Ayoko sanang pumasok kanina, ang sarap kasing matulog pa. Kaso naisip ko sayang yung kikitain kong pera. Hindi naman ako nahuli kanina sa klase, isang lagok lang ng mainit na kape, ayos, simula na ang seremonya. Nagturo ulit ako ng panibagong, pagkatapos ng plurazation of nouns ay capitalization naman. Hanep, f na f ko ang pagtuturo ng Ingles! Natutuwa talaga ako sa pagtuturo ng Ingles sa dahilang natututo ako at mas lumalawak pa ang aking kaalaman, samantala nababagot naman ako sa pagtuturo ng Filipino. Nabababawan kasi ako, pero ayos lang naman.
Ayokong maging makata, subalit di ko alam kung bakit tila ang dulas ng aking dila. Ay este pagtipa. Hinabol ko kanina ang dapat kong habulin. Nagmistula akong Superman sa bilis at pati ang pagsabit sa dyip ay pinatos ko na. Pag dating ko sa pamantasan, walang tao. Gumuho ang mundo ko. Ang sabi ko hihintayin ko muna, makalipas ang ilang minuto, madilim na. Naglalabasan na ang mga tao. Nagbukas ako ng itouch, nawalan ako ng pag-asa. Sa paglalakad ko sa Intramuros, sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na muna ako babalik. Hihintayin ko na lang ang tawag nila. At kung hindi tumawag,nangangahulugan na di para sa akin iyon.
Noong nakaraang Sabado naman ay nasa Diamond Hotel ko. Ang sarap magsuot ng coat and tie. Feeling ko ang yaman yaman ko. May nakita akong shole dun na stripes ang kulay. Ang ganda! Kaso mahal at wala akong pera. Tagal kong hinanap un, sa Diamon Hotel ko lang pala makikita. Ang ganda ng debut ni Djane Leslie Lim. Hanep ang tanda ko na, may estudyante na ako na nagdebut. (o siya yung matanda) Feel na feel ko yung 18 models/ 18 roses pero mas naramdaman ko yung pagmamahal ng magulang ni Djane, maswerteng bata. Ang ganda ng production number nila ng dad nya. Cool dad nga! Sumayaw sila na parang sila lang ang tao sa entablado. Ang cute nilang mag-ama. Sabi ko pagtanda ko pipilitin kong maging katulad ng dad ni Djane.
Walang pagbabago, lagi na lang huli ang pagpapaswel. Di ko alam ang dahilan pero umaasa pa rin ako (kami) na magbabago. Kakatapos lang ng ulan kaya ang init na, pagkatapos nito ay maliligo na ako. Alam mo may itsura ka sana kung matututo ka lang mag-ayos. Mahaba pa ang byahe ko sa Pinas ngunit di ko isinasarado ang pag-iibang bansa. Mas magiging abala ako sa mga susunod na linggo at buwan, ang I'm loving it! :))
Konti na lang baka ligawan na kita pero wag muna, tinatamad ako mas okay ako na walang iniitindi. Kung pwede nga lang magtago sa malayong lugar gagawin ko. Tapos babalik ako pag ayos na ang lahat. Kokontakin ko ang ate kong mahal. Magpapalibre ako ng pamasahe pa-Dubai kapag ang lahat ay di naayon sa pinagagawa ko sa kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment