Saturday, June 25, 2011

Papel

Pagbabalik-tanaw : Kasaysayan, (H)istorya at iba pa.

Ni: G. Juanito N. Anot Jr.

Pinaniniwalaan na ang Paraaque ay nagmula sa pangalang Palanyag bago pa man dumating ang mga Kastila. Nang masakop ng mga Kastila ang Maynila ay binisita nila isa-isa ang mga karatig nitong bayan, at isa na nga rito ang Palanyag.

Sakay ng isang karwahe ay naatasan ang isang kutsero na magtungo sa lugar na Palanyag, ngunit hindi niya maunawaan nang bigkasin ito ng mga tauhan ng palasyo. Nagpatuloy siya sa pagpapatakbo ng kanyang karwahe hanggang makarating siya sa mataong lugar. Sumigaw ang isang Kastila at sinabi na “para aqui!, para aqui!”, na ang kahulugan ay hinto. Nagpatuloy pa rin ang kutsero sa pagpapatakbo ng kanyang karwahe sapagkat hindi niya ito nauunawaan. Nagalit ang Kastila, kayat muling sumigaw ng “para aqui!, para aqui!”

Samantala sinabi ng isang matanda na bumaba ang kutsero sa kanyang karwahe at ipagtanong sa mga tao ang sinasabi ng Kastila. Sa harap ng maraming tao ay sinabi niya na, “paulit-ulit na sinasabi ng tao na ito na, para aniya ake, para aniya ake.” Nagtawanan ang mga tao at maya-maya pa ay natawa na rin ang kutsero sa kanyang sarili.

Pinaniniwalaan na ito ang pinagmulan ng pangalan ng lugar na Paraaque.

Dulce Festin- Baybay (Palanyag to Paraňaque)

Tuesday, June 21, 2011

Bundok Tabor

At dahil muli na namang lumuluha ang kalangitan ay napagpasyahan ko na namang tumipa, hindi upang magbahagi ng purong kuwentong pag-ibig bagkus ay bumuo ng isang kuwento na tanging ang mga nakakaunawa lamang ang maaaring bumasa.

Sa bundok Tabor umano matatagpuan ang isang ibon na may kakaibang kulay na tanging makakapagpagaling sa ama ng tatlong prinsipe. Malubha ang sakit ni Haring Fernando at malubha rin ang sakit ng sistema ng kaharian ng Berbanya. Lingid sa kaalaman ng lahat na mapanganib ang ibon sapagkat nagkukubli sa likod ng magaganda nitong kulay ang isang hiwaga na maaaring ikapahamak ng makaririning ng awitin nito. Nabigo si Don Pedro ang panganay, gayundin si Don Diego kaya't naatasan si Don Juan na tanging pag-asa ng Berbanya.
Ngunit hindi lang doon umiinog ang kuwento. May kung ano na naghaharing uri na naramdaman ng superhero natin na hindi niya lubos maunawaan. Kung paano napagbigyan ang iilan lamang na taga-Berbanya kapalit ng mas maraming pang may kailangan. Palakasan lang ba ito ng loob o pakapalan ng mukha? Natagpuan nga ni Don Juan ang lugar kung saan matatagpuan ang ibon, sinapit niya ang landas ng patungo sa Bundok ng Tabor at nasalubong niya ang isang matandang leproso. Pinayuhan siya nito na mag-ingat umano sa nakahahalinang ganda ng punong Piedras Platas. Mabuti na lamang at tinulungan siya ng isang matandang estranghero kung paano mahuhuli ang ibon na hindi madadala sa bitag nitong kagandahan. Lilinawin din ni Don Juan na tanging si Maria Blanca ang nagmamay-ari ng kanyang puso, hindi si Leonora at lalong hindi si Donya Juana.

Ano kaya ang mangyayari sa kaharian ng Berbanya? Panahon na ba ng paghihimagsik. Kung matatalos lang sana ng mas nakararami. Nakamamatay ang pagsulat. May ngiting mapang-uyam ang hatid ni Don Juan pabalik sa kaharian ng Berbanya. Hinayaan niyang maging bato ang dalawa niyang kapatid,

Monday, June 20, 2011

Umuulan.

Hindi ko alam kung ano ang gusto kong tipahin sa araw na ito. Maaari ko naman ibahagi ang naging lakad namin sa Caliraya kahapon ngunit pakiramdam ko ay utak at kamay ko lang ang gumagana ngayon. Hindi kasama ang puso. Ang hirap pala ng ganun. Sa totoo lang ay lalo akong naguluhan sa sarili ko ngayon. Isa lang naman po ang hiling ko sa Inyo. Kayo na mismo ang tumapos. Kung kailangan ng bagong tao na pumasok sa buhay ko, bakit hindi? Kung kami naman talaga bakit hindi na lang po ibigay. Paumanhin at napakarami kong katanungan, nais ko na po kasing maghilom ang lahat ng sugat at wala na akong maramdaman. Yun lang! Sana po ibigay ninyo na sa akin ang peace of mind at peace of heart. Iiklian ko na lang ang pagsusulat ko, wala ata ako sa hulog.

Saturday, June 11, 2011

Maja(l) ko :)


Araw ng Kalayaan ngayon. Buhay ang OPM. Ang lahat ay nakikiisa sa pagdiriwang. Ang sayang maging malaya. (malaya nga ba?)

Gumising ako ng tanghali na at napagpasyahan kong makinig muna ng musika bago tuluyang bumangon. Nagbalik tanaw lang ako sa mga nangyari sa buhay ko ngayong bakasyon. Kung naging makabuluhan ba ang mga pinagpaguran ko, o mas marami akong nasayang dahil sa mga pangyayaring di ko inaasahan. Sa darating ng Huwebes ay ipagdiriwang ang isandaang taon na pagkakatatag ng DLSU. Dadalo ako upang masaksihan ang pagdiriwang. Nais ko rin makita ang parte ng katawan ni St. John (tama ba?) Bukas ay sasalubungin ako ng bagong hamon sa aking buhay. Isang desisyon na ginawa ko para sa isang tao. Sa kasawiang palad, di niya nakita iyon. Inisip lang niya ang kanyang sarili. Nanood ako kanina ng Asap Rocks. Tinamaan ako sa sinabi ni Aiza, bago siya umawit ay sinabi niya na "hindi lahat ng kalayaan ay masaya, lalo na kung ang kalayaan na ito ay makita mo ang minamahal mo sa piling ng iba."



30th
May kung anong kirot sa puso ko na di ko mawatasan
Tinanong ko sa sarili ko, malaya na nga ba ako?
Malaya na nga ba ako sa nakaraan? Sa sakit ng nakaan
Di ko pinilit ngunit kusang tumutulo
ang luha sa mata ko habang tinitipa ko ito
Bitter nga ba ako? Nakamove on na ba ako?
O pinipilit ko lang sarili ko na ipakita sa iba na okay na ako?
Malaya na ba talaga ako?
Maaaring di nauunawaan ng iba
Na pinipilit kong makalimutan ang lahat.
Ang lahat ay alaala na lang kahapon at di ko nanaisin na bumalik pa.
May bahagi lang kasi na nagkokonekta pa rin sa aming dalawa
kahit na ako ay lumalayo na.
Na kahit na ayoko nang siyang makita.
Kahit na ako ay umiiwas na
Ay may mga tao pa rin sa paligid ko na nagpapaalala sa kanya.

Alam ba nila na kaya ako lumipat sa ibang larangan ay upang tuparin namin ang mga pangarap namin na ngayon ay naglaho na, naglaho na parang bula. Araw-araw ay nananalangin ako na makalimutan ko siya ngunit lalo ko lang siya naalala. Ano po ba ang plano nyo sa amin? Kami pa rin ba sa dulo o may naghihintay pa sa akin na hindi ko pa natatagpuan. Ipaunawa po Ninyo.


Anyway nagbago ang mood ko, nakita ko si Maja. :)) hehe

Friday, June 10, 2011

Papa Jack :))

Agam-agam

Pilit kong hinahanap kagabi ang posiyon na makapagbibigay sa akin ng kaginhawaan upang makatulog nang mahimbing. Sa kasawiang palad, ako ay nabigo. Nakapikit lang ang mga mata ko subalit ang puso at diwa ko ay gising. Di ko pa rin makatkat sa aking isipan ang mensaheng ipinadala sa akin ng isang kaibigan. Di ko mawari kung ano ba ang pakay niya. Nais ba niyang ipamukha sa mga malalapit sa akin na siya ang dati kong nakaraan o nakikipagkaibigan lamang? Nais ba niyang ilantad sa mas nakakarami ang tunay na siya. Di ko alam. Bakit hindi ka na lang lumugar sa alam mo na mas tama at ikatatahimik ng lahat. Sumama ang loob ko.



Ikinubli ko ang luha sa aking mga mata
Subalit sumilip pa rin ang at pumatak nang paibaba
Ang pintig ng aking puso ay sinbilis ng iyong pagkawala
Ano ba ang ginawa? at pinapasakitan ako nang sobra




Pag-asa

From: Demeterio, Dr. Feorillo

Yuan, pwd ba tayong magusap mamya pm tungko sa tesis mo? D kc ako pupunta sa dlsu bukas.


Isang mensahe ang nagbigay sa akin ng pag-asa. Inaamin ko napangiti ako ng mensaheng ito. May pakialam sa akin ang tagapayo ko. Inaamin ko marami akong pagkukulang sa mga pinagagawa niya. Masyado akong naapektuhan ng mga maling akala kaya kahit ibang tao ay di ko napapansin na naapektuhan ko na rin pala. Wala akong ipapakitang papel. Ang pinaaayos niya sa akin ay di ko ginawa. Sapagkat nawalan na ako ng pag-asa. Lalo na nang malaman ko na ang isa sa panelist ko ay nasa Amerika. Subalit dahil sa siya ang unang nagtext, pupunta ako kahit nakakahiya.




Mukhang tanga si Lebron


Tabi-tabi po sa tagahanga ng Miami. Opinyon lamang walang personalan. Ang init ng labanan sa pagitan ng Miami at Dallas. Wala naman talaga akong paborito sa kanila, ang pakay ko lang ay malaman kung totoo ba na mahusay si Lebron James sa ibang aspeto ng husay ni Michael Jordan. Di ko naman nakita. Ni di nga makakilos sa tatlong bantay niya, di tulad ni Jordan noon, halos lahat ng galaw tiyak na mamamangha ka. Nanalo ako Dallas, pati ako nakisaya.





Sa La Salle

Maulan sa labas, kayat pagbaba ko sa Lrt ay tumakbo ako agad papasok ng Pamantasan. Kinuha ang i.d. pumasaok at di nakapasok. Expired na pala ang i.d. ko. Nakakahiya. Iniwan ko ang i.d. ko sa card at pumasok, dala ko ang kahihiyan na haharap ako sa tagapayo ko. Sa labas pa lang ng kanyang pintuan narinig ko na ang boses niya sa aking likuran. Hinahanap niya ang papel ko (hard copy) wala akong maipakita. May halong pang-uuyam ang sinabi niya, "syempre wala kang dalang papel." Maya-maya pa ay positibo naman, kaunti na lamang at matatapos ka na sabay biro na naman na, "tapusin mo na ang tagal mo na rito, sawa na ako sa iyong mukha." Natawa kaming pareho at natuwa naman ako sa kanya sapagkat may pakialam siya. Ipinaliwanag ko na sa ikalawang termino pa ako maaaring magdepensa, naunawaan naman niya. Dalawang linggo mula ngayon muli kaming magkikita.




MRT, ang Shang rila at Mega Mall

Nagpasya akong magtungo sa Shang at Mega hindi upang sadyain siya bagkus ay upang bumili ng bagay na kakailanganin ko na nasa Shang lang makikita. Di ako nabigo at nakabili ako agad, may freebies pa. Ayos. Matapos nito ay nagtungo ako sa Mega, bumili ng aksesorya para sa netbook ko, sa pasukan dadalin ko siya. Bumili rin ako ng mga makukulay na papel para sa pagtuturo ko. Dumaan sa simbahan sa loob ng Mega, naglibot, kumain at sa huli ay bumili ng bagong libro.



Malamig

Hindi na siya nagparamdam, umiwas na ata. Mas maganda sanang sinarili ko na lang. Di bale, parang malakas lang na ulan yan. Kahit gaano ba ang bagyong dumating sa iyong buhay. Huhupa din yan. Basta manalig sa sa Kanya.


Simula noong isang araw ay sumumpa na ako sa aking sarili na hindi na ako muling iibig sa isang nars. Hindi na rin ako iibig sa tao na ang buhay ay nasa ibang bansa. Hindi na, hinding-hindi.


Thursday, June 9, 2011

LYrics-


"I don't think she understands the sacrifices that I made
Maybe if this bitch had acted right I would've stayed
But I've already wasted over half of my life I would've laid
Down and died for you I no longer cry for you
No more pain bitch you"


Nasa ikalawang araw na ako ng pakukwento sa labas. Dibale bukas may internet na ako ulit. Galing ako sa Teachers Pet kanina (tindahan ng instructional materials) Natuwa ako sa mga binibenta nila, ngunit pag naiisip ko kaya ko rin naman gawin yun. Matapos nito ay nagpunta ako sa St. Jude, nanalig at nanampalataya at umaasa. Kung alam lang niya nag sakrpisyo ko ngayon, baka sakaling maunawaan niya ako. Ilang araw na lang simula na ng panibagong hamon. Susuko ba ako? O lalaban? Magkatext kami kanina. Masaya ako. Kala niya lagi ako nagbibiro ngunit sa totoo may laman iyon. Ngunit kung wala talagang pag-asa, masasanay din ako malilimutan ko rin siya.


"Bakit hindi na lang isulat kita at isulat mo ako. Gumawa tayo ng sarili nating nobela. Always remember, novels are timeless" Ako-


Pakiramdam ko minsan si Bob Ong ako, ngunit mas nais kong maging si Abdon Balde ngunit kung usapang malaki ang kita si Bob Ong na nga lang. Naglalaro ng Dota ang mga katabi ko. Ang ingay nila, nakakatuwa dahil dito gagawa ko ng kuwento.


"Mid ako, ikaw dun ka sa kabila"


Apat na lalaki ang nasa tabi ko. Yung nasa kaliwa ko si Slardar ang gamit. Galit na galit sa kalaban, malimit kong marining ang putang-ina naman. Nasa likod ko naman ang kaibigan ko, minura ng gago ang nasa kaliwa ko, tanga raw kasi maglaro. Yung isa naman si Bradwarden ang gamit. Tahimik lang siya. Di katulad ng nasa kaliwa ko maingay. Narito ang ilan sa mga salita na nasagap ko sa pakikinig sa kanila:

Papasmahin ang kalaban kawawa naman.

Ampli mo lang, tang-ina naman nito.

Putang-ina naman! (with feelings)

Tang-ina kasi!

O patayin na natin ang gago na to.

Katayin na natin to!

Mahusay ang kalaban nila ngunit nagkakaisa ang apat, di lang apat may mga kasama pa sa likuran na nakikilaro. Ganito ang paglalaro ng Dota, diskarte na may kasamang mura (ata) pampadagdag kasi ng lakas ng loob ata iyon. Laro ito ng tunay na lalaki. Makalaro nga.

I love you darling! :)


Wednesday, June 8, 2011

Wolverine

Ang lakas ng ulan sa labas, kasabay ng pagpatak nito ay ang muling pagdalaw ng kalungkutan. Mistulang bumalik ako sa panahon ng mga Tabon. Nakakapanibago. Nasa labas ako gumagawa ng kuwento. Kuwento nga ba o walang kuwent(o)a. Pilit kong iniiwas sa tao ang pagtitipa ko ngunit may ilan na sinisipat ang pagkukwento ko. Ang sarap batukan. Inubos ko ang oras sa panonood ng X-men series. Mas lubos kong naunawaan ang kabuuan ng kuwento. At doon ko napagtanto na sana si Wolverine na lang ako para sa bawat sugat na aking mararanasan ay magiging mabilis ang paghilom nito.

Kahapon ay nasa ATC ako. Kasama ko sila, silang dalawa. Lumalakas pa lalo ang ulan, wag naman sana magbaha at malunod ako sa kalungkutan.

Nabubwisit ako sa nakikibasa sa likuran ko. Sana mabasa mo 'to. Kung mutant lang ako pupuksain kita. Ngunit dahil hindi, baka masigawan kita at di mo kayanin.

What if gutso ko siya ngunit mahal kita.

Oo mahal kita.

Oo.

I want to be a good writer but I don't know how.

Monday, June 6, 2011

Don't Close Your Eyes


I came to win, to fight, to conquer, to thrive
I came to win, to survive, to prosper, to rise
to fly
to fly

Nicki Minaj- How I love thee


Malapit nang magpasukan ngunit hindi pa rin ako handa. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Galing ako sa La Salle kahapon, nagkalat ang mga paskil na 6/16/11. Mukhang pinaghandaan, malaking selebrasyon ang magaganap sa araw na ito. Nakakalungkot lang na malabo ata ako na maging bahagi nito. Nabalitaan ko na aalis ang panel head ko para sa aking tesis. Tatlong buwan daw siya umano sa US. Napanghinaan tuloy ako ng loob, at kakarampot lang naman ang nakuha kong suporta sa aking tagapayo. Sabi niya husayan ko raw magsulat, sa totoo lang nahihirapan ako. Kapag nawalan na ako ng pag-asa baka sumulat na lang ako tungkol sa tagapayo ko, sa walang humpay na (pagbabasa) pagtingin sa aking tesis. Biro lamang. Walang sukuan (sana) ang hirap. (sobra)


"Walang problema as long as mabuting tao siya,
may takot sa Diyos, marunong umintindi sa buhay
at kung magpunta ako ng Tondo, hinding-hindi niya pababayaan"

Nagmistulang musika sa aking pandinig ang mga katagang ito, nakakatuwa sapagkat may mga tao pa pala na nagpapahalaga at nagtitiwala sa katulad ko. (kung ako nga yung tinutukoy). Habang tinitipa ko ang bahaging ito ay natatawa ako, di ko alam basta natatawa lang ako. Pati paraan ng pagsasalita ko sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiiba, ewan ko ba. Ang weird talaga, parang siya weird. Naka-eye glasses pa. Weird.


"Love sought is good, but given unsought, is better" William Shakespeare

May paganun-ganun pa si Shakespeare kala mo naman. :)) Pwede namang gawing simple lang ang paliwanag, Ang pag-ibig na hinanap ay mabuti, subalit ang pag-ibig na kusang nahanap ay mas mainam. (akin ang salin) papatayin ko ang umangkin haha! Ang tumuligsa sa paraan ng pagsasalin ko, gumawa kayo ng blog nyo! haha!




Saturday, June 4, 2011

Tumipa, tinipa, titipahin


Carrot cake ako (kami) gumawa

Papel na gawa sa puso

Dinalaw na naman ako ng kalungkutan
Binisita na naman ako ng pangungulila.
Hindi dahil Sayo, kundi dahil sa KANILA
Tumingin ako sa kaliwa, ako ay naging maligaya
Ngunit biglang sumagi ka sa aking isipan
Napalingon tuloy ako pabalik sa kanan
Biglang naguluhan


Di lahat ng tula may tugma

Sumabay sa indak ng tipa ng pagsulat,
Tagalog sa akin, Ingles ang sa iyo.
Naging saksi ang mga tinta ng panulat
Sa mga nagkukubling damdamin
Pinigilan sapagkat iyon ang nararapat
Lumayo siya at nagtampo ka
Naging parehong malaya
Ngunit takot tumipa
Hanggang nahulog ang isa
Ngunit napalingon sa likuran
Muli kang nakita
Naguluhan