Friday, August 19, 2011

Itutuloy



Ang aga kong nagising sa dahilang may pupuntahan akong impotanteng lakad. Nasasabik na ako sa mga magaganap sa mga susunod na araw at sa susunod na buwan. Nakatext ko kahapon ang adviser ko at nais niya na unang buwan pa lamang ng ikalawang semestre ay makapagdepensa na ako. Namimiss ko na ang livejournal ko, namimiss ko na ang pagsusulat sa Ingles. Baka kinakalawang na ang bokubolaryo at di ko na magamit ang mga hullabaloo terminologies ko na natutuhan ko sa kaibigan ko. Gusto ko sanang gawing teoritikal ang paraan ng aking pagsusulat subalit tinatamad ako na maghalungkat ng mga libro ko. Ang naisip kong isulat ngayon ay ang mga paborito kong pelikula. Lima lamang ang pipiliin ko dahil wala akong masyadong oras na magblog, naisingit ko lang ito dahil sa nangangati kong kamay.

MOVIE (Noun)
  1. A sequence of photographs projected onto a screen with sufficient rapidity as to create the illusion of motion and continuity.
  2. A connected cinematic narrative represented in this form.
http://education.yahoo.com/reference/dictionary/entry/movie


Lemony Snicket's A Series of Unfortunate Events


Nalaman ko ang pelikulang ito sa isa kong kaibigan, nung una ay hindi ko pinapansin ngunit nang mapanood ko ng buo ay nalaman ko na napakaganda pala ng pelikulang ito. Siguro lagpas sa sampung beses ko napanood ang pelikula ko na ito. Ito ay tungkol sa tatlong magkakapatid na sina Klaus, Violet at Sunny (ang cute) at ang kanilang pakikipagsapalaran sa kanilang buhay ng sila ay maulila. Sila ay napunta sa isang kamag-anak na si Count Olaf na may masamang balak dahil nais nitong makuha ang yaman ng pamilya ng magkakapatid. Subukan nyong panoorin matutuwa kayo.

500 Days of Summer

Haaaay... Butung hininga, nalulungkot ako kapag napag-uusapan ang pelikula na ito. Pakiramdam ko ako si Tom. Simple lamang ang kuwento subalit makulay at malikhain ang pagkakagawa nito. Tungkol ito kay Tom at Summer at ang kanilang relasyong magkaibigan lamang. (relasyon nga ba?) At sa relayong iyon ay tuluyan nang nahulog si Tom kay Summer samantalang si Summer naman ay... (bibitinin ko) Tiyak na kayo ay kikiligin at maaaring paiyakin sa dulo. Pinakapaborito kong tagpo rito ay ang huling pag-uusap ni Tom at Summer. Panoorin nyo na lang. Yung ibang linya na trip ko sinulat ko sa livejournal ko, nakakatamad kunin. Kung gusto nyo bisitahin nyo para mabasa nyo naman ako magsulat ng Ingles.

(3) A Walk To Remember


Bukod sa naging crush ko noon si Mandy Moore ay nagustuhan ko talaga ang pelikula niya na A Walk To Remember. Naalala ko pa nung college ako ang binder ko ay may larawan niya. Anyway, ang husay ng pagganap ni Shane West (na ngayon ay nasa Nikita series na) at Mandy Moore sa pelikulang ito. Dama-dama ko ang kanilang wagas na pagmamahal hanggang sa yumao sa dulo sa Jamie Sullivan. Ang hindi ko makakalimutang linya rito ay ito, "Are you afraid to die? (Landon) No, I'm afraid of not being with you. (Jamie) Ang sweet lang eh. Makahanap lang ako na katulad ni Jamie Sullivan na simple lang ay di ako manghihinayang na siya ay aking pakasalan. (Joke!)

(2) One More Chance

Sa totoo lang bihira akong manood ng pelikulang Filipino na ang tema ay pag-ibig. Ang One More Chance lamang ang isa sa mga pelikulang Filipino na pumukaw sa aking atensyon. Lagpas pa sa 15 beses ko na napanood ko ang pelikulang ito. Ang husay kasi ni John Lloyd at Bea, damang-dama ang pagmamahalan ni Popoy at Basya. Naniniwala ako na ang lahat ay may isa pang pagkakataon. Maaari pang magbago. Dahil sa pelikulang ito ay mas naging malinaw sa akin ang pakikipagrelasyon at nalaman ko rin na kung ang dalawang tao ay nakatakda para sa isa't isa, magkikita pa rin sila sa dulo.

(1) Star Wars

Basta paborito ko ito. Mahabang usapan pag Star Wars! :)) Nakakatamad talaga magblog ngayon. :)) Bye!



No comments:

Post a Comment