Sunday, February 27, 2011

Pag-asa nasaan ka?

Nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Di ako nagsimba ngayon. Wala pa laman ang bulsa ko. Hanggat maaari ayokong galawin ang ipon ko. Lord isang buwan na lang po. Nakapagdesisyon na ako sa gagawin ko sa susunod na school year. Pakiramdam ko di ako produktibo. Bahala na si Batman. Natatakot ako sayang yung pera kong pinang-enroll. Di ko kasi alam kung tama yung ginagawa ko. Di naman kasi inedit ng adviser ko nun yung gawa ko. Anyway di naman niya ata trabaho yun eh. Pero bahala na basta susubukan ko pa rin hanggang sa pinakahuling patak ng dugo. Lord help me and guide me. :(

Thursday, February 24, 2011

Ambeth Ocampo will always be one of my idol. :)

Basahin mo, maiba lang :))

Looking Back
‘El coño de Tondo’

By Ambeth Ocampo
Philippine Daily Inquirer
First Posted 01:17:00 08/12/2009

Filed Under: Language

My favorite Manila airport is Terminal 2, better known as the Centennial Terminal, because it is easier to navigate than the others. Best of all, some of its furniture and design details seem to have been acquired from ADP or Aeroports de Paris. One always bumps into long-lost friends here or makes new ones while waiting in line. Yesterday I saw Jose “Pepe” Alcantara, formerly of the Philippine Stock Exchange, putting on his shoes after passing through the metal detector. Each time I see him I can imagine how he endeared himself to his future in-laws by a spectacular linguistic gaffe. Being Ilocano he wanted to impress his girlfriend’s Batangas family by way of Tagalog greetings. He went up to his future father-in-law, then celebrating his birthday, and exclaimed, “Maligayang bati!” By placing the accent on the wrong syllable, the well-meaning “happy birthday” turned into “happy masturbation.” That broke the ice and got him accepted into the family.

William Sabalburo e-mailed from Hawaii to correct some misspelled Iloco words in a previous column. Tamarind is “salamagi” and its plural form is “salsalamagi,” pronounced sal-sal-la-ma-gi with the double “l” emphasized, turning an innocent Iloco word for sampaloc into a vulgar Tagalog word for masturbation. When one crosses over from one region to another, many funny situations crop up, like having a long haircut in Iloco is “nabayag a papukis” that to Tagalogs are anatomical terms best left unsaid.

Kapampangan is one of the Philippine languages spoken fluently by the President who knows that when it crosses over to Tagalog it results in amusing situations. For example, when you take the North Luzon viaduct from the Bulacan side where an egg translates into “itlog,” you will be surprised to be told at the Pampanga end that the same egg has become “ebun”—thus from egg to bird in one short trip. When Kapampangans refer to a time “later tonight” as “potang bengi,” Tagalogs laugh because they imagine a “deaf prostitute” (pota na, bengi pa!). Then, the phrase Tagalogs often ask Kapampangans to translate is “I caught the ball under the bridge” (Asapo ke ing bola king lalam ning tete). The Kapampangan word for “bridge” is the Tagalog word for penis.

Voltaire Oyzon e-mailed a warning that if you go south to Waray country and are given spicy food, remember that “sili” that refers to chili pepper in Tagalog means penis in Waray. Fe K. Gloria said that nobody in Cebu slurps their “sopas.” As a matter of fact, Cebuanos bite into their sopas because the word refers to bread or “tinapay.” There is also some confusion here because the word “langgam” that refers to “ant” in Tagalog translates into “bird” in Cebuano. Thus Tagalogs often search in vain for “flying ants,” to the delight of Cebuanos. While all these linguistic crossovers make us smile, we should take the trouble to reflect on these during August, the “Buwan ng Wika.”

How many Iloco surnames like Biag, Bayag, Penis, Pines and Pecpec have become extinct through change and revision. In my previous column I wrote about an Ilocana who went to court to change her surname “Pecpec” into “Perpec.” Remember Ilocos is a place where a “kapintasan,” the Tagalog word for flaw translates into an adjective for “most beautiful.” No wonder in old Spanish maps of the Philippines Ilocos was spelled with a “y” and became Ylocos that some people said was the contraction of “Ysla de locos” (island of the mad/insane).

Then we have the Spanish to Tagalog crossovers that I have written about before. When in Spain and you see that fluffy sweet cake called “Magdalenas” do not make the mistake of referring to them as “mamon,” which is a vulgar word for breasts. When in Spain you can use the word “pasyal” to mean taking a walk because that comes from the Spanish verb “pasear.” Do not use “maglamierda” because “la mierda” literally means excrement or to be more vulgar about it, shit. While Miriam Santiago is fuming over the television spots of government officials running for higher office in the coming elections, nobody, not even the normally eagle-eyed MTRCB, has noticed the bad word in the Manny Villar ad that seeks to clarify his origins. One line sung in rap says, “akala mo conyo, yun pala taga Tondo.” In Philippine usage “coño” is used to describe “mestizos” or people of Spanish descent who are wealthy, fair-skinned and high-nosed. Contrary to popular belief, Villar is not a coño from Forbes Park but an indio of humble beginnings from Tondo. It may surprise Villar and his copywriters that “coño” in Spanish is a vulgar word for vagina. Thus, Villar as the Coño from Tondo is not what it seems.

Finally, there is newly-minted Tondo-born National Artist for Fashion Jose Moreno, better known as “Pitoy Moreno.” Moreno never uses his nickname abroad because in Spanish “pito” or “pitoy” refers to a penis and “moreno” that Filipinos often think is a surname is an adjective for dark. While we are encouraged to speak the National Language this month, the “Buwan ng Wika,” we must see how other languages translate into Filipino and vice-versa.

http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20090812-219864/El-coo-de-Tondo

Intrams 2011

Masakit ang kaliwa kong mata. Sa motor ko ata ito nakuha. Sa totoo lang ay mas gusto kong magturo kaysa sa Intrams. Nakakapagod kasi ang event na yon. Unang araw ay sumakit ang binti ko. Nakuha ko ata yun sa kakatakbo, kailangan ako sa ganitong laro, sa ganyan at marami pang iba. Hindi madaling maging manager. Lahat sagot mo, lahat ng tanong at pasikut-sikot dapat alam mo. Pati mga laro dapat marunong nga, buti na lang lahat naman alam ko, ngunit mas masasabi ko na lamang ako sa chess. Mas paborito ko ang larong iyon. Nanalo nga rin pala ako sa managers game. Wala naman palang premyo yun, puntos lang para sa grupo namin. Pero malaking tulong na rin yun kesa kung kulelat ako baka hindi kami ang champion. Marami kaming napalanunan, pero marami rin kami ang kulelat. Nabalanse ang scores ng overall buti na lang lumamang kami ng kaunti. Imagine limang puntos na lang. Hay salamat sa Diyos. Tinatamad ako magsulat. Nakakapagod talaga. Sige hanggang dito na lang maglalagay na lang ako ng mga larawan sa susunod na araw kapag okay na ang pakiramdam ko.

Saturday, February 19, 2011

Shooting stars

Kakatapos ko lang magsulat ng teoritikal na papel. Kulang na lang tumulo ang dugo ko sa ilong sa pag-unawa ng mga binabasa ko. Ngunit sa totoo lang wala naman talaga ako nagawa nung nagtungo ako sa Lasalle kanina. Nahiram ko lang yung libro na gagamitin ko para sa teorya na gagamitin ko sa tesis ko. Isang buwan na lang tapos na taning ko. Moment of truth na. Bahala na gagawin ko best ko para matapos tesis ko. May nag-offer din sa akin kanina, guro sa kolehiyo. Di ko alam kung tatanggapin ko. Ang ganda ng mga awitin ng Train. Ngayon ko lang napakinggan ang iba pa nilang awitin ang ganda ng Marry Me. Ayun lang, inaantok na ako. Di ka pa rin umuuwi gabi na. Delikado na. Ingat.

Tuesday, February 15, 2011

Gabi ng Martes.

Mali ata ang napasukan ko. Napapakamot ako at makapakali. Pinipilit kong unawain subalit sa tuwing inuunawa ko ay lalo akong naguguluhan. Bumibilis ang oras ako naman ay bumabagal. Hindi ala ang gagawin, susuko na ba o napapagod lang? Magandang Gabi! Matutulog na ako. :/

Pagkukwento pa rin ang pinakamainam na panglagas mga makikirot na sugat ng paglimot.-

Paglalayag ng isang guro

Limang taon na rin akong nagtuturo sa paaralan tumanggap at nagtiwala sa aking kakayahan. Humubog sa akin mula sa pagiging bagitong guro hanggang sa kasalukuyan na masasabi ko na kahit papaano ay mayroong pagbabago. Ngunit gaya ng dati ay hindi ko na babanggitin ang pangalan ng paaralang iyon sa dahilang baka lalo pa itong makilala.

Puting-puti ang mukha at posturang-postura. Nagtungo ako sa paaralan iyon mula sa Tondo. Dala ang aking resume at lakas ng loob. Iba ang lugar na iyon kaysa sa aking nalakihan. Malaki ang daanan (ngunit may bahaging lubak-lubak), magaganda ang mga tahanan at mukhang maykaya ang mga nananahan. Sinalubong ako ng isang guard at sinabi ko ang aking pakay. Agad niya akong pinagbuksan at tinuro ang opisina ng punung-guro ng paaralan.

Naalala ko pa nun ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, di upang ako ay uyamin bagkus nakapagtataka lamang sa postura at itsura kong bata (noon) na ako ay magtuturo. Kinausap niya ako tiningnan ang aking resume, pagkatapos nito ay bigla niyang sinabi na tatawagan na lang ako.

Gaya ng tipikal na bagong mag-aaral na nagtapos ay hindi na ako umaasang tanggapin. Alam ko naman na babatikusin na naman ang bata kong itsura kasya sa kakayahan kong magturo. Ngunit ang lahat ng aking akala ay mali. Tinawagan ako ng nasabing punong-guro at sinabi na magtungo raw ako muli sa kanilang opisina. At dahil sa kailangan kong magtrabaho ay agad naman akong nagtungo. Hindi ako nabigo sa aking panambitan at ako nga ay natanggap ngunit hindi ko inaasahan na pahahawakin ako ng unang baitang. Nagpaliwanag ako na ako isang guro sa hayskul at di ko nais magturo sa ganoong kababang lebel. Subalit sa pagpapaliwanag ko ay sinabi naman ng puong-guro na pansamantala muna sapagkat wala pang bakante para sa hayskul. At muli kong uulitin dahil kailangan ko ng trabaho ay tinanggap ko ang kontrata.

Naging mahirap sa akin ang pagtutro sa unang taon. Mantakin mo na ituturo ko ang patinig at katinig ng isang linggo. Sa isip ko eh kahit isang araw ay kaya kong pagsabayin iyon ng pagtuturo. Ngunit nagkamali ako, hindi pala ganun ang dulog. Sa paglipas ng araw ay natutuhan ko ang tamang pagtuturo at masasabi ko na ginusto ko na rin iyon. Oo ginusto yung tipong napilitan. Makalipas ang isang buwan ay kinailangan ng bagong guro sa ikatlong baitang. Agham ang ituturo. Kinausap muli ako ng punong-guro at sinabi na ako raw ang napipisil na humawak. Tinanggihan ko ngunit sinabi sa akin na ang pagtuturo raw ay isang regalo. Sa sinabi ng punong-guro ay naliwanagan ako lalo na nang marining ko na nag-aawitan ang mga anghel sa kalangitan. Inaamin ko sa una mahirap ngunit minahal ko ang pagtuturo ng Agham.

Sumunod na taon ay nagbalik ako muli sa pagtuturo ng Filipino, sa pagkakataong ito ay sa Ikalima at Ikaanim na Baitang naman. Nagsimula na rin akong magturo ng Kasaysayan ng Pilipinas at Ingles at Tagalog bilang pangalawang wika ng mga dayuhan. (Koreans) Masaya na mahirap, may mga pagkakataon na mahihirapan kang umisip ng halimbawang pangungusap, magkabisa ng mga petsa ngunit dahil guro ka kailangan mong gawin ang naatas na trabaho. Tumagal ako ng dalawang taon hanggang sa may panibago na namang kontrata, at iyon ang magturo ng hayskul. Gaya ng dati ay tinanggihan ko. Masaya na ako sa elementarya. Madali ang tinuturo at nakahanap na ako ng pamilya. Ngunit dahil sa wala akong magawa ay napilitan akong mag-impake at magtungo sa ibang departamento.

Nakakapanibago, ang lahat ay seryoso, samantalang ako ay tahimik sa isang sulok. Nakikiayon lang sa kanilang mga gusto. May pagkarobot na sumusunod kung ano ang gusto ng sinuman na dapat kong kilingan. Ngunit hindi iyon ang aking layunin. Nais kong itaguyod ang pagmamahal sa sarili nating panitikan. Nakarinig ako ng mga di magagandang salita. Walang kuwenta umano ang isang akdang aking pinabasa. Filipino lang daw yan, minor lang. Tumahimik ako at nagsawalang kibo. Pinagpatuloy ko ang aking layunin na isa o dalawa man sa mga mag-aral ko ay maipakita ko at mapaunawa ko na mahala ang sariling atin, na mahalaga ang ating panitikan. Hindi ako nabigo.

Nasa ikalawang taon na ako ngayon ng pagtuturo sa Ikatlo at Ikaapat na Taon, masaya ngunit nagkaroon ako ng bagong desisyon. Desisyon na maaari kong pagsisisihan o kaya naman ay pasalamatan. Alam ko na nilikha ako na maging isang guro ngunit ang lahat ay hindi nagtatapos sa ganoong salita lamang. Bagamat ako ay iniluwal sa matres ng Tondo kung saan bunga rin nito ang karamihan sa mga kilalang manunulat natin na malaki ang ambag sa ating panitikan at nais kong umunlad. Itutuon ko ang oras ko at dedikasyon sa pagtuturo ng mga espesyal na bata. Naalala ko pa ang unang libro na nabasa ko sa La Salle. Pinamagatan itong Ang Paglalagay Kasama ang Anak ko na Austistic. Mula roon ay nabuo sa aking isipan na balang araw ay haharap din ako sa ganoong uri ng sitwasyon. Hindi ako nagkamali dumating na nga.

Hindi madali ang maging guro. Hindi rin madaling maging ako. Nagpapasalamat na rin ako na bagamat di natupad ang pangarap ko na maging kilalang manunulat ay minsan naging manunulat ako sa mata ng aking mga mag-aaral, kaibigan at mga ilan-ilan na tumangkilik sa aking likha. Mula sa kaibuturan ng aking puso ay mananatili akong guro na may paninindigan dedikasyon at paniniwala sa aking linya- ang pagtuturo at pagpapahalaga sa wika at ating panitikan.

Paglalayag ng isang guro

Limang taon na rin akong nagtuturo sa paaralan tumanggap at nagtiwala sa aking kakayahan. Humubog sa akin mula sa pagiging bagitong guro hanggang sa kasalukuyan na masasabi ko na kahit papaano ay mayroong pagbabago. Ngunit gaya ng dati ay hindi ko na babanggitin ang pangalan ng paaralang iyon sa dahilang baka lalo pa itong makilala.

Puting-puti ang mukha at posturang-postura. Nagtungo ako sa paaralan iyon mula sa Tondo. Dala ang aking resume at lakas ng loob. Iba ang lugar na iyon kaysa sa aking nalakihan. Malaki ang daanan (ngunit may bahaging lubak-lubak), magaganda ang mga tahanan at mukhang maykaya ang mga nananahan. Sinalubong ako ng isang guard at sinabi ko ang aking pakay. Agad niya akong pinagbuksan at tinuro ang opisina ng punung-guro ng paaralan.

Naalala ko pa nun ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, di upang ako ay uyamin bagkus nakapagtataka lamang sa postura at itsura kong bata (noon) na ako ay magtuturo. Kinausap niya ako tiningnan ang aking resume, pagkatapos nito ay bigla niyang sinabi na tatawagan na lang ako.

Gaya ng tipikal na bagong mag-aaral na nagtapos ay hindi na ako umaasang tanggapin. Alam ko naman na babatikusin na naman ang bata kong itsura kasya sa kakayahan kong magturo. Ngunit ang lahat ng aking akala ay mali. Tinawagan ako ng nasabing punong-guro at sinabi na magtungo raw ako muli sa kanilang opisina. At dahil sa kailangan kong magtrabaho ay agad naman akong nagtungo. Hindi ako nabigo sa aking panambitan at ako nga ay natanggap ngunit hindi ko inaasahan na pahahawakin ako ng unang baitang. Nagpaliwanag ako na ako isang guro sa hayskul at di ko nais magturo sa ganoong kababang lebel. Subalit sa pagpapaliwanag ko ay sinabi naman ng puong-guro na pansamantala muna sapagkat wala pang bakante para sa hayskul. At muli kong uulitin dahil kailangan ko ng trabaho ay tinanggap ko ang kontrata.

Naging mahirap sa akin ang pagtutro sa unang taon. Mantakin mo na ituturo ko ang patinig at katinig ng isang linggo. Sa isip ko eh kahit isang araw ay kaya kong pagsabayin iyon ng pagtuturo. Ngunit nagkamali ako, hindi pala ganun ang dulog. Sa paglipas ng araw ay natutuhan ko ang tamang pagtuturo at masasabi ko na ginusto ko na rin iyon. Oo ginusto yung tipong napilitan. Makalipas ang isang buwan ay kinailangan ng bagong guro sa ikatlong baitang. Agham ang ituturo. Kinausap muli ako ng punong-guro at sinabi na ako raw ang napipisil na humawak. Tinanggihan ko ngunit sinabi sa akin na ang pagtuturo raw ay isang regalo. Sa sinabi ng punong-guro ay naliwanagan ako lalo na nang marining ko na nag-aawitan ang mga anghel sa kalangitan. Inaamin ko sa una mahirap ngunit minahal ko ang pagtuturo ng agham.

Itutuloy-

Monday, February 14, 2011

Mga Larawan sa Pader

Sir Lian, Sir Paul, Sir Martin, Sir Louie, Sir G, Sir Andrew, Sir Chris and ME :))





JS.

Hindi niya lubhang maisip kung bakit sa mga bagay na ipinakita niya ay hindi pa rin naging sapat para sa iba. Habang tumatagal ay lalong nagiging malinaw sa kanya ang lahat ng mga bagay na nais niyang mangyari. Gabayan nawa siya ng Maykapal.

Alas-tres na nang ako ay makauwi. Bagamat kaunting tulak na lang ay tila matutumba na ako sa aking kinauupuan ay pinilit kong aliwin ang aking sarili sa pamamagitan ng pakikipag-usap kay Brother Ernie. Sa totoo lang ay hindi ko na gaano nauunawaan ang kanyang sinasabi. Kauti na lang talaga at tutumba na ako. Dahil na rin sa takot sa pag-uwi sapagkat delikado na ay nilabanan ko ang nasabing antok, daig ko pa si Don Juan na nakikipaglaban sa awit ng Adarna upang hindi siya maging biktima gaya ng kanyang dalawang kapatid na naging bato. At sa tulong na rin na mahiwang mineral water ay naibsan ang aking pagod at antok at nakauwi ako ng ligtas sa aming bahay. Narito ang ilan sa mga larawan na aking nakuha noong nakaraang JS Prom (Promenade).









Sunday, February 6, 2011

Simba-

Huli na ako nang makarating simbahan. Di ko ba alam kung ano ang nangyayari sa akin. Ako ay naguguluhan. Kung pagalingan lang ng pagtago ng nararamdaman, palagay ko, magaling ako riyan. Makalipas ang ilang buwan pagluha ay masasabi ko na nakalimutan ko na ang lahat. Okay na ako. Naghilom na ang sugat. At alam ko sa sarili ko na may dahilan ang lahat. Kasalukuyan akong gumagawa ng akong tesis ngayon. Nahihirapan ako inaamin ko. Minsan mas gugustuhin ko na lang matulog nang matulog ngunit naiisip ko na mapapahiya ako pag di ko natapos yun. Sa totoo lang wala ako masyado pakialam sa pagkapahiya, mas may pakialam ako sa pera kong nagasta. Limang taon na akong nagtatrabaho subalit ramdam ko na ang bagal ng paglago. Nakahanap ako ng isang tahanan na humulma sa aking pagkatao, bilang si Yuan at bilang si Sir Yuan. Ngunit di pa rin sapat. May kung anong sakit pa rin ang dapat pagalingin. Tatanggapin ko na lang ba ang kamalian at yayakapin? Di ko alam, minsan maprinsipyo ako. Parating na naman ang Araw ng Puso. Malamig ata ang Velentines ko. Okay lang nariyan naman si Obama at ang pamilya ko.

Patawarin ninyo po ako sa aking mga kasalanan at tulungan ninyo po akong mapaunlad pa ang aking sarili.

Saturday, February 5, 2011

:(


Nakatingin sa monitor, nag-iisip ng gagawin. Pinipilit na gumana ang isip ngunit wala pa rin. Tila nais ko nang sumuko, di ko alam kung paano tatapusin. Pinasok ko ba ito at tatakbuhan na lamang? Sana ay biniyayaan ako ng utak na walang kapantay. Alam ko na may dahilan po Kayo. Salamat.

Di ako sanay na ganito kaikli ang post ko.