Saturday, October 9, 2010

:/

Inaantok na ako, pero ayoko pa matulog. Hinihintay ko pa ang text nya. Makalipas ang apat na araw na paglalakbay, panandalian may nagbago pero hindi pa rin siya tuluyan nawawala sa isip at puso ko. Consistent siya hindi na raw niya ako mahal, at hindi na raw niya kayang maibalik. Indenial pa ata ako kaya ganito pakiramdam ko. Sa totoo lang napapagod na ako pero kinakaya ko pa rin kahit ang sakit sakit na. :/

Masaya ang retreat kahit hindi naman ako totally kasali dun, pero may part pa rin na nagsasalita kami. Very inspiring, nakakataba ng puso. Ang sarap magbagong buhay. Ang sarap mas maging matatag sa pananampalataya. Ang sarap maniwala at magtiwala sa kanya, mga bagay na natutuhan ko.

Angels Hills ang lugar na aming pinuntuhan, nakatulog ako ng hapon pero hindi ako komportable masyado, natatakot ako sa dahilang mag-isa lang ako sa kwarto. Sa totoo lang din di ko nagustuhan ang pagkain, walang sabaw, tuyot at bukod pa roon ay kakaunti. Matapos magdinner, naligo ako at nagtungo ako sa simbahan. Unang pagkakataon kong magsimba doon. Walang tao, ako lang solo ko ang simbahan. Tahimik at alam ko na mananamnam ko ang pakikipag-usap sa Kanya. Tumulo ang luha sa aking mga mata na mistulang bata. Kahit hindi pa ako pumapasok doon alam kong alam na niya ang nasasaloob ko.

Bumalik ako sa lugar kung nasaan nandoon ang mga estudyante ko. Ang lahat ay humagulogol na. Maya-maya pa ay tinawag kami upang ibigay ang sulat ng kanilang mga nanay. Lalo silang umiyak. Ang sarap talaga ng pag-iyak lalo na kung ito ay totoo at galing sa iyong puso.

Tinatamad na akong dugtungan, pagod na talaga katawan ko. :/

No comments:

Post a Comment