Kuwento-kuwentuhan 101
PAALALA:
Ito ay di totoong kuwento, gawa lamang ng malikot na isip ng manunulat. Maaaring paniwalaan kung gusto mo.
Ang sama ng panaginip ko. Gusto kong magmura. Isa lang. Tang-ina!
Madaling araw na ako nang matulog. Gusto kong tapusin ang araw na pagod na pagod na ako para bukas gigisng ako ng tanghali at wala na akong maramdaman. Pero napasama ata. Naiiyak ako.
Nakita ko siya sa panaginip ko. Nasa isang sulok ako nakaupo at tahimik lamang. Makalipas ang mahabang panahon syaka lang kami ulit nagkita. Hindi natuldukan ang nangyari sa amin. Yun ang katotohanan. Nagsimulang tumulo ang luha sa mata ko. Lumapit siya at lumuhod sa kinauupuan ko. Sabi niya kamusta ka na? Lalo akong napamahal at ang nasabi ko lang mahal pa rin kita. Nagsimula rin siyang lumuha, ang sabi niya may bago na raw siya. Galing din umano sa My something. Basta ganun ang simula di ko maalala. Yun ata ang pangalan ng kompanya nila. Lalo akong naluha, nanghihina at walang magawa. Namumuo ang pawis sa aking mukha, unti-unting bumababa sa akong katawan. Minamanhid ako. Di makagalaw at hinawakan niya ang aking braso. Sabi niya pero di ko alam na mahal mo pa rin ako. Ang sagot ko, sorry mahal pa rin kita. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya sabi niya, namumuo pa lang naman daw sa kanila nung bago niya. Lalo ako napaluha, at sabi niya na di na niya alam ang gagawin niya.
Naputol ang panaginip ko. Ako ay naluha.
No comments:
Post a Comment