Hindi ako makatulog, bumangon pa ako sa aking higaan para lang magsulat. Pagkatapos kong magsulat ito humarap naman ako sa computer ko. Maaga ang pasok ko bukas, sana lang di ako tanghaliin ng gising. Hindi ako motivated. May kulang di ko alam kung ano iyon.
Dumami na ang view ng blogspot ko. Ang bilis, masaya na ako na kahit papaano ay may nagtyatyagang bumasa ng pinagagagawa ko. Pwede rin kayong magkomento kung nais ninyo. Galing ako sa simbahan kanina. Nahuli ako ng ilang minuto pero okay lang simula pa lang naman halos ang misa. Maganda ang aura ng simabahan, gaya ng dati si Father Duds pa rin ang pari. Sakto ang aral ng kanyang misa. Pinatamaan ata ako o feelingero lang ako?
Nagsimula ang misa sa multo. Takot ba raw tayo sa multo. Kung may recitation lang, nagtaas na ako ng kamay at sasabihin ko na oo. Ngunit di iyon ang punto niya. Nais niyang sabihin ay multo ng nakaraan. Patay na, naloko na lumalayo na nga ako, ito naman mismo ang pagkakataon ang naglapit sa akin. Ang sabi ni father naniniwala ba raw kami sa forgive and forget. Di ako nagtaas ng kamay ngunit halos lahat nagtaas. Pinaliwanag niya ang punto niya. Di rin daw siya umano naniniwala sa kasabihang ito. Sa halip naniniwala siya sa forgive and and remember with healed memories. Hinalimbawa niya ang isang sugat, masakit sa una ngunit habang tumatagal ay gagaling din ito at mag-iiwan ng marka, ito ay ang peklat. Ang peklat ba raw ay masakit? Hindi na raw sa isip lang ito. Nakita ko ang punto ni father, tama siya. Tama rin siya na ang kasabihang forgive at forget ay di naman maaaring magamit sa lahat ng pagkakataon. May isip nga tayo diba kaya di natin basta-basta makakalimutan ang mga bagay. Yung mga tipong inaral ka natin noon ay may kakayahan tayong alalahanin gaya ng pag-alaala natin sa mga multo ng kahapon.
Multo na kung multo subalit naliwanagan ako sa kanyang payo bagamat ang payo naman na ito ay pangkalahatan. Sa bawat mabigat sa pagsubok na ating dinadanasa, kailangan lang natin ng SAMPALATAYA. SAM(iisa) PALA (palagi) at TAYA (sugal) Nangangahulugan na sa isa lang tayo sasampalataya sa Kanya lang tayo susugual. Para raw itong pagtaya sa lotto na isang numero lamang ang inaalagaan mo at nagbabakasakali na manalo ka balang araw. Walang kasiguraduhan ngunit naniniwala ka at nagtitiwala. Pero di punto ang pagtaya sa lotto, ito ay ang pagtitiwala sa Kanya. Na si Pedro na lumakad sa tubig sapagkat nakita niya ang Panginoon na lumalakad din sa tubig ay unti-unting nakaramdam ng paglubog. Natakot siya at hinawakan ng Panginoon. Isang halimbawa raw umano ng mababaw na pananampalataya.
Maaaring nakakatawa sa mambabasa ang pinagsusulat ko. Pakiramdam ko pati mga kaibigan ko ay nagsasawa na rin sa pakikinig ng kuwento ko. Subalit hindi naman ako humihingi ng awa ang kailangan ko ay pag-unawa. Mahirap masaktan, mahirap din magsakrapisyo sa isang tao na iniwan ka sa mababaw na dahilan. Yung tao na di ka binigayan ng pagkakataon na magpaliwanag. Yung tao na sa magagandang bagay na ipinakita mo ay nilapastanganan, niyurakan at tinawanan ang iyong pagkatao.
Di ako bitter at di ko na rin nais na bumalik pa sa piling niya. Nalulungkot lang ako. At sa bawat araw na mag-isa ako ay naiisip ko siya. Okay lang din naman kung ang tingin sa akin iba ay bitter o kung mismo siya atleast alam ko na kaya ko nararamdaman ito sapagkat naging totoo at puro ang ipinakita ko sa kanya. Di gaya ng iba na panandaliang kasiyahan lamang at ginamit ang kanyang kahinaan.
Di ako galit sa kanya, galit ako sa ginawa niya. Gaya ng sinasabi ko pakiramdam ko ay ako ang lalaki sa septic tank, gusto kong umahon ngunit walang bukal ang loob na tumulong. Ang magtiyaga na unawain ako sa aking pinadadanan kaya ang ang pagsulat na lang at panalangin ang aking naging sandalan.
Ayoko nang makita ka at ayoko na rin may marinig pa tungkol sayo. Hindi nila alam ang tunay na nangyari. Subalit nagpapasalamat ako sa mga taong nakakaalam ng tunay na kuwento sa likod ng mga nagkukubling nakaraan.
Titiisin ko ang mga araw na dadalawin ako ng multo ng kahapon at gagamitin ko ang sandata ng pananalig. tama nga si Father Duds. Tapos na ang lahat, di mo kailangan saktan ang sarili mo para sa mga taong nananakit sayo. May dahilan ang lahat.
Nagpasya akong magpalit ng numero, binura ko na rin ang lahat ng larawan namin.
Isang kataga ang sinabi ni Father Duds na tumatak sa aking isip, LET GO AND LET GOD!
Magandang Gabi!
No comments:
Post a Comment