Monday, October 11, 2010

sCRAP Book..

Dear Blogspot, Lunes bagong pag-asa ngunit hindi ko na naman nagawa. Pinipilit kong lumayo subalit sa tuwing sinasabi ko iyon ay bumabalik na naman ako sa simula. Tila isang goma. Habang abala ako kanina sa pagbabasa ng mga scrapbook ng aking mga estudyante ay may nakita akong mga sobrang pangdisenyo sa scrapbook na hindi nagamit. Kinuha ko ito at nilagyan ng disenyo ang dalawa kong telepono. Yuan ang nakalagay sa isa at Juanito naman sa ikalawa. Nakakatuwa kaya't hindi ko napigilan gawin iyon. Dalawa na rin ang aking number. Di ko maiwan yung lumang number ko, sayang kasi pag nagpalit na naman ako. Walang consistency. Minsan na lang tumunog ang phone ko. At sa tuwing tumutunog iyon, inaamin ko siya agad ang una kong naiisip. Ngunit gaya ng dati lagi akong bigo. Kaya sa tuwing tumutunog ito alam kong hindi ito siya at pagbukas ko, hindi nga. Sanay na talaga ako. Masasakit ang mga salita na binibitawan niya. May halo pa ring panunumbat kahit na ito ay tapos na. Wala akong magagawa iyon na siya. Araw-araw ay dahan-dahan ko siyang inaalis sa sistema ko. Sobra na masyado na akong tanga. Gusto kong isalba ang relasyon namin sapagkat di biro ang bumuo ng ganoon at makikita mo lang sa wala. Wala nang kumakausap sa akin. Familiar na sila. Tanging magagawa ko, matulog at kumuha ng lakas upang bumangon sa pagkakadapa. Matutulog na ako.

No comments:

Post a Comment