin o hindi. Sana matapos na ang lahat, pagod na pagod na pagod na ang pisikal, mental, emosyonal na bahagi ng aking pagkatao.
Sana sapat na yung napakita ko para maramdaman mo na mahal kita, na tunay ang narardaman ko sa iyo. Ang bawat hawak mo sa aking kamay ay nagpapaalala sa akin na mahal mo pa ako kahit papaano. Sana magising ka na sa katotohahan at makita mo ang halaga ko.
Ang mata ko ay napapapikit na, bukas ko na itutuloy.
No comments:
Post a Comment