De La Salle University
Isinumite ni: Juanito N. Anot Jr.
MAARFIL
Isinumite kay: Prof. Datuin
Ang Bahay ni Kuya Bilang Panopticon, Ang Big Brother Bilang Simulacrum
Programang Pinoy Big Brother. Isa sa mga programang kinahuhumalingan ng maraming Pilipino. Ang pinakasikat na Reality TV Show ngayon sa ating bansa. Bakit kaya maraming mga Pilipino ang sumusubaybay nito?
Mula sa ideya ni Baudrillard ng simulacrum, konsepto ni Debord na The Society of the Spectacle at ang metapor ng panopticon ni Foucault, ang papel na ito ay tungkol sa bahay ni Big Brother (kuya) bilang isang panopticon, ang makabagong “kopya” ng panopticon ng “totoong buhay” sa loob ng espasyong “virtual” at sa kung saan ito nagkakaroon ng sariling realidad na walang katumbas na “referent” sa pangaraw-araw na realidad sa labas ng kuwadro ng telebisyon.
Ayon kay Baudrillard, reality TV “also serves to satisfy our thirst for voyeurism, invasion of privacy and as Baudrillard states, it increases our fascination with the obscene. It is an exercise of ‘desiring to be seen’ and desiring the Other to return our gaze, as we desire the mock celebrity that reality television affords. In witnessing the privation of its participants, we are also simultaneously celebrating our comforts, so that there is a sadistic element to taking pleasure in watching the sufferings of others at work as well.1
Sa Pinoy Big Brother, ang voyeurism ay nakapaloob at umiinog sa espasyo ng panopticon, isang konseptong hiniram ni Foucault mula kay Jeremy Bentham (1791). Bilang lulan ng Disciplinary Power, ang panopticon ay isang arkitekturang dinesenyo para sa mga preso. Ito ay isang pabilog na kulungan kung saan sa gitna nito ay isang tore na nakakakita sa lahat ng kilos at galaw ng preso nito. Samantalang ang gwardya naman ng tore na ito ay nananatiling tago sa mga mata ng preso nito. Dahil sa disenyo ng tore nito ay pinapalagay na lang ng mga preso nito na umayon sa batas ng nagbabantay nito. Sapagkat kung sinuman ang mahuli ng nagbabantay nito na gumawa ng hindi kanais-nais ay bibigyan ng kaparusahan. Ito ay nagpoprodyus ng “regulatory behavior” sapagkat may nagbabantay man o wala sa itaas ng tore (na hindi nakikita ng preso nito), ang mga preso ay umaayon sa batas at kagustuhan ng nasa tore.
Ayon kay Foucault, “Power thus is most effective when it is invisible and unverifiable.”2
Ang punto ng panopticon ay hindi ang ideya na mayroong active na surveillance na maaaring makaapekto sa behavior ng mga preso bagkus ang istruktura ng surveillance, aktibo man o hindi, ito ay nagpoprodyus ng conforming behavior.
“It thus acts as a powerful metaphor for the way the circulation of power produces particular kind of behavior.”3
Kung gayon, ang bahay ni kuya ay nagsisilbing panopticon kung saan nakakulong ang mga housemates dito. Samantalang si Big Brother naman bilang isang metapora ang nagsisilbing gwardya na tumitingin sa lahat ng kilos at galaw ng mga housemates. Hindi siya nakikita ng mga housemates at tanging boses niya lang ang kanilang naririnig. At kung sinuman sa mga housemates ang lumabag sa batas sa loob ng kanyang bahay ay bibigyan ng kaparusahan. Bukod pa diyan batid ng mga housemates na nasa loob ng bahay ni kuya na hindi lamang si kuya ang nakakakita sa kanilang ginagawa subalit gayundin ang tagasubaybay. Ang tagasubaybay kung gayon ay gumaganap din ng iba’t ibang papel – bilang “alter ego” ni Kuya at bilang “guwardya” rin ng panopticon – mga “Little Big Brother” na nagmamay-ari ng aparato ng iba’t ibang “gaze” at pamamaraan ng surveillance (ang kanilang mata at ang TV set) Dahil dito umaayon sila hindi lamang sa kagustuhan ni kuya subalit gayundin sa imahe na ipinapakita nila sa mga sumusubaybay nito. Kung katanggap-tanggap ang imaheng ipapakita nila sa mga tao, maaari silang makilala at magkaroon ng magandang karir. Subalit kung hindi naman ay maaari silang hindi magustuhan ng mga manunuod. Ito ang makabagong panoptic ng disiplina na pinaiinog ng reward at punishment. Kung sila ay susunod sa batas ni kuya sila ay bibigyan ng reward. (depende sa task na ibibigay ni kuya) at kung hindi naman ay maaari silang bigyan ng punishment. (tulad ng automatic nomination.) Idagdag mo pa diyan ang mga taong nanunuod na magbibigay desisyon kung sino ba ang mananatili sa loob ng bahay sa pamamagitan ng pagboto. Nangangahulugan lamang na ang disiplina sa loob ng bahay ni kuya at ng mga housemates ay nahahati sa “totoo” at “hindi totoo.” Ang mga housemates ay hindi lamang umaayon sa batas ni kuya subalit gayundin sa mga taong sumusubaybay nito. Kumbaga kanya-kanya silang packaging para maging katanggap-tangap sa mga tao. At para rin manatili ng matagal sa loob ng bahay at mapanalunan ang inaasam nilang premyo.
Subalit hanggang sa ganito lang ba nagtatapos ang kapangyarihan ni kuya sa loob ng kanyang bahay? Palawakin pa natin at suriin kung anu-ano pa ang kapangyarihan ni kuya sa loob ng Big Brother House.
Ayon kay Foucault, “Panopticon was also a laboratory: it could be used as a machine to carry out experiments, to alter behavior, to train correct or individuals. To experiment with medicines and monitor their effects. To try out different punishment on prisoners according to their crimes and character, and to seek the most effective ones. To teach different techniques simultaneously to the workers, to decide which is the best.”4
Sa bahay ni kuya madalas niyang banggitin sa mga housemates na ang kanyang mga ipinagagawa ay para din sa ikabubuti nila. Ang bahay ni kuya na inihalintulad natin bilang isang panopticon ay maaari din nating maituring na isang laboratoryo, kung saan ikaw ay maaaring mag-experimento. Mapapansin na sa bawat edition ng Big Brother ay iba-ibang gimik ang ipinakikita. Nadadagan ng panibagong batas tulad na lamang ng mga housemates na nakakalabas at muling nakakapasok sa loob ng bahay ni kuya at iba pang pagsubok na minsa’y sumusubok sa hangganan ng mga housemates. Sa loob ng bahay ni kuya ay hindi lamang ang mga
“The Panopticon is a privileged place for experiments for men, and for analyzing with complete certainty the transformations that may be obtained for them.”5
Sa loob ng bahay ni kuya ay may kakayahang mabago ni kuya ang mga housemates dahil sa kanyang mga batas at pagsubok na ibinibigay niya dito. Ang mga housemates na dating iyakin at namimiss ang kanilang mga pamilya sa labas ng bahay ay nagiging palaban. Ang mga dating tahimik ay natutong makihalubilo at lumaban hanggang sa dulo. Ang mga dating palamura ay nagbabago dahil kung hindi mabibigyan sila ng punishment. (syempre hindi pwede sa TV.) Nangangahulugan lamang na ang kapangyarihan ni Big Brother bilang isang panopticon ay napakalawak. May kakayahan siyang i-transform ang mga housemates ayon sa kanyang kagustuhan. Siya ay tila isang boss at nakatingin sa mga ginawa ng kanyang mga empleyado (housemates), upang makita kung ano ang nararapat na pagsubok na ibigay, kaparusahan sa mga hindi sumunod sa kanya at mga dapat ipakita sa taong bayan. Kung naayon lang kay kuya ang mga dapat gawin at dapat ipakita, nasaan na dito ang realidad? Kung umaayon ang mga housemates kay kuya na nakakakita sa kanila at gayundin sa mga taong nanunuod, nangangahulugan lamang na ito ay isang simulacrum? Sila ay mga manufactured image ni kuya. Palawakin pa natin.
Noong 16th century binigyan pakahulugan ang salitang “simulacrum” bilang representasyon ng isa pang bagay. Mula sa salitang latin na “simulare” na ang kahulugan ay “to make like, to put on appearance of.” Tulad ng istatwa o kaya naman ng paintings.
Noong 19th century binigyan konsepto ni Frederic Jameson ang photorealism bilang halimbawa ng artistic simulacrum.
“Where a painting is created by copying a photograph that is itself a copy of the real.”6
Ang bahay ni kuya ay maituturing din na tulad ng konsepto na photorealism ni Jameson sapagkat bukod sa isang artipisyal na environment ang bahay ni kuya ay ang mga pangyayari dito ay hango sa totoong buhay. Ano nga ba ang kahulugan ng salitang hango? Batay o sa ingles ay based, na ang kahulugan ay ibatay, pagbatayan. O kasingkahulugan ng tulad. Kung ganito ang sitwasyon, ang bahay ni kuya ay tulad ng photorealism. Isang “artistic simulacrum”. Hinango ang mga pangyayari sa totoong buhay upang magkaroon ng sarili niyang realidad na nakikita ng buong bayan. Ito ang teleserye ng totoong buhay. Tahasang itinulad sa totoong buhay. Ito ay parang isang copycat na tulad ng konsepto sa photorealism.
Ang usaping simulacrum ay isa sa mga nakapukaw ng pansin ng mga pilosopo. Para sa konsepto ni Plato, mayroong dalawang uri ng “image making” Una ay ang “faithful reproduction”, pagsubok ng pagkopya ng orihinal na kopya. At ang ikalawa ay tinawag niya nang “intentionally distorted, sinadya upang gumawa ng isa pang kopya na lalabas na tama sa mga nakakakita. Binigay ni Plato bilang halimbawa ang greek “statuary” na ayon sa kanya “Which was crafted larger on top than bottom so that the viewers from the ground would see it correctly. If they could view it in scale, they would realized it was malformed.”.
Si Big Brother bilang boses lamang ay isang simulacrum. Nagiging totoo siya sa mata ng mga housemates dahil sa kanyang kakayahan na mapasunod ang lahat ayon sa batas ng kanyang bahay. Sa loob ng kanyang bahay bilang isang panginoon ay nagagawa niya ang kanyang nais ayon sa kanyang kagustuhan. Ito ay tulad din ng “image-making”. Ang paggamit ng konseptong realidad upang maging totoo ang mga pangyayari sa loob ng bahay ni kuya. Nagiging totoo sa sarili niyang realidad. Nagiging totoo ayon sa kagustuhan ng may kapangyarihan. (si kuya). Si kuya bilang halimbawa ng “pretense reality” (where there is no model) na boses lamang ang naririnig. Kung saan sa kapangyarihan niya bilang boses lamang ay nagiging totoo siya sa mata ng lahat bagamat siya ay isang “ilusyon” lamang, ngunit isang ilusyong may sariling katotohanan. Isang boses na kumakatawan sa isang katauhan upang maging totoo at magkaroon ng sarili niyang realidad.
Kaugnay nito ang sinulat ni Geoffrey Batchen na “Specters of Cyberspace”. Dito binigyan pakahulugan niya ang Virtual Reality. Ayon sa kanya “Virtual Reality is a reality which is apparently true but not true, a reality which is apparently real but really real.”7
Ang bahay ni kuya ay maituturing na virtual world na kinokontrol ni kuya. Tulad ng virtual world nagkakaroon din ng sariling realidad ang bahay ni kuya. Si kuya din bilang isang virtual. (not real but may display the full qualities of real.) Ang lahat ng mga pangyayari dito ay nakaset na ayon sa kagustuhan ni kuya upang maipakita na ito ay isang katotohahan.
Isang patunay pa ito ng sinabi ni Baudrillard na, “All that is visualized there, in the operation Big Brother, is pure virtual reality, a synthetic image of the banality, produced: as in a computer. The equivalent of a ready-made - a given transcription of everyday life - which is itself already recycled by all current patterns.8
Kaunay nito sinabi pa ni Baudrillard na “simulacra is copy without original” Ikinumpara niya ito ng tulad ng Integrated Spectacle ni Debord. Ayon sa kanya, “The Integrated Spectacle like the simulacra, pervades, and overtakes all of reality, making every relationship without recourse to a real” - tulad ng virtual worlds, simulated life (tulad ng Pinoy Big Brother) at Internet. Kung saan sa likod nito ayon kay Baudrillard ay “there is no there”.
Ang Pinoy Big Brother ay higit pa sa representasyon ng realidad. Ito ay hyperreal. Hindi ito naka-refer sa totoong mundo. Naka-refer ito sa sarili niyang mundo. “It is a representation of that which has no original”.
Ang programang ito ayon kay Baudrillard ay “media illusion of live reality”. “In this space, where everything is meant to be seen (as in ‘Big Brother’, other reality-TV shows, etc.), we realize that there is nothing left to see. It becomes a mirror of dullness, of nothingness, on which the disappearance of the other is blatantly reflected (even though the show alleges different objectives). It also reveals the possibility that human beings are fundamentally not social. This space becomes the equivalent of a “ready-made” just-as-is (telle quelle) transposition of an ‘everyday life’ that has already been trumped by all dominant models. It is a synthetic banality, fabricated in closed circuits and supervised by a monitoring screen.”9
Balikan natin ang halimbawa ni Baudrillard na ang Disneyland bilang simulacrum. Ayon sa kanya, "Disneyland is a perfect model of all the entangled orders of simulation. To begin with it is a play of illusions and phantasms: Pirates, the Frontier, Future World, etc. This imaginary world is supposed to be what makes the operation successful. But what draws the crowds is undoubtedly much more the social microcosm, the miniaturized and religious reveling in real America [...]. You park outside, queue up inside, and are totally abandoned at the exit [...]. The contrast with the absolute solitude of the parking lot- a veritable concentration camp - is total".10
Ang bahay ni kuya ay tulad din ng disneyland. Ika nga nila “ ang pinakasikat na bahay ni kuya”. Ang representasyon ng bahay ng lahat ng bahay. Kagaya ng Disneyland ang istruktura ng bahay ni kuya ay nakaset na para sa mga housemates. Bago pa lamang pumasok ang mga housemates, nakaayos na ang mga kagamitan para sa mga housemates. Ngunit hindi lamang ang mga ito subalit gayundin ang mga batas sa loob ng bahay ni Big Brother. At kung ang disneyland ay isang imaginary, ang Big Brother din ay isang imaginary din kung saan ang totoong mundo ay nasa labas. Si kuya bilang isang panoptic na nasusunod sa kanyang bahay ay nagiging higit pa ito sa totoo.
Ngunit ano ba ang nagtutulak sa ganitong porma ng aliw? Katulad ng Pinoy Big Brother at iba pang porma ng aliw. At bakit marami ang nahuhumaling sa ganitong palabas?
Para kay Mitchell na sumulat ng What Do Picture Wants? Binigyan konsepto niya ang salitang “image”, “object” at “media”
“By “image” I mean likeness, figure, motif or, form that appears in some medium or other. By “object” I mean the material support in or on which image appears, or the material thing that an image refers to or brings into view. I also want, of course, to evoke here the concepts of objecthood and objectivity, the notion of something that is set over agonists a subject. By “medium” I mean the set of material practices that brings an image together with an object to produce a picture.”11
Kung gayon ang konsepto ng bahay ni kuya bilang isang makabagong reperesentasyon ng lahat ng bahay sa kasalukuyan ay isang “image”. Samantala ang mismong bahay ay ang “object”, kung saan ang object ang sumusuporta sa image upang ito ay magkaroon ng sariling katotohanan. At bilang pagkakaroon niya ng sarili niyang katotohanan ito ay nagiging isang “medium” na pinalalaganap naman ng midyum, aparato at industriya ng telebisyon – ang “ecosystem” kung saan nabibigyang buhay ang bahay ni Big Brother bilang “Image,” “Object” at “Medium.”
Ang bahay ni kuya bilang isang simulacrum ay ang dahilan kung bakit ito kinakagat ng masa. Sa programang ito ay hindi lamang si kuya ang nakakakita lahat subalit gayundin ang mga manunuod. Ang porma na palabas na ito ay kasama ang mga manunuod para makitingin sa mga pangyayari sa loob ng bahay. Kung saan ay walang maaaring itago sa mata ng lahat,. Tulad ng
“Big Brother represents the triumph of hyperreality which seems more real than real and our fascination with the obscenity of objective reality. The heightened participation it allows in surveillance (na naka-angkla sa konsepto ng panopticon ni Foucault) and telepresence is also part of its appeal. As Baudrillard clarifies, the obvious goal of this kind of reality television is to enslave the spectators who are victims. But the victims are quite willing. They are rejoicing at the pain and the shame they suffer.”12
Si kuya bilang isang panopticon na nasusunod sa lahat ay gumagawa ng paraan upang mas maging tanggap sa panlasa ng mga masa. Ang pagiging hyperreal ng nasabing programa, dagdagan mo pa ng mga tasks at batas na pinaggagawa ni kuya ay lalong nagpapaengganyo sa mga manunuod upang tangkilikin ang ganitong uri ng programa.
Ayon kay Derrida, “That reality television takes its market into account in its production; artifactuality is determined by market forces as journalists and reality television actors seek to project an image that is pleasing and appealing to audiences as consumers This also leads to falsification, as so called ‘live’ images, rather than being reality, are often edited, cut and recontextualized with a certain politics in mind.”13
Dito nakikita na ang “reality” ay processed, recontextualized, cut, edited – isa ibang salita – “made” na sabi nga ni Baudrillard, hindi bilang “copy” kundi “another reality.”
Mula pa din sa Librong “What Do Picture Wants?” ni Mitchelle, “Heidegger proposed, famously, that we live in ‘the age of the world picture,’ by which he meant the modern age in which the world has become a picture- that is, has become a systematized, representable object of technoscientific rationality: World picture…does not mean a picture of the world but the world conceived and grasped as picture.”14
Ang Pinoy Big Brother ay nangangahulugan lamang na hindi tulad ng isang “picture” lamang, bagkus nagkakaroon ng sariling realidad na naka-ugnay sa atin at gayundin sa sarili nating mundo. Hindi din bilang isang “ilusyon” subalit bilang isang “real.” Hindi lamang isang kopya o isang “real” “fake worlds”. Kung saan ang mga manunuod ay hindi lamang isang manunuod bagkus isa ring aktibong participant na inilalagay ang kanilang sarili sa mundo at lugar ng Pinoy Big Brother.
________________________________________________________________
1Chung Chin-Yi, “Hyperreality, The Agency and the Phenomenon of Reality Television.” http://www.cerecration.org/chungchinyi.html retrieved December 7, 2007
2Sturken and Cartwright, “Practices of Looking, Spectatorship, Power, Knowledge” (Oxford University Press, 2001) p.99
3 ibid p.99
4 Jessica Evans and Stuart hall, “Visual Culture Reader”, “Michel Foucault, Panopticism” (London Sage Publication, 1999) p. 66-67
5 ibid p.67
6 “simulacrum: Answers.com” http://www.answers.com/topic/simulacrum retrieved December 1 2007
7Nicholas Mirzoeff, ”The Visual Culture Reader”, “Specters of Cyber Space by Geoffrey Batchen” (Routledge London and New York 1998) p.273
8 Baudrillard Jean, “The Violence of Image” http://www.egs.edu/faculty/baudrillard/baudrillard-the-violence-of-the-image.html retrieved
9 Baudrillard Jean, “Dust Breeding” Translated by François Debrix
http://www.egs.edu/faculty/baudrillard/baudrillard-dust-breeding.html retrieved November 21, 2007
10 Taboo Monkey BlueBlog “Ecclesiastes, the Simulacrum, Baudrillard and
11 WJT Mitchell What Do Pictures Want? The Lives and Loves of Images (
12 Chung Chin-Yi, “Hyperreality, The Agency and the Phenomenon of Reality Television.” http://www.cerecration.org/chungchinyi.html retrieved December 7, 2007
13 ibid
14 WJT Mitchell What Do Pictures Want? The Lives and Loves of Images (
No comments:
Post a Comment