Thursday, October 21, 2010

Rainy Days :)

Dear Blogspot?

Hi! How are you! Naging busy man ako pero di ibig sabihin nun nakalimutan na kita. Alam mo ba ang daming kuwento mo ng namiss sa akin. Una, bakasyon ko na ngayon. Yun nga lang nakakalungkot kasi namatay ako ng kaibigan. Si Alwyn, oo siya nga. Sinaksak siya nung isang araw. Nakakalungkot ang kanyang pagkamatay, di mo inaasahan. Ang bilis lang talaga ng buhay no? Isang click lang then wala na. Sorry blogspot kung ganito ako magsalita. Myx ang salita haha! Nabababoy ang wika. Anyway, its not the language its the feelings behind these text. haha! Tama ba ako? Ayun may isa pa akong problema, alam mo naman yun, heart problem pero lalong bumigat yung pakiramdam ko dahil sa bad news na yun. Mabait si Alwyn, ang dami nyang payo na naibigay sa sakin lalo na nung panahon na down ako sa mga problema ko sa pag-ibig. Pero ngayon hindi na namin siya makakasama, kinuha na siya. Pero alam ko na masaya siya kung nasaan man siya. Kasi kasama na siya si Lord. Yun nga lang sana mabigyan ng hustisya yung pagkamatay niya.

Sa kabilang dako, naks Tagalog na Tagalog. May kung ano na nalulungkot ako ngayon, sembreak na kasi eh. Namimiss ko yung dati, Nasa Iloilo siya ngayon at nagpunta rin siya sa Boracay. Sinubukan ko siyang itext, nagrereply naman, yun nga ang cold niya. Habang nagsusulat ako sibukan ko rin siya kausapin pero hindi na siya nagrereply. Nakakalungkot at masakit kasi wala na talagang natitira na love para sa akin. Sana maunawaan mo ako kung hirap na hirap ako magmove on. Hindi dahil sa mahina ako pero hindi kasi ganun kadali yun. Slowly but surely nga ang sabi nila diba. Alam ko naman na hindi ako pababayaan ng taas. May dahilan siya. Alam ko rin na masama man sa paningin ko siya dahil sa pananakit na ginagawa niya alam kong hindi niya sinasadya un. Hindi ko naman kasi siya pwede turuan na mahalin niya ulit ako gaya ng dati. Kasi ang pag-ibig sadyang di natuturuan. Di maaaring diktahan. Nakakabaliw talaga ang pag-ibig haha! Minsan okay ang mood ko minsan naman hindi, ang resulta itetext ko naman siya. Araw-araw nagdadasal ako na maging okay na ako at hindi ko na siya namimiss. Mahirap kasi magsalita ng isang bagay na patapos, napatunayan ko na yun.

Dalawang chapter sa buhay ko ang nagbago, nawala sa tropa namin si Alwyn at nawala siya. Parehong A Ang simula ng kanilang pangalan.

Lord tulungan nyo po akong maging matatag at maging mahinahon sa mga desisyon ko sa buhay. May dahilan ang lahat kung bakit tayo nasasaktan. Ang mahalaga sa bawat pagkakamali natututo tayong bumangon at maging matatag para sa pagbabago. :)

No comments:

Post a Comment