Wednesday, May 4, 2011

Hey!

Makalipas ang mahabang panahon ay nagkaroon din ako ng pagkakataon na makagamit ng computer. Tuloy na ako sa SPED, matapos nang mahabang panahon na pakikiusap ay nakuha ko naman ang gutso ko. Ngunit ang kapalit pala nito ay ang pagkawala ng lahat sa akin. Nawala na siyang tuluyan naapektuhan ang aking sarili at mas humaba pa ang paggawa ko ng tesis. Kahapo ay nasa Mega Mall ako, nag-iikot at umaasa na masilayan ko man lang ang kanyang mukha kahit sa malayo. Subalit ako ay nabigo at sa halip ay napadpad ako sa pakikipag-usap sa issurance company. Okay naman sana kaso nung dulo pinipilit na ako kaya nagalit ako at nagtaas ng boses. Nalulungkot ako kahapon kayat umupo muna ako sa Global Pinoy at nagpahinga. Pumikit ako at maya-maya pa ay kusang tumulo ang aking luha. Inaamin ko namimiss ko siya. Nagpasya akong tumayo at maglibot na lamang. Nagpasalamat sa biyaya na mayroon ako. Umikot ako hanggang ako ay napagod at nagpasyang umuwi. Dumaan muna ako sa simbahan ng San Antonio para magpasalamat sailang taon na naging bahagi ng simbahan na iyon ang aming pagmamahalan. Isang buwan na rin ang nakakalipas nang makapunta kami doon. Tumatawa pa kami nun sapagkat ang cute ng bata sa harapan namin. Pagkatapos ng ilang araw di ko na ko na siya nasalayan. Nais ko sanag dumaan sa village nila spagkata malapit lamang, pinigilan ko ang aking sarili sapagkat ayoko namang isipin niya na stalker ako. Wala pang isang buwan ay pinakilala na niya ang lalaki sa kanyang magulang. Kahit na si Tita Jenny ay ok naman sana sa akin. (sabi niya) At nalaman ko rin na nakabisita na rin ang lalaki sa bahay nila. Seryoso na ata. Tatapusin ko ito sa pasasalamat sa isang kaibigan na nangbigay ng sulat. Matapos ang mahabang panahon ngayon lang muli ako napangiti ng isang tao dahil sa isang sulat. Salamat!

No comments:

Post a Comment