Dear Blogspot,
Pinilit kong gumising nang maaga kanina kahit na ako ay inaantok pa. Napupuyat ako na di naman produktibo. Papalapit na ang bakasyon ngunit ito pa rin ako tulala. Naghihintay pa rin at umaasa na maaayos ang lahat sa amin o kaya naman ay makalimutan ko na ang lahat. Sa totoo lang ay di ako sinuwerte sa nasakyan ko kanina, ubod ng bagal. Maaga man ako umalis, huli pa rin. sa harapan ko ay sandamakmak na choco crunchies. Ang sarap ganun talaga pag may iniisip ako, kapag depress ako tsokolate ang takbuhan. Masyado nang malala ang sakit. Masyado nang pinalala ng mga nangyari. Sinubukan kong isalba ngunit sa tuwing ginagawa ko iyon ay lumalayo siya. Panahon na talaga na dapat ay may paghugutan ako ng lakas ng loob para bumangon. Hindi man sa isang tao maaari rin naman sa mga bagay. Kasabay ng pagbabahagi ko ng kuwento ay kumakain ako kaya pahinto-hinto ako ngayon. Madalas ko rin tingnan ang telepono ko. Nagbabakasakali na siya na ang magtetext. Ngunit mali. Walang nagtetext. Okay na siguro talaga siya sa isa. Kung pagtabuyan na niya ako daig ko pa ang hayop. Tanggapin ko na dapat ang mayroon ngayon. Na wala na talaga siya. Na isa na lang siyang alaala. Kagabi lang sobra ang iyak ko. haha! Nakakatawa pero totoo. Nung pauwi na rin ako kanina, naluluha ako pero pinigilan ko. Malaki na ang kasalanan ko sa Kanya, sa sarili ko, sa kaibigan ko at sa mga taong napabayaan ko. Pero alam ko nauunawaan nila ako sa pinagdadaanan. Kahit sa blog ko man lang mapasalamatan ko kayo. Salamat sa lahat ng tumulong. Kaunting buwan pa, linggo, araw? Siguro magiging okay na ako. :)
Ayoko nang magsalita. Gagawin ko na lang.. :)
No comments:
Post a Comment