Friday, April 22, 2011

Visita Iglesia

Kakatamad magkwento, basta kada-taon panata na namin ang Visita Iglesia, labing apat ng simbahan ang pinupuntahan namin na naglalakad. Ilan lamang yan sa mga larawan. Mabagal ang pag-upload kaya yan lang ang mababahagi ko sa inyo. Late na kami natapos 1:00 na, dapat till 12 lang sarado na kasi yung mga simbahan. kkk-bye!





Tuesday, April 19, 2011

April 18, 2011

Galing ako sa Shangri-la kagabi. Maaga pa lang inayos ko na yung gamit ko, natulog din ako sa tanghali para fresh. Kinuha ko yung isa sa mga magaganda kong damit. Yung bago kong damit, dapat ung fit sa katawan ko. Natulog ulit ako after nun, kahit di siya nawawala sa isip ko nagdadasal na lang ako. Then 4pm nag-ayos na ako. Di ko talaga alam yug heat sa Shangri-la kaya dapat maaga ako. Pag dating ko dun kinakabahan ako di ko alam kung makakatulong ba yung gagawin ko hindi. So naghanap ako ng bulaklak, di ko alam kung ano gimik gagawin ko basta may baon akong papel. gunting at ballpen. Ready ako to write kahit saan ako datnan. So bumuli ako sa 3rd floor shang, ang dami kong binili, natutuwa yung babae, para raw ba sa gf ko, napangiti lang ako. Tinulungan nya ako mag-ayos ng bulaklak kaya medyo nagtagal ako. After nun hinanap ko na yung heat, una ayaw ako papasukin tapos nakiusap ako okay naman. Kahat natutuwa sa nakakakita sa kin. Swerte naman ng bibigyan kom tahimik lang ako at kinakabahan. Pagdating ko sa heat mismo, natutuwa ung mga tao, sayang daw wala ako dun kaya di ako makikita na nagbigay. Sabi ko lang galit siya. Tapos umalis na ako sa Shang hotel, nagpunta na lang ako ulit sa Shangri-la mall. Nakatambay hanggang mamaya nagtext siya. Di raw siya natutuwa, natunaw puso ko pero tumahimik na lang ako. Maya-maya galit na siya itigil ko na raw pagbibigay sinira ko raw araw nya. Kahit naiiyak na ako tumahimik na lang ako. Umuwi ako tapos mya after 2 hours nagthank you sya sa akin tapos, friends na lang daw. Nasasaktan ako kasi pinagpalit niya ako sa isnag tao, dati muntik na rin niya magawa un naagapan ko lang, ngayon ayaw na niya akong makita, ni makausap. Painful.. Unfair.. Lagi na lang niya ako nasasaktan..

Sunday, April 17, 2011

Palm Sunday '11

Check, okay na ba? :)) Ayan bago ako matulog, gusto ko na lang ishare mga nangyari sa akin today. Ayun nga nabigo na ako sa pag-ibig nabigo pa ako sa pagiging writer. So di na ako magiging makata, ala na naman sense. Di ko na tatapusin masters ko, di naman ako motivated sa adviser ko. Ni di nya nga inedit eh. Anyway may fault din ako. Aga ko kanina sa chruch, dami tao, palaspas pala ngayon, ay este Palm Sunday, mas sosyal. Ayun nagpunta ako sa kaibigan ko muna, magsisimba din un ayun nagdodota pa so habang naliligo sya ako muna naglaro ng character nya. Muka wala na talaga chance, pero nagreply siya. Di rin umulan, dble may bukas pa. Mukang pinamomove on na talaga ako. Di ko alam kung ano susundin ko puso ko ba o isip ko. God alam ko pa naguguluhan din kayo sa akin, pero alam ko di nyo ako iiwan. Kayo na bahala bukas, susundin ko ung nanay nya respeto na rin. Magbibigay ako bulaklak pag after nun wala talaga uuwi na lang ako mag-iimpake.. haha! Last na yun respeto sa nanay na lang. Mahal ko rin naman si Tita Jenny, hinarap naman niya ako bilang tao, kaya dapat maging tao na rin ako, at harapin ang sarili kong problema. Maayos to, tyatyagain ko yung one week na ayusin ko sarili ko. Total naman nawala na lahat, paninindigan ko na para isa na lang... God mahal na mahal ko po kayo! Sana yung test na toh malagpasan ko na. Nyt po! Nyt kung may nagbabasa man. :)

Friday, April 15, 2011

Wag ka nang Umiyak..

Isa sa paborito kong kanta ngayon, at dati pa. Parang di lang siya pang GF, pang kag God siya. Astig :)

Wag Ka Nang Umiyak – Sugarfree

Wag ka nang umiyak, sa mundong pabago-bago
pag-ibig ko ay totoo
ako ang iyong bangka, kung magalit man
ang alon, ng panahon, sabay tayong aahon

[chorus]
Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Di kita bibitawan

Wag kang umiyak, mahaba man ang araw
uuwi ka sa yakap ko
wag mo nang damdamin kung wala ako sayong tabi
iiwan kong puso ko sa yo
at kung pakiramdam mo’y wala ka nang kakampi
isipin mo ako dahil puso’t isip ko’y
nasa yong tabi

[repeat chorus]

…di kita pababayaan

Kapit ka, kumapit ka
(para sa buhay ng buhay ko)



http://www.youtube.com/watch?v=19L3yVbiAic

Proud.

Thank you God muna ang bungad ko, di dahil okay na kami pero magaan ung pakiradam ko. Babalik na ako sa work, magdadasal na lang ako lagi. Nagpunta ako kanina sa Mega Mall, nakausap ko na yung mama niya, di ko na tatagp total naman legal naman kami talaga. May nasabi na siya na negative sa akin pero ano gagawin ko nasabi na, buti na lang hinarap ako bilang tao ng mama nya. Kanina nalate ako sa Mega, nakakahiya sa mama nya pero sinulit ko na lang pagiging makapal mukha. hehe! Okay na kami, nagsorry na siya kagabi sa mga sinabi niya natuwa naman ako. hehe Pero wala na raw siya maramdaman nirespeto ko na un.Basketball player daw ung guy, pakialam ko titser naman ako. Grabeh pag babalikan ko ang dami ko ng sacrifice para maprove na mahal ko siya kaso wala eh, mukang tadhana na gumawa ng way para maghiwalay kami. Alam ko sila na nung guy tinatago na lang sa akin un, okay lang makakahanap din ako ng iba. Gusto ko lang iprove kay Tita Jenny na di akong masamang tao kahit ano pang negative sinabi niya. Pagdating ko sa Mega akya kagad ako sa apple sabi ko bibili ako i tunes card paborito nya un kaso alang 50 dollars kaya 100 dollars na lang binili ko. :)) Yaman ko noh bongga! Nagsunog ako ng pera sa isang tao. Anyway pinag-isipan ko mabuti yun, its a choice wala ako hinhintay na kapalit. Gtso ko lang iprove sa lahat na kung ano man ung naging ending namin mas nangingibabaw pa rin ung kabutihan. Pagdadasal ko na lang siya dahil sa kanya mas lalo akong naging strong sa faith ko sa taas Wala ako sinisisi sa nangyari, taas na talaga cguro gumawa ng way. Kung kami talaga kami pa rin sa dulo walang makakapigil un. Salamat sa lahat ng nakinig sa akin, kay Zieg, kay Ly, kay Julie kay Doc ed, kay Clare, at iba pa. Kahit ala anamn sila idea sa nangyayari sila ay nakinig sila sa akin sa problema ko. Hanggang ngaun kinukulit pa rin nila ako kung ano pa problem ko kaso akin na lang un, saming dalawa na lang un. Intense pala talaga pag kasama ang nanay sa issue hehe.. Natatawa na lang ako sa lahat ng nangyari, sorry sa nasaktan, sa mga nasabi at sa mga naloko. Maging masaya tayo sa buhay, sabi ng mama ko dati sa kapatid ko, isang lang nawala, mas marami kaming nagmamahal sayo. God salamat at patatagin nyo ako sa mga susunod na araw, pigilan nyo ako na gumanti sa halip gawin ung mga good deeds na itinuro nyo sa akin. Bumili rin ako ng fan kanina para sa mama ko, tapos bibili sana rin ako ng ticket na The Script kaso wala na raw.. haha sayang pangbigo pa naman ung kanta. Di na rin nagreply adviser ko pababayaan ko na tesis ko. Magsisimula ako ng bago, sisimula ako sa sped. Salamat lahat sa panahon God na wala na akong makapitan pinatatag ninyo ako. Dinggin nyo po ang lahat ng prayers ko. Mahal na mahal ko kayo, pamilya ko, kaibigan ko at siya..

Ipinagmamalaki ko na nabigo man ako, ay minahal ko nang siya ng lubusan.

Though we separate ways I know God has a better reason for the both of us. Bye babe, I love you so muchhh! :)

Signing off,

Jedi Night.

Thursday, April 14, 2011

< / 3

Sa totoo lang di naman ako naiiyak, malapit na mawala ung broadband ko, papaputol ko na to, ayoko naman ng everytime na magbabayad ako makikita ko nakapangalan sa kanya 2 days na ako di pumapasok. Di naman ako naiiyak for some reason di ko alam, parang mas masakit ata pag di mo nalalabas sa iyak. Galing ako sa St. Jude. Gaya ng dati ang daming tao, minsan tinitingnan ko lang mga tao, naiisip ko ang dami-daming nagdadasal paano kaya nasasagot ni God lahat ng iyon, paano kaya niya itretreat yung mga sagot sa tanong ng tao. Dati may kasama ako sa pagpunta dun, isa lang ang goal ko nun, masama siya. Di naman ako nabigo pero madalas nagtatalo kami lalo na pag late na siya dumarating Malungkot pa rin pala ako. Kala ko mareresist nya ung temptation. Di pala. Sumama na naman siya sa iba. Di na ako nagagalit, mabigat lang kalooban ko. Di ko na rin muna oopen yung FB ko, kahit ngayong semana santa lang sacrifice. Last week okay pa kami, nakatingin ako sa kanya tapos nanonood kami ng tv pero medyo cold na siya. Nakakaramdam na ako ng iba. Then umuwi ako na di man lang niya ako hinabol tapos ayun kinabukasan sumama na siya sa iba. Kala ko same guy di pala same name rin. Mahilig siya sa Mark at sa pagpili niya sa mg aiyon ay iiwan niya ako at mag-iiwan naman ng mark sa puso ko. Konrni! haha! Pero sa totoo lang everyday of my life sana may kumumpleto sa pagkatao ko. Di ko alam kung ano na ginagawa nila ngayon. Pero kilala ko siya madali siya madala sa pakita ng kung anu-ano. Dun ako natatakot na baka abusuhin siya. God ilang beses ko na po siya pinagdadasal sa ainyo. Na siya po yun pangarap na babae sa buhay ko, pero parang di ata siya ang pangarap nyo sa akin. Bakit ko po siya nakilala kung sasaktan nya lang ako. Umaasa pa rin ako sa Lunes, invite nya ako sa grad nya. Ang tagal ko nang hinitay un.

Tuesday, April 12, 2011

Sakit sa ulo ng translation hehe! :))

Like a Rose – Repablikan Song and Lyrics Code

Tumingin sa salamin may isang
AngheL na dumating padala ng
Diyos para sa akin upang ako’y
Mahalin at kung ikaw ay masaya

Sige Tumawa ka i lakas mo pa
Isigaw mo pa mahal mo kong
Talaga minamal naman kita
Bakit ako’y iniwan mo
Now i realize to make apologize

Wala kang kwentang girl
Ayoko na sayo ako’y niloloko mo
mahal na mahal pa naman kita
Bakit ako’y iniwan mo nasasaktan ako
Sa mga pinagagawa mo
Ayoko ng umasa sayo nasasaktan ako
” Oh Honey ko ”

Tumingin sa salamin at naalala
Ang gabing ang yong
Mga tingin mukhang naglalambing
Sa akin damdamin at naalala mo pa ba
Nung kailan lang ay tayo pa
Minamahal kita at minamahal mo sya
Nag mukha akong tanga

Minahal naman kita bakit
Ako’y iniwan mo
Ang Puso kong ito ikaw ang mahal
Bakit di pa nagtagal
Ayoko na sayo Ako’y niloloko mo

mahal na mahal pa naman kita
Bakit ako’y iniwan mo nasasaktan ako
Sa mga pinagagawa mo
Ayoko ng umasa sayo nasasaktan ako
” Oh Honey ko ”

Ayoko ng umibig sa isang katulad mo
Pagkat Ako’y
Seryoso na at hindi ng loloko

Ayoko na sayo ako’y niloloko mo
Mahal na mahal pa naman kita
Bakit ako’y iniwan mo nasasaktan ako
Sa Mga pinagagawa mo
Ayoko ng umasa sayo nasasaktan ako
Oh Honey ko
( Oh Honey ko )

Ayoko ng umasa sayo nasasaktan ako
Oh Honey ko



Listen to Songs: http://videokeman.com/repablikan/like-a-rose-repablikan/#ixzz1JOWyQVli

The World Loves ME :)

Okay Blogspot, are you ready? Sige ako na madrama, puro drama na lang yung nakalagay sa blog ko. Anyway sawa na akong sumakit ang ulo ko. Isa lang naman ang problema ko na nagpapabago ng mood ko, na sumisira ng dreams ko. Ayoko magsabi ng tapos pero di na ako nasasaktan. Konti oo, pero wala ng kirot. I guess pinanday na ako ng pagkakatan. Last April ito rin ang issue ko, grabe iyak ko nun syaka sacrifices ko nun. Nagbunga naman, pero palagay ko time na ngayon para magkaroon ng self realization para s amga bagay. Ano ba ang mas mahalaga. Ang pamilya ko, karera ko o siya. Pag siya pinili ko wala akong assurance lahat pa ng plans ko nasisira sa kanya. So to end up my blog. Salamat sa lahat ng tao ng tumulong sa akin at sorry sa lahat ng nasaktan ko. Kay cherra, sorry! Sinadya kong palitang ang pangalan, kay tita at tito J, salamat din at sorry. Minahal ko po ang anak nyo ng lubuasan at totoo pero last na to na magbabahagi ako tungkol sa kanya. Bye! :)

Monday, April 11, 2011

Tumblr! :)

The best relationship is when you two can act like lovers and best friends. It’s when you have more playful moments than serious moments. It’s when you can joke around, let each other have piggy backs, have unexpected hugs and random kisses. It’s when you two give each other that specific stare and just smile. It’s when you’ll rather stay in to watch movies, eat junk food and cuddle, than go out all the time. It’s when you’ll stay up all night just to settle your arguments and problems. It’s when you can completely act yourself and they can still love you for who you are.


Bahay-La Salle- SM- St. Jude :)

Nakatakda akong magtungo sa training mamaya para sa Sped. Di ako dumalo. Sinadya ko na gumising ng tanghali upang magnilay-nilay. Nakahiga lang ako at nagsimulang nagdasal. Matapos ng ilang minuto ay bumaba pa ako at hinawakan ang aso. Humalik sa akin ang aming aso. Naglalambing. Maya-maya pa ay naligo na ako, plano kong magpunta sa La Salle upang kausapin ang adviser ko. Pagkarating ko dun may meeting siya. Nagkulong ako sa library. Nagcomputer at nagpalamig. Maya-maya pa ay kumain na ako. Pagkatapos kong kumain ay nagtungo ako sa department ng Filipino. Nakita ko ang mga dati kong kaklase, nakakatuwa lahat kami andun. Parang reunion. Nagpasamang kumain sina Rowie. Natuwa naman ako dahil may kasama ako. Pagkatapos ng mahabang kwentuhan ay bumalik na sila para magtrabaho. Naiwan na naman ako mag-isa. Ayoko pang umuwi kayat bumalik ako sa canteen para tumambay. Nakita ko si Dr. F. Kumaway naman siya. Tahimik lang ako na mag-isa. Nagtetext ng kung sino-sino. Maya-maya pa ay tinawag ako ni Dr. F. Kinausap ako at maya-maya pa ay nakita ko si Alvin. Nakakatuwa, lahat kami nandun. Maya-maya pa ay aalis na silang magkakasama, naiwan ulit akong mag-isa. Nagpunta ako sa SM naglibot at nagpasya akong mag St. Jude kahit naman hindi Huwebes. Dun ako nagtagal ng tambay. Kung alam lang at nauunwaan ng mga tao ang struggles ko ngayon. Siguro marami akong makakausap. Pero kaya ko, to naulit na lang eh. Dati mas masakit pero ngayon, masasabi ko na nagagamot ng pagdadasal lahat.

Saturday, April 9, 2011

Sakit ng kamay ko :(

Hindi ko alam ngunit iba sila magsalita. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan mayroon sila at may nabunot na tinik sa aking lalamunan. Tatapusin ko ang araw na ito na nakatayo ako. Tama nga sila may buhay pa pagkatapos ng unos.

Hindi ako makatulog kagabi, di ko pa rin inaasahan na mauulit muli ang kinakatakutan ko. Sumama na siya sa iba. Masakit man ay pinilit kong maging matatag. Naging malikot ako sa pagtulog. Nagdadasal at laging umiihi hanggang sa makita ko na lang ang aking sarili na umanga na pala. Pinilt kong ipikit ang aking mata upang magkaroon ako ng sapat na lakas para sa isang pagkikita. Maaga akong naligo at agad na nagbihis. Gaya ng dati ay bitbit ko ang pag-asa. Ang pag-asa na maayos ang lahat. Maya-maya pa ay nakita ko si mama, napansin niya na umiiyak ako. Sabi niya hayaan ko na raw siya. Nakinig ako sa payo niya at sa payo ng ibang tao sa paligid. Sakay ng fx ay nakinig ako sa aking i-touch. May kung ano na bumubulong sa akin habang nangingilid ang aking luha. Pinigilan kong maging emosyonal dahil nakakahiya sa mga pasahero. Nakarating ako nang maaga sa aking pupuntahan. Kumain ako ngunit di ko malasahan. Iyon ang paborito kong meal, ngunit ngayon ay di ko naubos. Naghintay ako nang matagal sa aking dapat kausapin. Ang nasabi ko sa sarili ko ay di ako gaano kahalaga sa kanila kaya hayaan ko na lang. Nilibang ko ang aking sarili. Itouch, music at games, wala pa rin sila. Nag-ikot ako sa lugar na iyon, bumabalik sa akin ang mga alala na dapat ko na bang kalimutan o asahan. Maya-maya pa ay wala na akong mapuntahan, halosa lahat ay nalibot ko na, nang makatanggap ako ng text, parating na sila. Lumabas ko ng mall na iyon at naghintay ngunit kahit matagal ay nagtiyaga ako, maya-maya ay bigla silang dumating. Isang ngiti at pangangamusta ang bati nila sa akin. Pagbati naman ang aking binalik bilang paggalang. Agad nila akong kinausap sa nangyari. Nagtungo kami sa isang lugar na dati na naming napuntahan. Kasama ko siya dati dun kaya di maalis na maalala ko siya. Nag-usap kami kung ano ba ang katotohanan, ngunit pare-pareho kaming walang ideya. Naguguluhan. Pagkatapos kumain ay sinama nila ako sa kanilang bahay na malayo na sa Maynila. Malaki na ang pinagbago, may sand and gravel na business na. Wala na rin ang mga damo. Dumalaw kami sa sementeryo. Pinakilala nila ako sa lola niya. Nagdasal ako at nagpasalamat. Humingi ng tawad sa lahat ng pagkakamali. Matapos nito ay umuwi na kami, kala ko ay matatapos na ang lahat doon. Niyaya pa nila akong kumain, Nagpalitan kami ng kuro-kuro at isa lang ang madalas kong sabihin ingatan nyo po siya.

Itutuloy-

Friday, April 8, 2011

Drops of Jupiter

Dear Blogspot, di ko deserve tong treatment na to. Alam ko tinitest ako ng taas. Kaya ko 'to. Dumating na naman yung time na kinakatakutan ko. God alam ko may reason kayo. Di ko na alam kung sino ang paniniwalaan. Lahat na lang way ginawa ko just to be with you pero you dont value me. Habang ginagawa ko to gusto ko magalit sa mundo. Sabi nila gawin mo yung best mo kung gusto mo makuha yung isang bagay, ginawa ko naman lahat pero in the end nasaktan pa rin ako. Lahat ng bagay pinilit ko baguhin at magadjust para sayo pero binalewala mo ako. Gusto ko magwala, gusto ko magbasag ng gamit, wala ako makausap nang maayos lahat pinagtatawanan ako sa katangahan ko. Nalulungkot ako kasi walang nakakaunawa sakin.. Lord bat unfair ang life.. Tulungan nyo po ako na makabangon ulit sa lahat ng nangyayari sa akin. Wala na akong makakasama ngayon. Di na rin ako pwede mag-open up sa mga tao kaya iboblog ko na lang lahat. Help me God. Kaya ko to.........

Get Down ng BsB

Mukang mapupuno na naman ng kalungkutan tong blog ko. Napansin ko tuwing gumagawa ako ng thesis at April lagi ako nalulungkot at broken hearted. Kakatapos ko lang makipag-usap sa kaibigan ko. Tama nga siya, mali ako. Ayoko na masyadong sumakit ulo ko sa isang tao. Halos lahat ng effot ginagawa ko para sa isang tao. Oo siya na naman laman ng blog na to, laging siya na lang, Biktima na lang ako lagi ng mga nag-aaway. Lagi na lang ako nasasaktan sa iisang tao. Panahon na ba para magmove on talaga ako at maghanap ng iba. Hanep sa kanta Backstreet Boys. Parang ako laging back sa iiisang tao. Di ko makita ung reason kung bakit ganun. Basta di ko hahayaan na masaktan ako agad ng mga tao sa paligid ko. Kung sa kanya talaga masaya ikaw bahala. Papakita ko rin sayo na kaya kong bumangon. Pagkatapos ng lahat iiwanan mo ako. Ganun-ganun na lang. Hahahayyyy.. Baka nga si ano na lang pag-asa ko haha! BB!

Thursday, April 7, 2011

Di pa ako kumakain-

Frustrated ako sa tesis ko. Bagamat di pa ako nakakausap ng adviser ko sa personal ay makahalugan ang mensahe niya sa email na kakausapin niya ako sa Lunes. Kung hindi naman talaga uubra bakit ko pa pagpipilitan sarili ko dun. Hahanapin ko na lang yung lugar ko saan ako magkakapera ng malaki. Kasalukuyan akong mag-isa sa bahay, kasama ang aso namin. Kakatapos ko lang din maligo subalit di pa ako kumakain. Wala akong gana. Ang gusto ko lang magsulat. Nais ko lang ilabas lahat ng sama ng loob ko. Dibale sa Lunes may training na ako, so magiging abala ako at di ko na maiisip ang bagay-bagay. Ang mga alaala na dapat ay kinakalimutan na. Pakiramdam ko tuloy may selebrasyon ako ng pagkabigo ko kada-taon. Nakakatawa pag nalulungkot ako The Man Who Can't Be Moved ang pinapatugtog ko kahit sampung ulit pa, okay lang. Ang hirap pag lumalaki ka lalong nagiging komplikado ang buhay. Minsan gusto mo instant pero di pwede eh. Dapat paghirapan mo muna ang mga bagay. Dapat magsakrpisyo ka nang maraming beses para maabot mo yung tagumpay. Nagsisimulang nang sumilip ang luha sa aking mga mata. Nagiging malalim na rin ang paraan ng aking pagusulat, Sana balang araw makita ko si paraluman, yung mamahalin ako ng tulad ng pagmamahal ko. God, gabayan ninyo po ako. Kung mabigo man ako tulungan ninyo akong bumangon.

April na pala.


Larawan ng Nakaraan

Halos mag-iisang taon na ang nakalipas nang naguluhan ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Ang bilis ng panahon, parang kelan lang masaya ako ngayon malungkot na naman ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang makakapagpasaya sa isang tao, pera nga ba o pagmamahal. Hindi ko pa rin pinapalitan ang background music ko. Swabe ang tono at mga linya ng kanta, mas ginaganahan ako magsulat. Dalawang linggo na lang nang magsimulang gumuho ang mundo ko. Nang iniwan mo ako at nagpasya na sumama sa iba. Alam mo ba naramdaman ko nun? Maaaring hindi kasi manhid ka. Maaaring di pa nga ako ganun na nakakalimot ngunit araw-araw ay nagdadasal ako na makalimutan na ang masakit na nakaraan at maging maayos na ang lahat para sa akin at para sa iyo. 22 ang araw na pinakahihintay ninyo nun samantalang ako ay kung anu-ano ang pumapasok sa aking isipan. Sana ay matahimik na lahat. Lumayo na ang mga nanggugulo at di makontento at rumespeto sa relasyon ng iba. Nangingilid ang luha ko habang ginagawa ko ito. Ngunit ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay. Narinig ko malapit ka na raw lumisan. Tutungo ka na sa ibang lupain, samantala ako ay maaiwan dito, aabutin ang pangarap at umaasa na mamahalin mo ulit ako gaya noon kung paano tayo nagmahalan. Di makatkat sa aking isip kung ilan beses ka ba niyang niyakap at ilan beses ba niyang sinabi na mahal ka niya, ilan beses na lumapat ang kanyang labi sa iyong mga labi. Ilan palabas ba sa sinehan ang pinanood ninyo. Ilan beses ba kayong humalakhak samantalang ako ay nangungulila. Mga tanong na di maalis sa aking isip. Sana ay maging tapat ka sa iyong ginagawa. Gawin mo ang nararapat. Ilan lamang ako sa mga tao na umaasa na may magmamahal sa akin gaya ng pagmamahal na kaya kong ialay. Ang lahat ng nangyayari sa akin ay pinapasaKanya ko na lang. Kung ano ang kaloob niya. Sana mas gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ko gawin ito. Sana ay mahalin mo rin ako ng higit pa sa pagmamahal ko at pagmamahal niya.



Wednesday, April 6, 2011

Nagdodownload ng kanta

Makalipas ang ilang linggong pagiging abala ay eto na naman ako, basang-basa sa ulan. Charot! Nakapagpahinga ako ng sandali lamang. Di pa rin tapos ang laban ko sa tesis ko. Pinawawasto ko pa. Sana nga ay tama at umumbra. Tambak ng mga papel ang ginawa ko last week. Kala ko di ko kakayanin pero carry lang, kinaya naman. Magsisimula na ako sa Lunes sa panibagong departamento. Goodluck sa akin sana ay kayanin ko. Tinatamad na ako magtype, kanina lang sa tesis ko lagpas sampung pahina ang ginawa ko. Gusto ko nang matapos ang tesis at makakuha ng diploma. Masakit ang braso ko, naggym kasi ako, nabigla ata. Last week nagkaroon din ng pagkakataon na makita ko di lang si Abdon Balde pati na rin si Virgilo Almario. Epic! Andun pa si Vlad at iba pang manunulat na di ko nababasa. May sakit ang tatay niya. Wala akong magawa kundi magdasal. Salamat Lord sa lahat ng biyaya, patawarin ninyo ako kung may mga taong nasaktan ako at nasagaan. Mahal ko kayo! Patnubayan ninyo rin ang kapatid ko at ang anak nila. Goodnight Pilipinas!