Saturday, November 27, 2010

Pwede bang lakarin na lang ang Chicago?


Matapos ang mahabang panahon nang pananahimik. Tinanong ko sa sarili ko kung marunong pa ba ako magsulat. Biglang nangati na naman ang aking mga kamay at nagpasya na tipahin ang kuwento ng mga pangyayari ng aking buhay. Minsan nakakabagot na laging ako na lang. Minsan naisip ko kung ibang paksa naman ang atupagin ko.

Sakay ng bus na medyo aalog-alog ay kausap ko ang isang tao na mahalaga sa aking buhay. "Saan kayo?, sabi ng taga-ticket ng bus." Sumagot ako at sinabi ang lugar na aming bababaan. Sa kaligtnaan ng EDSA ay biglang bumagal ang pag-usad ng bus. Hindi ko mawari kung ano ba ang pinagmumulan ng trapik at araw-araw na lang ay ganun ang sitwasyon. Rush hour nga naman.

Nakatingin ako sa kanya. Nakatitig at binabalikan tatlong taon mula nang makilala ko siya. Ibang-ibang na siya. Marami na ang nagbago. Maya-maya pa ay napag-usapan namin ang kanyang pag-alis na naman patungo sa bansa ng mga naghaharing-uri. Nanlamig ako, mas malamig pa sa dala ng hangin ng buwan ng Disyembre.

"Pagbubutihan ko ang trabaho ko dun. Kikita ako ng close to million a year. Ang saya diba? Nakakalungkot lang kasi maiiwan ko pamilya ko at ikaw"

Nakakatuwang marining, na kasama pala ako sa mga taong maiiwan niya, ngunit mas masakit na isipin na hindi mo alam kung kailan siya babalik. Isang taon na lang ang taning niya. Shet tila isang sakit. Tila isang kanser. Ang impeksyon ay kumakalat sa buong katawan hanggang biglang maglaho. Yun ang ang pakiramdam ko.

Maya-maya pa ay naging emosyonal ako. Upang maiwasan, nagpasya akong matulog sa bus. Hinanap ko na naman ang lugar kung saan ang lahat ng pangarap ko ay maaaring matupad. Minsan naisip ko, kahit janitor lang ako sa bansa na iyon gagawin ko makasama ko lang siya. Kahit sa bansang ito ay maganda ang propesyon ko subalit makapunta lang doon kasama siya ay okay na sa akin. Lahat ng trabaho papatusin ko.

Natapos ang gabi ng aming pag-uusap. Nakarating na kami sa kanilang tahanan. Natigil na ang usapang "paglisan". Nagpatuloy sa pagvideoke at natapos sa "nasaan na ang bibingka", sambit ni Tita Jenny.

Nakakatuwa.


Sunday, November 21, 2010

Boom!


Madaling araw na at hindi pa rin ako makatulog. May bumabagabag sa aking isipan. Bukas Sabado ayokong pumasok, wala akong magagawa kundi sumunod. Maya-maya pa ay tumunog ang aking telepeno. Nakatanggap ako ng mensahe sa isang kaibigan. Nalulungkot daw siya umano dahil hindi kami kasama. Naglabas ako ng sama ng loob. Hanggang sa natapos sa pag-uusap na mag-ingat kayo at magsaya.

Pumasok ako nang medyo huli. Mahaba ang mukha, malungkot. Pakiramdam ko wala akong kwenta. Mabuti na lang at may paisa-isang mensahe ako na natatanggap mula sa kanya at aking mga kaibigan.

Pagkarating ko, wala na sila. Wala ni isa mang bakas na lumisan ang lahat at naiwan ang ilan. Pagkapasok ko ay, kinuha ko agad ang attendance. Maraming pumasok. Marami ang hindi sumama. Nakakagaaan sa loob. May kusa ang mga bata. Nagklase ako, kinalimutan ang masaklap na pangyayari.

Hapon, natulog muna kami ni Brother Erine sa lounge. Sarap ang lamig ng aircon. Maya-maya pa ay tumunog ang kanyang telepono. Nagtext na pala sila. Hinihintay na kami sa Lopez. Ang pagiging malungkot namin dahil sa pag-iwan nila sa amin ay napalitan naman ng ibang lakad. Naipit kami sa baba, pinakain pa kami ng GS teachers. Nakakatuwa, ramdam ko ang pagmamahal nila.

Pagdating sa Lopez, kumpleto na ang lahat ng kasama. Nakakatuwa, naglakbay kami sakay ng isang van patungo sa Greenbelt. Mahusay ang pelikula. Wala akong masabi kundi bitin. Bukod pa dito marami akong natutuhan. Salamat say Anca.

Natapos ang gabi sa masarap na sorbetes. Mahal ngunit okay naman ang lasa. Sulit.

Umuwi ako at nasabi ko na mabuti pa sina Harry Potter, anuman mangyari, walang iwanan.

Magandang araw :)



Saturday, November 6, 2010

Sleeeppppyyy...

Yesterday was a tiring day for me. I woke up late today and enjoyed sleeping for almost 12 hours. Last night, together with my colleagues, we visited the wake of Mr. Bernabe, father of our student Michelle. It took us for almost 3 hours just to get in Paz Funeraria in C3 Road. I'm not familiar with the place thats why I keep on looking outside of our car just to check the streets and landmarks. Mahirap nang maligaw. As I entered the room, I felt the sadness in the eyes of my student Michelle. Though she accompany us with a smile, still she cant hide her true feelings. After the mass, they offered us different foods. I can't resist the siomia. It so delicious! The reason why it tastes good because they are the owner of the famous siomai called Master Siomai! Kidding! :) Siomai's Best? Sorry Michelle, I forgot! :)

May the Lord bless your family and God has a reason why certain things happen.

Good Day!


Tuesday, November 2, 2010

:))

Natulog ka nang di man lang ako tinext
Okay lang, wala ka naman dapat patunayan
Sapagkat matagal mo nang akong kinalimutan
Panabitan ko na lamang na matapos na
Maging maligaya ka na maalis sa mga taong sumisira sa iyo-

At sa akin.

Goodnight!