Kuwentong Pag-ibig
Salin at isinaayos ni Sir Yuan
Noong unang panahon ay mayroong isang isla kung saan nananahan ang iba’t ibang emosyon: Kasiyahan, Kalungkutan, Katalinuhan at marami pang iba, kasama ang Pag-ibig.
Isang araw, ibinalita sa lahat na lulubog na ang isla sa gitna ng karagatan kayat naghanda ang bawat isa ng kani-kanilang mga bangka para agad na lumisan.
Tanging si Pag-ibig lamang ang nagdesisyon na huwag munang iwanan ang isla hanggang sa huling pagkakataon.
Nang makita niya na halos nakalubong ang malaking bahagi ng isla ay doon nagdesisyon si Pag-ibig na lisanin na ang isla. At doon nagsimula siyang humingi ng tulong.
Habang padaan si Kayamanan sakay ng isang engrandeng bangka. Nagtanong si Pag-ibig, “Maaari ba akong makisakay sa iyong bangka?” Sumagot si Kayamanan, “Paumanhin ngunit puno ng ginto at pilak ang aking bangka kayat wala ng lugar para sa iyo rito.”
Nagdesisyon si Pag-ibig na humigi na lang ng tulong kay Banidoso. “Banidoso, tulungan mo ako pakiusap.” “Hindi kita matutulungan”, tugon ni Banidoso, tingnan mo, ikaw ay basang-basa masisira mo ang napakaganda kong bangka.”
Sumunod na nakita ni Pag-ibig si Kalungkutan. Siya ay nagsusumamong humingi ng tulong kay Kalungkutan. “Kalungkutan, isama mo ako sa iyo.” Sumagot si Kalungkutan, Pag-ibig paumanhin ngunit hindi maaari, nais kong mapag-isa.”
Nagsimulang lumuha si Pag-ibig. Mag-isa at walang nang makitang pag-asa, nang biglang isang tinig ang kanyang narinig,”Pag-ibig halika at sumama ka sa akin”, tinig ng isang matanda.
Nakaramdam ng labis na kasiyahan si Pag-ibig kayat nakalimutan niyang magpasalamat at tanungin ang pangalan ng matanda.
Nang makarating sila sa kabilang isla ay siya namang pag-alis din ng matandang nagligtas kay Pag-ibig.
Doon ay napagtanto niya na malaki ang kanyang utang na loob sa nagligtas sa kanya na matanda.
Nakita ni Pag-ibig si Katalinuhan at nagtanong, “Sino ang naglitas sa akin?”
“Si Panahon ang nagligtas sa iyo Pag-ibig”, tugon ni Katalinuhan.
“Ngunit bakit ako tinulungan ni Panahon na hindi ginawa ninuman?”, pagtataka ni Pag-ibig.
Ngumiti si Katalinuhan ng buong dunong at sinseridad at sumagot,
Dahil tanging ang PANAHON.
No comments:
Post a Comment