Maaga pa lamang ay gumising na ako para sa dalawang gawain, una para bumoto ikalawa para sa pagsusulat. Kahit bakasyon at naisin ko mang makita ang aking sarili na matagal na nakahiga sa aking kama ay bumangon ako agad ng walang pag-aalinlangan.
Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa telepono, gising na! Mukang sabik ata sa pagkikita. Hindi ko sinagot sa halip ipinagpatuloy ko ang paghahanda para sa aking mga gagawin sa araw na ito.
Maraming tao, magulo, gaya ng dati maraming nakakalat sa paligid na mga papel ng mga tatakbong kandidato para sa Punong Barangay at Kagawad. Nakikipagsiksikan ako upang hanapin ang presinto na kung saan ako boboto.
Pagdating ko sa presinto ay maikli pa lang ang pila, iba talaga ang nagagawa kapag maaga ka nagpunta. At dahil sa magaling pa ako sumungit dahil sa hindi oraganisadong pila ay pang-apat ako sa mga nakaboto. Pagkaupo ko, walang kopya ng mga tatakbong kandidato. Napatingala ako sa langit. Paano ko gagalingan ang panghuhula eh kung wala man lang akong kaideya-ideya. At dahil sa mahal ko ang aking ina ay siya lamang ang aking binoto. Sinubukan kong iligid ang aking mga mata, baka sakaling makakita ng kakilala. Baka sakaling mabigyan nila ako ng kopya ng mga kandidato at makapamili. Di ako nabigo, mayroon nga akong nakitang kakilala. Nagtanong ako ng pasimple at mantakin ba naman na utusan ako na ito raw ang mga pangalan na iboto ko. Nagmistulang bata ako na pinipilit sa isang bagay na ay kong gawin. Di ko na lang pinansin sa halip pinanindigan ko na nanay ko lang ang aking iboboto.
Umuwi ako ng bahay upang kuhanin lang ang aking gamit para magtungo naman sa BF .
No comments:
Post a Comment