Naisin ko man maglagay ng maraming larawan sa blog ko ngayon ay hindi ko magawa sa dahilang ang bagal mag-upload. Sa katunayan ay nagkaroon na ako ng pagkakataon na mag-apply para sa PLDT DSL kesa naman magtiyaga ako sa mabagal na connection.
Marami akong gustong isulat, marami akong gustong ibahagi subalit may hindi umaayon ang kamay ko sa aking utak. Ang kamay ko ay walang gana, samantalang ang utak ko naman ay nais gumawa. Naging masaya ako sa pagdiriwang ng aking kaarawan, inakala ko na pangkaraniwang araw lamang ang lahat. Nagulat ako nang may sorpresa na dumating at ito ay di ko inaasahan. Malapit sa akin ang pamilyang Halnas. Sa panahong ako ay lubog ay isa sila sa mga (tunay) na kaibigan na tumulong sa akin upang makita ko na may pag-asa pa ang lahat, Kahit sa makulit kong pag-uugali ay nakinig sila at di nila ako iniwan. Naghanda sila ng isang regalo na kailaman ay hindi ko makakalimutan. May larawan ako ng kanilang cake na ibinigay subalit hindi ko ma-upload dito. Di ko alam. Abnormal ang connection. Lubos akong nagpapasalamat sa kanila sapagkat di nagtapos ang pagdiriwang sa araw na iyon dahil kagabi ay magkakasama pa rin kami at nagroadtrip kung saan-saan. Nakarating kami sa Resorts World. Maganda ang lugar subalit ang daming tao. Mistulang Divisoria subalit may mga itsura ang mga tao at halatang maykaya. Ngunit may mga jejemon din naman. Pinaghalong naghaharing-uri at naghaharing jejemon.
Samantala nakatanggap din ako ng regalo mula kay Leanne Lusanez. Sana ay tama na ang ispeling ko ng pangalan niya. Di ko inaasahan ang t-shirt na may Superyuan ang na nakatatak. Ang ganda at alam ko na hindi ito mumurahin. Ang sabi ko sa kanya kung sakaling matapos ko ang tesis ko ay siya ang pasusulatin ko sa paglalarawan sa akin. At iyon ay tutuparin ko. Susuotin ang kanyang regalo sa takdang panahon. Nagbigay din ng pagkain si Pj Santos at Aivey Flores sa akin. Nagulat ako nang dumalaw sila sa room ko. Sa pagkabagot ko sa dahilang sila-sila lang din ang nakikita ko bukod sa apat na sulok na aking kuwarto ay binibisita nila ako kung minsan. Subalit natuwa ako nang batiin nila ako sa aking kaarawan para batiin ako at dalan ng pagkain.
Kakarinig ko lang sa telebisyon na ang pag-ibig ang nagpapaikot sa mundo subalit hindi lahat ay pinapalad dito. Tama sila subalit napagtanto ko na maswerte ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Sa mga tunay na tao na di ako iniwan at nariyan lagi sa tabi ko. Nagpapasalamat ako sa mga bumati at di bumati sa kaarawan ko. At ngayong papatapos na ang Agosto ay masasabi ko na naging makabuluhan sa akin ang buwan na ito. At sa darating na Setyembre ay mas lalo akong magiging abala. Panahon na ito ng pagbangon mula sa pagkayurak at pagkapahiya. May tatapusin akong misyon sa lalong mas madaling panahon.
Nakatanggap din ako ng email mula sa... Di ko alam kung pupuntahan ko ngunit baka ito na ang break ko. Samantala ang crush ko ay nasa Maynila na. :0 Masaya ako. :D Ngunit di naman kami magkikita. Sa pagkakataong ito ay isinarado ko muna ang pintuan ng aking puso. Di pa ako handang magmahal muli. Mas masaya ako ng single at future ko muna iisipin ko.
Pagod na kamay ko. Bye!

No comments:
Post a Comment