Saturday, November 26, 2011

Rob Place Manila :)

Nahuli ako sa usapan na alas kuwatro. Gaya ng dati walang pagbabago. Artsita na raw ako purke MA na ako. Pero di ko pa naman nakikita sarili ko maliban na lamang kung matapos kong maayos ang pinapagawa ng mga panelista. Masalimuot subalit maraming break na nakaabang, nasaakin na lang kung kukuhanin ko. Sayang ang PLM, di ko nakuha ang slot, tinamad na kasi akong mag-edit. Di ko na nakuha ang pwesto na para sana sa akin. Dibale may susunod pa naman. Bukas ay pupunta ako sa book launch ni Ricky Lee, excited ako at sana mabigyan din ako ng break na makasulat ng malikhain, yun ang goal ko. Bahala na kung para talaga sa akin iyon. Nag-enjoy ako kanina sa ROb Place Manila kasama ang mga college friends. Saka ko na itutuloy ang kuwento, inaantom na ako.

Thursday, November 24, 2011

Final Defense

Pagkatapos ng mahabang proseso ng paghihintay ay umabot na rin ako sa huling depensa. Iyon nga lang kala ko doon na nagtatapos ang lahat subalit marami pa ang pinapaayos. Salamat sa mga nakaalala na bumati at gayudin naman sa mga hindi. Masalimuot ang proseso na aking pinagdaanan para lang mabuo ang aking tesis. Pero pakiramdam ko pinagbigyan lang ako ng mga panelista ko para matapos na. Sabi nga naabi ko na di pa rin ako magtatapos hanggat di ko na-edit ang mga pinagagawa nila. Salamat sa taas sapagkat ipinag-adya niya na matupad iyon. Nanganguhulugan na iyon ang gusto niya.

Samantata makalipas ang mahabang sakit na aking nararadman ay masasabi ko na tinapos ko na. Wala na akong balak pa balikan ang nakaraan ko Pakiramdam ko kasi di ako uunlad kapag nakakapit lang ako sa mga pangyayari na iyon. Malinaw na rin sa akin kung ano ba ang papel ko sa mundo. Sana nga lang ang mga taong nakalimot ay muling magparamdam at ang mga taong di pinansin ang nagawa ko ay okay lang naman. Pana-panahon lang yan. Ang hirap sa larangan ko kanya-kanya sila ng pasikatan. Sila na lang. Pagbubutihan ko na lang maging guro at kung kakatok talaga sa akin ang pagsusulat nangangahulugan na akin talaga iyon. Sige ayun lang blogspot.

Salamat po Lord! Nauunawaan ko na po kayo.

Friday, November 11, 2011

11/11/11


My wish is still the same, nothing change. Hoping that everything will fall on the right place. Thank you God!

11.11.11




11/11/11

Kung mabibigyan lang ako ng chance na baguhin lahat ng mistakes na nagawa ko sa buhay ay inayos ko na. Di ko alam karma ba ito o parusa. Anyway, after ng holdup incident ay tulala pa rin ako at di ko alam kung paano ako magsisimula ulit. I'm no longer bitter with the material things na nawala sa akin. Kaso yung trauma na naiwan sa akin yun ang di ko pa alam paano ihandle. Gusto ko magcommute pero di ko alam kung paano, natatakot ako. Actually two days na akong nakakulong sa araw. Lumabas lang ako kahapon para bumili ng phone para incase may magamit naman ako para sa mga importanteng lakad. (take note may kasama pa ako) Medyo nakakabagot sa bahay, kung ano ano naiisip ko. Di ko maintidihan ang nangyayari sa akin, minsan naiisip ko masamang tao ba ako bakit sunod-sunod ang dagok sa buhay ko. haha! As in dagok ang term. Ayoko na sana seryosohin mga bagay-bagay kaso in the end pag matutulog na ako dun din ako naglelead. Medyo magaan ako magsulat dito, nasa secret blog ko nakatago ang lahat ng emotions na di ko malabas. haha! Ayoko naman isipin ng mga babasa nito na di ako makaget over sa mga bagay-bagay. Maybe I just need one person naiintindi sa akin at magbabalik sa dating ako. Tao na tatama sa pagkakamali ko. Kaso wala pa siya di ko alam if darating ba, kailan ba, baka natraffic o kaya baka may pinutahan pa, baka naman di pa time or baka natutulog pa o baka busy pa, baka nahihiya lang din siya parang ako. Paano ko kaya matatapos ang taon ko na wala akong kagalit, lahat ng trials ay nalagpasan ko. Di na ako bitter sa mga bagay, kaya ko ng tanggpin na wala na ang isang bagay/tao sa buhay ko, na baka pinadaan lang for a reason.

Paano ko aayusin muli ang sarili ko na everytime na matutulog ako ay may burden sa puso ko, sa isip ko. All in all minsan pakiramdam ko ako na lang mag-isa. Di naman ako pwede magkuwento sa iba. Paano yung iba gagawing tsismis lang yung iba naman matatawa, madrama at iang iba ay pagod na. Sana nga mapagod na ako at may dumating na bagong tao o mga bagong tao sa buhay ko.


Makita Kang Muli- Sugarfree- sarap pakinggan

Tuesday, November 1, 2011

DLS

Sulit ang bakasyon ko, bagamat di ganun kalaki ang pera ko ngayon ay kahit papaano ay nakakapagtabi rin naman kahit kaunti. Namiss ko tuloy ang Korean class ko. hehe! Anyway past is past, tapos na yun. Ilang buwan na lang at matatapos na rin naman ang taon at mula roon ay maaari na akong magdesisyon ng bagong hamon sa aking buhay. Ang drama. Wala akong ginawa kundi matulog, nagcocontest kami nung aso namin na pahabaan ng tulog, syempre talo siya. hehe! Nakapagsimula na rin ako sa mga paper works pero ayoko pa tapusin, katamad eh. Gusto ko pag bakasyon, bakasyon. haha! Nakapag-ayos na rin ako ng gamit ko at kung ano ano pa! O sige dito na muna, wala ako maisip na maisulat. :)

November 19, 2011 is the day! :)