Sunday, May 8, 2011

Mothers Day!

Lagi na lang akong puyat sa walang dahilan, sinusulit ko ang bakasyon. Kung kailan wala akong ginagawa masyado syaka ka naman nawala. Musta ka na kaya? Nagsisimba ka ba? Inaalagaan ka ba niya, sana naman oo!

Galing ako sa misa kanina, taimtim ako sa pagdarasal nang may kumalabit sa akin na bata, ngunit di naman batang-bata. Sakto lang ang edad para makaunawa. Pagdilat ko di ako natuwa sapagkat pinilit pa rin niya na manghingi ng limos, sabi ko nagdadasal kasi ako. Tapos nagpumilit pa rin siya kaya lumayo ako at nagpatuloy sa pagdarasal. Di ako sanay sa lugar namin na may ganun, mauunawaan ko pa kung nakapwesto ako sa mismong labas ng simbahan ngunit hindi. Nakatayo ako at kitang-kita na nakapikit ako. Kung nasa Baclaran pa ako na matao ay mauunawaan ko rin. Sabi ng iba baka blessing yun. Sorry sa inasal ko, alam ko mali ako. Ngunit ang punto ko ay sana mabigyan naman ng respeto ang loob ng simbahan sa mga nagsisimba. Dibale babawi na lang ako sa ibang paraan sa inasal ko sa bata. Binati ko kanina si Abdon Balde sa text ng Happy Mothers Day sa kanyang ina, nagreply siya nakakatuwa. Namiss ko rin ang Palihang Rogelio Sicat! Sayang andun si Vlad at ang iba pang iniidolo kong manunulat.

Kung alam mo lang na madalas akong mag-isa maaaring maunawaan mo ako. Ngunit hindi, sapagkat wala ka sa katayuan ko ngayon, kung maibabalik lang ang panahon na umiiyak ka at waring bata na humihingi ng saklolo sa akin ay baka magbalik ang iyong alaala.

Araw ng mga ina ngayon ngunit puro sakit ng ulo ang ibinigay naming magkakapatid sa aming ina. Nalulungkot ako ngunit sinubukan ko siyang pasiyahin. Okay naman, epektibo. Di pa rin ako sumusuko na isang araw ay makakarating din ako sa bansa na iyon. Na makakaahon din ako (kami) sa putik ng kahirapan. Na maitataas ko ang aking sarili sa mga naghaharing-uri at lubos akong maliligayahan kung makakasama ako sa kanila. Galing ako kanina sa Monumento, kinuha ko ang libro ko sa kaklase ko bilang pantulong sa paggawa ng I.E.P. Okay naman nagamit ko ito.

Nais ko na sanang ituloy ang pagsakay ng jeep pa-Edsa, kakaunti na lamang at makakasakay na ako ng bus. Maaaring bus na nasakyan natin noon, o kaya ay MRT! Bababa ako ng Shang at maglalakad ng kaunti, nasa inyo na ako. Naaalala mo pa ba nang manood tayos ng sine kasama ang mama mo sa Trinoma? Umuwi ako nun na tulog ka, di mo man lang naramdaman na bumaba ako sa inyong sasakyan. Bumababa ako na malungkot at mag-isa.

Pagkatapos kong magsimba ay nagpasya na akong umuwi. Ang lakas ng ulan ang lakas ng hangin. Maraming tao ang hindi makauwi sa kanilang bahay dahil sa ulan. Ngunit may magagawa ba tayo? Wala kundi mahintay. Maghintay na tumila ang ulan. Kakawa naman si Justin Bieber. Di ko alam kung idolo ko siya ngunit gusto ko ang kanyang mga awitin, kapag nagkataon di lang siya uulain ng mga fans niya, uulanin din siya ng tubig mula sa langit.

Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin makatkat sa aking isipan. Tila isa kang anghel na bumababa sa langit ngunit ngayon ay tila natangay ka na sa ibang panig ng daigdig. Mag-ingat ka huwag ibigay ang lahat.

Tahimik sa aming bahay, tulog na nag mga tao samantalang ako ay abala sa pagtitipa ng kuwento ng aking buhay. Magandang gawain ito para nawala na ako makikita o mababasa ng mga tao na makulay ang aking buhay. Ngunit ayoko muna bata pa ako, marami pa akong gtsong gawin, marami pa akong pangarap. Gusto ko pa siyang makasama.

Sa huling mga buwan mo rito ay nais pa kitang makasama, ang hiling ko ng alang noon ay hanggang nasa Pilipinas ka pa ay makasama kita ngunit binawi ka na sakin Niya. Hiniling ko rin na makasama ka sa kabilang panig ng mundo kaya't ako'y gumagawa ng paraan, ngunit naglaho ka na. Kung ang ulan ay tumila na, halika at lumapit ka wala kang maririning bagkus yayakapin pa kita. Amidala-




Muli ko na namanng yayakapin ang aking unan

Hiling ko'y sa panaginip ko'y ika'y mahagkan

Makausap at masabi ang lahat

Iyon na lang ang nakikitang paraan

Kung kailan kailangan kita syaka ka nawala

Sadyang mapaglaro ang tadhana

Sa akin ay hindi maniwala

Na kaya kitang panindigan, mawala lang ang mga kontra

Magandang Gabi!

No comments:

Post a Comment