Monday, May 31, 2010

Kakatamad magblog..

Matapos ang trabaho ay nakatanggap ako ng text mula sa aking kaibigan. Manunuod daw sila ni Gem ng ng Prince of Persia. Natuwa ako sapagkat nais ko talagang manuod nito. Mula sa Sucat ay humabol ako at nagmadali para makarating sa San Lazaro. Natuwa ako nang makita ko si Gem at Genaro. Gaya ng dati makulit pa rin sila.

Nakakatamad talaga magblog.

Sunday, May 30, 2010

30

Tumawag ako kay Red upang magpasama sa SM. Nais ko sanang magpasama bumili bagong sim. Oo na di na healthy, di nakakatuwa, lalo na sa mga taong importanteng tao na kailngan akong kontakin. Sinundo niya ako agad gamit ang kanyang motor. Mainit ang araw, subalit ininda ko ito. Kasabay ng malakas na hangin at alikabok na tumatama sa aking mukha ay nagsimula akong lumuha. Gaya ng dati ay alam na ni Red ang dahilan. Tumahimik siya at pagkatapos kong umiyak ay bigla siyang nagpaliwanag. "Sabi ko naman sa iyo wag mo nang pahirapan ang sarili mo ehh. Ikaw na mismo tumapos" Kasunod nun ay muli akong lumuha. Nakrating kami sa aming patutunguhan at medyo nag-iba ang aking pakiramdam. Marahil ay nakakatulong ang maraming tao sa aking paligid. Subalit sa aming paglilibot ay bumabalik ang mga ala-ala lalo na kung alam mo na marami kayong pinagsamahan. Nagtungo kami sa Globe subalit wala silang sim. Nagpasya kami na lumipat na lamang sa SM Manila.

Pagkarating namin sa SM ay napakaraming tao, di na nakapagtataka Linggo kasi, panahon na nagkakasama ang mga pamilya. Pagkababa namin sa lower ground ay mas marami ang tao. may Cosplay party pala. Ang lahat ay nakaktuwa, may kamukha ni Sasuke, may iba naman na malayo sa itsura subalit kapag nakatalikod eh eksakto ang itsura. Matapos makabili ng bagong simcard ay nagtungo kami sa Yellow Cab. Kumain at gaya ng dati ay nagbigay ng payo si Red. Naging masaklap ang kapalaran ko ng buwang ito. Ang lahat ng paghihirap ko na dapat para sa kanya ay biglang naglaho. Ang sakit pala talagang maiwanan, subalit mas masakit ang ipagpalit ka sa iba. Kahit alam mo na may laban ka subalit di ka niya pinalaban.

Umuwi kami ng gabi na, malakas ang hangin sa Intramuros, nagsimula ako ulit lumuha kasabay ng pagpatak ng ulan.

"Nakikiiyak sa iyo ang langit", ani ni Red."


Friday, May 28, 2010

Kaarawan

Isang kaibigan ang nagdiwang ng kanyang kaarawan ngayon. Inimbitahan niya ako upang kumain. (ng libre) Masaya kaming nagtawanan habang kumakain ng mga handa niya, ang sarap ng laing at imbotido. nabusog ako. Bagamat nakakatawa na ako sa mga nakalipas na araw ay bakas pa rin sa king mukha ang kalungkutan tuwing humaharap sa salamin. 2 araw na lang at parating na ang espesyal na araw para sa akin. Subalit sa pagkakataong ito ay walang selebrasyong magaganap sapagkat ako na lamang mag-isa ang naniniwala sa araw na ito. Inaamin ko na hinahanap ko siya, namimiss ko siya. Subalit sa pagkakataong ito ay unti-unti ko nang natatanggap na hindi na niya ako mahal na mayroon na siyang iba. Gusto ko na lang maging manhid at isang araw ay lumipas na ang nararamdaman ko para sa kanya kung talagang hindi na siya muling babalik. Mahirap ang maiwanan subalit mas masakit ang ipagpalit ka sa iba. Parang gumuho ang mundo mo at ang lahat ng mga pangarap mo ay nawala. Malapit ang pasukan, nasasabik na akong magturo, sa palagay ko ay magkakaroon ito ng panibangong pagtingin sa aking buhay matapos ng sakit na aking naranasan. Kanina ay nilalamig ako kayat humiga ako, gaya ng dati kung anu-ano pa rin ang aking naiisip. Ninais kong matulog subalit mababaw ang aking pagtulog. Nagpasaya na lang ako na bumangon at kumain upang mapawi ang kalungkutang aking nararamdaman.

Kayo na po ang bahala kung ano ang mangyari sa mga susunod na araw. Ang alam ko ay ginawa ko ang lahat ng aking makakaya. Salamat po! Magpapahinga na ako.

Thursday, May 27, 2010

Thursday

I remember when were still together
Were so in love and happy with each other
We made a promised that will stick together
No matter what trials, now and forever

But one day I'm not expecting
You said goodbye and left me crying
Without knowing that it was an ending
Of you and me, as the rain starts falling

Oo by Up Dharma Down

Di mo lang alam
Naiiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
Di mo lang alam
Hanggang sa gabi inaasam makita kang muli

Nagtapos ang lahat sa di inaasahang pahanon
At ngayon ako'y iyong iniwan
Luhaan, sugatan, 'di mapakinabangan
Sana'y nagtanong ka lang
Kung 'di mo lang alam
Sana'y nagtanong ka lang
Kung 'di mo lang alam

Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam
Kay tagal na panahon
Ako'y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa'yo

Lumipas mga araw na ubod ng saya
'Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako'y nagkasala patawad na sana
Puso kong pagal ngayon lang nagmahal

'Di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s'ya na lang
Sana'y ako naman
'Di mo lang alam
Ika'y minamasdan
Sana'y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam

'Di mo lang alam
Kahit tayo'y magkaibigan lang
Bumabalik ang lahat sa tuwing nagkukulitan
Baka sakali lang maisip mo naman
Ako'y nandito lang
Hindi mo lang alam
Matalino ka naman

Kung ikaw at ako
Ay tunay na bigo sa laro na ito
Ay dapat bang sumuko
Sana hindi ka na lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako'y masasaktan ng ganito
Sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko

'Di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s'ya na lang
Sana'y ako naman
'Di mo lang alam
O, ika'y minamasdan
Sana iyo'y mamalayang hindi mo lang pala alam
Oooooooo

Malas mo
Ikaw ang natipuhan ko
Di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan


Confuse

If ever your in a situation
Where in you have to choose between the two
Between the one that you have to love
Or the person that you cant let go
Though its hard and hurting too
But if ever I ask you what to do
Who are you going to choose to?

Wednesday, May 26, 2010

Ala-ala ng kahapon

Hanggang saan ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig?

Gaya ng dati ay hindi pa rin normal ang aking pagtulog. Nagigising pa rin ako tuwing madaling araw. Una kong kinukuha ang aking telepeno upang tingnan kung may matatanggap ba na mensahe kung kaninuman at para na ring magsilbing ilaw ko sa madilim na kabahayan patungo sa aming palikuran. Maraming mga bagay ang nakikita ko na dahilan kung bakit ako nagigising tuwing madaling araw. Una, nasanay na ako para umihi at uminom ng tubig at ikalawa binabalikan pa rin ako ng nakaraan. Subalit hindi ko rin inaalis ang panahon, masyado kasing mainit pag gabi, sa katunayan nasanay na akong matulog na walang suot na t-shirt sa gabi.

Naguguluhan ako sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam kung hanggang saan ako lalaban. Naguguluhan na rin ako sa kanya. Iba-iba ang kanyang sinasabi. Kung ikaw ang nasa sitawasyon na kailangan mong mamili sa pagitan ng taong dapat mong mahalin at taong hindi mo kayang mawala. Sino ang iyong pipiliin? Ang hirap di ba? Isang buwan na rin pala akong naghihintay, uhaw na uhaw na ako sa kanyang pagmamahal. Subalit ni mahal kita ay hindi man lamang niya masabi sa akin kahit sa text lang. Napag-iisip tuloy ako na ano ba ang papel ko sa kanyang buhay? Minsan nasabi niya natatakot siya sa sasabihin ng iba kapag iniwan niya ang isa. Kahit na tila sampal sa akin ang kanyang mga tinuruan ay tinitiis ko ito at hindi ininda. Iniisip ko na lang na ang lahat ay may matatapos din. Ang lahat ng paghihirap ko ay may katapusan din. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Ang alam ko lang sa puntong ito ay magkasama sila. Dati ay nakakaramdam ako ng selos subalit sa araw na ito ay natural na lang. Maaaring pinapanday na rin ako ng panahon na tanggapin ng buong-buo ang nangyari. Ang sabi nila kung talagang mahal ka ng tao ay ikaw ang pipiliin niya subalit sa sitwasyon ko ay hindi na niya ako mahal. Hindi na niya ako mahal at hindi pa niya ako pinili. "I care for you." Iyan ang madalas niyang sabihin sa akin. Hindi ko maunawaan kung bakit ayaw niya akong tulungang pagalingin ang aking sarili mula sa sakit. Hindi ba niya batid na mas lalo lang lalala ang sakit ko kung hindi pa rin siya desidido sa aming dalawa? Ayoko naman masayang ang pagmamahal ko kanya, sapagkat espesyal ito. Ayokong dumating sa punto na magkasumbatan lang kami at lalong magkasakitan. Kung ayaw niyang muling magtiwala sa akin ay hindi ko siya masisisi. Naniniwala ako na may taong nakalaan para sa akin. Hindi man ngayon subalit alam ko na darating iyon. Hindi ko rin alam kung may rason pa ba na magkita kami. Tama ba na naiipit kami sa sitwasyon na alam naman naming dalawa na mali. Pero kung minsan nagagawa mo ang isang bagay kahit alam mo na ito ay mali. Di mo sinasadya nahihirapan ka lang talaga sa magiging desisyon mo. Kung mabasa mo man ang blog na ito balang araw ay sana ay magkaroon ka ng malinaw na desisyon para sa ikakabuti ng lahat. Huwag nating hayaan masayang ang oras.

Una

Masakit man sa aking kalooban na iwanan ang dati kong blog ay nagpasya akong gumawa ng panibago. May mga bahagi lamang doon na ayoko na munang dugtungan pang muli. Nais ko munang magsimula ng panibagong kabanata ng aking buhay na maaaring makatulong sa aking pagpapagaling mula sa isang sakit na hindi inaasahan.


Hindi ako makatulog kagabi. Kada-isang oras ay nagigising ako. Una ay mainit, ikawala ay may bumabagabag sa aking isipan. Tuwing nagigising ako may mga dinadalaw ako ng ala-ala ng nakaraan. Mas minabuti kong maging matatag at manapalataya sa kanya. Alam ko na may dahilan ang lahat. Gaya ng dato ay alas siyete ako nagising, di ko pa sana nais bumangon ngunit hindi ako maaaring tamarin sa pagpasok. Naging mabilis ang aking pagkilos, ang dating isang oras kong pa-aayos ay nabawasan ng labing-limang minuto.

Gaya ng dati dumating ako sa aking trabaho ng huli. Agad akong pumasok upang ipagpatuloy ang pagugupit para sa disenyo ng aking magiging kuwarto para sa taong ito. Natutuwa ako sa disenyo kong nabuo, asul at orange ang kombenasyon na kulay na aking napili. At dahil dito ay lalo akong ginanahan sa paggawa. Maituturing kong itong isang obra. Matapos nito ay nagdikit na ako sa aking kuwarto at mas nakita ko ang kagandahan ng obra na nilikha ko. Bagamat pawis na pawis sa sobrang init ay hindi ko ito inida, matapos lamang ang aking obra. Tiyak na maaakit ang aking mga mag-aaral at bibisita sa aking klasrum. Simple lamang subalit masasabi ko na malakas ang dating.

Umuwi ako ng bahay na pagod at hilong-hilo. Minabuti kong buksan ang aking kompyuter at magsimulang tumipa. Email ko ka agad ang una kong dadalawin kasunod ang aking facebook. Subalt sa sakit ng aking ulo ay tinawag ako ng higaan. Nagpahinga ako at naglakbay. Muling dinalawa ako ng nakaraan. Subalit sa pagkakataong ito ay binalikan ko ang mga ginawa ko. Napagtanto ko na marami na pala akong tao na na nahingian ng tulong simula ng ako ay nagkasakit. Lubos ang aking pasasalamat. Nagpasya ako na sarilinin na lamang ang aking suliranin at maging matatag. Magdasal at lilipas din ang lahat. Nagising ako sa sobrang init. Kahit pala sa panaginip ko ay nag-iisip pa rin ako.

Kung minsan ang buhay ng tao ay sadyang mapaglaro, dapat maging handa ka at matatag sa mga pagsubok na darating sa iyong buhay. Sige na naiinitan na ako, tinatawag na ako ng banyo.