Sunday, February 26, 2012

DEADma

Peace be with you. *dedma*

Makulit ka, di ka makaunawa na ayoko ng kinukulit ako. Bigyan mo ako ng space. Di pa ako ready sa mga ganyang bagay. Ayaw ko sayo. Isip bata pa ako. Wag kang over. weh? ayaw nya lang ata? mabilis ka. Wag kang umasa! Inivisible. JUSTIN BIEBER-

Masarap ang halo-halo subalit di malasahan. Di maunawaan. Panay silip sa telepeno, walang mensahe. Pangiti-ngiti kunyari sa kausap, pero di naman totoo. Naubos ang halo-halo na may tinik pa rin sa dibdib. Nabawasan kahit papaano, nakatulong ang pagdadasal.

Nagmamadaling umuwi at mag-internet. Tinatamad pumasok bukas. May inaabangan subalit wala. Ang ganda talaga ng boses ni Rihanna. Califorrrrniaaa King Bed..... Bakit nakaset na ang top 25 sa i-tunes? May multo? May nagmumulto. Nakakatakot! Kausapin kaya ang multo?

Nagugutom na, masakit ang tiyan, mukang tanga, nakatingin sa telepono, internet. Mahusay si Sarah G. Share lang. Hinatid, dinaanan ng nakakotse. Sumakay. Sabaw. Nagpaliwanag. Ok naman. Pasta, peste?

----------------------------------------------------------------------------------------------

Salamat sa buong linggo na naging masaya ako. Sa intrams na feeling ko eh napakasporty ko. Sa Basketball na matagal na akong di naglalaro subalit nakashoot pa rin kahit pagod. Sa mga panahong nakikita kita kahit malayuan. Atleast madalas. Bukas at sa susunod na linggo busy na tayo ulit. Sa hapon na kita makikita.

Inaantok na ako subalit gusto ko pa rin magsulat. Wala lang, feel ko lang. Next week ko na ulit to magagawa.

Dear Bella Swan,

Kung mabasa mo man to, alam kong alam mo na gusto kita. Ewan ko pero yun ang nafefeel ko. Gusto mong pigilan ko. I'm trying my best. Namimiss ko na magkausap tayo hanggang madaling araw subalit iba na ngayon. Mas lalo kitang di mabasa. Sana gusto mo rin ako. Ewan.

Edward, Scissorhand. :D

Nakakatawa yung pusa namin ang sarap ibully. hehe! Ka cute! Ala cge paalam!

Saturday, February 25, 2012

7/11



Deal with it.


Kung totoo man ang hinala ko, then ayoko mastress.

Madaling araw na akong nakauwi kanina. Bitbit ang mga gamit na mahahalaga at iniingatan. Nakakatakot sa daan subalit kailangan kong umuwi sapagkat hahanapin ako ng mama ko. Malalim ang aking iniisip kagabi. Palaisipin kung sino ang may gawa nun. Di naman talaga ako uminom masyado. Nakikinig lang ako sa mga kuwentuhan nila. Nakakatuwa sila at nakakatawa din ang mga banat nila kapag nagjojoke sila.

Sa di inaasahang pagkakataon ay naibigay ko ang dapat kong ibigay. Sa kantong iyon. Bitbit ang isang mineral water na pampatanggal ng kaba. Nakatingin sa kanyang mga mata at sa bawat bigkas niya ng mga salita. Nalasing ata ako sa isang pangarap.Add Image

Tuloy pa rin ang kuwentuhan, may personal, may kung ano ano lang, basta mahalaga kailangan kong namnamin ang alak para panandalian kong makalimutan ang gumugulo sa aking isipan. Lumalim na ang gabi at ang dalawa ay taob na. Samantalang ako naman ay tahimik na nagmamasid at nakikinig sa kanilang mga sinasabi.

Kasalukuyan akong nakikinig ng How to Deal ni Frankie J. Maganda ang mga linya, pero di ko alam kung mairerelate ko ba ang sarili ko. Syempre hindi kasi kakabasa ko lang ng lyrics. :D

Balik tayo sa kuwento, umuwi ako na may bumagabag sa aking isip.

Sino ang nagpadala ng pasta? Di ako.

Sana di ikaw. Sana mali hinala ko.


Saturday, February 18, 2012

Blessed Sunday!

Bakit nga ba ako nagsusulat?


Kasalukuyang hinihintay ko na mag 100 percent ang charging ng aking telepono. Maghapon ako na walang nakausap, kaya nauwi na naman sa pagsusulat. Maaga akong nagising kanina, nakahiga sa kama nagbukas ng computer at doon umikot ang buong araw. Nag-iisip na naman ako ng bagong kuwento. Para ba kay sparks fly ito na iniisnob naman ang pagtingin ko sa kanya o para sa ibang tao na may katulad ko na kapalaran.

Kanina pa ako nakaabang sa telepeno na baka sakaling maalala mo ako. Subalit matatapos ang gabi na hindi mo ako naalala. Nakita kita kanina na nakaonline kasabay ng pagloloko ng aking connection. Gusto kitang ichat pero nahihiya ako dahil baka busy ka.

Hindi ko alam kung ititigil ko na lang ba ang lahat at pipigilan ko na lang ang aking nararamdaman. Lumayo na lang sayo at pangarapin ka na lang. Sa tuwing di mo ko pinapasin ay nalulungkot ako subalit wala naman akong karapatan maramdaman iyon dahil kaibigan mo lang ako.

Araw-araw ay hinihiling ko na sana ay magustuhan mo rin ako na sana isang araw ay bigyan mo ako muli ng pag-asa na di imposibleng maging tayo.

I really like you at totoo yun.

At bigla akong nabagot magsulat. Bakit nga ba ako nagsusulat?

Bitin-

Ang kuwentong ito ay likha lamang ng malikot kong isip sa tuwing nababagot ako.


Bitin


Sinadaya kong tumayo sa aking kinauupan upang makaupo siya sa pwesto na iyon at makasama namin siya. Tahimik siyang kumuha ng kanyang pagkain habang binulungan ko ang aking katabi.

"Ayain mo siya at dito mo paupuin."

At doon nga siya umupo samantalang ako naman ay umupo sa lapag kasama ang iba pa. Pinili ko ang puwesto na matatanaw ko siya. Walang siyang kibo habang kumakain. Sabay ng bulyaw at pagbibiro ng iba naming kasama. Di ko ito tiningnan bilang negatibo sa halip ay positibo. Alam kong nakikinig siya at naiisip niya na bakit ako niloloko ng aming mga kasama.

Maya-maya pa ay humupa na ang tawanan at biruan. Ang iba ay tumayo na at naging abala sa pagkuha ng mga retrato, samantalang ang iba naman ay nagpaalam na upang umuwi. Nakita ko siya sa isang sulok. Bitbit ang isang paper bag at walang kausap. Nilapitan ko siya at kahit na nahihiya ako ay naglakas loob ako na siya ay kausapin.

"After nito, uuwi ka na?"

Tanong na alam ko naman sa sarili ko na alam ko rin naman ang sagot. Subalit sadyang ganun talaga kapag kaharap mo ang isang tao na alam mong espesyal sayo. Pinipilit mong ipakita na wala kang ibang nararamdaman kahit na alam mong sa sarili mo na mayroon subalit alam mo sa sarili mo na malabo at hanggang kaibigan lang.

Tumango siya at sinundan ko naman ng tanong na, "sabay tayo pauwi? Okay lang?"

Muli siyang tumango sabay sabi na, "tayong dalawa lang?"

Sa mga panahong ganito ay mas dapat maging mabilis ang aking pag-iisip at pagbasa sa kanyang mga kilos at salita, kaya't ang naisagot ko agad ay, "ayan marami tayo, may lakad pa ata, sama muna tayo kung gusto mo?"

Natuwa ako sa muli niyang pagtango. Gaya ng dati ay matipid pa rin ang kanyang mga sagot. Nahihiya pa ata o maaaring ganun talaga siya. Tuwing ganun ang kanyang mga kilos at pananalita ay siya namang palaisipan sa akin para basahin ang kanyang isip. Sa totoo lang nahihirapan talaga akong basahin ang kanyang isip.

Nagsimula kaming lumakad kasama ang ibang kasama at nagpasya na magtungo sa isang mall. Walang plano kung saan tutungo, ang drama, bahala na si Batman. Sinabayan ko siya sa paglalakad habang kinakausap ko ang iba kong kasama upang hindi mahalata na gusto ko talaga siyang makasama.

Malapit lang ang mall kaya't naging madali lang ang aming paglalakad. Sa isang kainan sana ang planong naming pumunta subalit kakatapos lang namin kumain.

Muli ko siyang kinausap at tinanong kung inaantok na ba siya. Alam kong hilig niya ang pagtulog kaya't alam kong ang isasagot niya ay "oo". Hindi nga ako nagkamali, iyon nga ang kanyang sagot.

Masyado na ring gabi kaya't binulungan ko siya na mauna na kami. Alam kong maaga siya bukas at pumayag naman siya. Nagpaaalam na kami sa aming mga kasama at nagsimulang maglakad.

Di ako pamilyar sa mall, ilang beses pa lang ako nagpunta roon. Mabuti na lamang at kahit papaano ay alam niya iyon. Mahaba rin ang aming nilakad. Sa isip ko ay sana hindi na lang matapos ang gabing iyon. Nakakatuwa sapagkat kahit papaano ay hindi kami nauubusan ng mga kuwento.

Sumakay kami ng jeep, magkatabi at habang nagkukwentuhan ay nakatingin lang ako sa maganda niyang mukha. Kung maaari lang sana na mas mahaba pa ang aming bababaan ay mas magiging pabor sa akin sapagkat matagal ko pa siyang makakasama.

Maya-maya pa ay bumaba na kami ng jeep at pumara, nais ko sana siyang ihatid sa kanila subalit nahihiya naman ako na mangulit. Para sa akin sapat na ang panahon na napagbigyan niya akong makasama siya at makasabay siya kahit sa kanto ng village nila.

Nagpaalam na siya at nagsabi na sumakay na ako ng bus. Tumango ako at sinabi ko na hihintayin ko muna siyang tumawid. At gaya ng dati upang di maputol agad ang usapan ay muli na naman akong nagtanong ng tanong na alam ko ang sagot. "kaya mo na?"

Ngumuti siya sabay tawid.

Tinanaw ko siya sa malayo at umaasa ng lilingon siya subalit hindi.

Sumakay ako ng bus.


Sunday, February 12, 2012

Just the way yu are.

Kasalukuyan na nakikinig ako sa acoustic guitar ng Just the way you are ni Bruno Mars. Kung hindi ako nagkakamali nagblog na ako tungkol sa kanta na ito. Ang sarap niyang gitarahin at ang ganda ng lines talaga. Ewan ko kanta ko 'to sa kanya.

Kahapon nagtungo ako sa Rob para manood ng Star Wars. Okay naman konti lang nanonood pero naenjoy ko ang 3d experience ng Star Wars. After nun bumili ako ng kung ano-anong stuff, nakakatuwa sa Rob. ang daming choices. Ang dami na ring pangregalo para sa Valentines, ang problema , wala naman ako pagbibigyan. At kung meron man, maappreciate ba?

Sa tuwing di niya ko pinapansin naalala kita. May nagtutulak sa akin na bumalik sa iyo, pero di na talaga pwede. Ayoko na masaktan at maulit ulit ang lahat. Walang silbi ang telepeno ko, walang akong mensahe na natatanggap. Try kong gumawa ng tula kung kaya ng utak ko.

Namimiss at naiisip kita. Totoo yun.

Monday, February 6, 2012

De La Salle University


Sapat na ang 100 plus likes sa picture ko sa facebook na nakatoga para maramdaman ko na marami ang nagmamahal sa akin. Hindi ko inakala na aabot sa ganun kadami ang likes na iyon at marami ang babati at masaya para sa tagumpay ko. Pakiramdam ko tagumpay ko, tagumpay ng lahat.

Halos limang taon kong binuno ang degree na iyon at ito natapos ko. Napatunayan ko na kaya ko palang gawin ang isang mahirap na bagay kung talagang gugustuhin ko. Bagama't bahagi na ako ng La Salle ay mananatili pa rin ang puso ko sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na unang humubog sa akin at naghulma bilang ako ngayon.

Salamat rin sa mama ko na di ako pinabayaan at nagtiwala sa kakayahan ko. Gayundin din sa mga kaibigan at tunay na kaibigan. Sa sulat na ibinigay ninyo, sa panahon na tinulungan ninyo ako noong lubog ako at lugmok sa kalungkutan.

Salamat din sa iyo na nagbibigay ngiti sa akin sa kasalukuyan. Kung pwede lang sana na maging akin ka na lang kaso. Ewan ko. Bahala na ang taas.

Ang lahat ng bumati at naging masaya ay bahagi ng aking diploma.

Animo La Salle!!!

Ngayon ko napatunayan na ang lahat ng dilim, luha at paghihirap ay may dahilan at may kapalit na ngiti, tagumpay at liwanag!

Salamat Lord!