Wednesday, September 29, 2010

I dedicate this song to YU :) Yu are amazing indeed..


Just The Way You Are
BRUNO MARS

Oh her eyes, her eyes
Make the stars look like they're not shining
Her hair, her hair
Falls perfectly without her trying

She's so beautiful
And I tell her every day

Yeah I know, I know
When I compliment her
She wont believe me
And its so, its so
Sad to think she don't see what I see

But every time she asks me do I look okay
I say

When I see your face
There's not a thing that I would change
Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile,
The whole world stops and stares for a while
Cause girl you're amazing
Just the way you are

Her nails, her nails
I could kiss them all day if she'd let me
Her laugh, her laugh
She hates but I think its so sexy

She's so beautiful
And I tell her every day

Oh you know, you know, you know
Id never ask you to change
If perfect is what you're searching for
Then just stay the same

So don't even bother asking
If you look okay
You know I say

When I see your face
There's not a thing that I would change
Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile,
The whole world stops and stares for a while
Cause girl you're amazing
Just the way you are

The way you are
The way you are
Girl you're amazing
Just the way you are

When I see your face
There's not a thing that I would change
Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile,
The whole world stops and stares for a while
Cause girl you're amazing
Just the way you are

Tuesday, September 28, 2010

Love


Okay na ako na pinagmamasdan ka
Lalo na sa tuwing abala ka
Patawarin sana sa aking ginagawa
Palihim kung tumitig sa maganda mong mukha

At kung sa pagdaan ng araw iyong mahalata
Huwag mo sanang masamain ang pagtingin sinta
Pangamba'y isantabi't wag mag-alala
Sapagkat sisikapin kong itago ang nadarama




Magandang Gabi. Galing ako sa BF, sa lugar ng mga naghaharing uri. Total wala na naman akong ibang pinagkakaabalahan. Sinamantala ko na makasama ang aking mga kasama sa trabaho. Para silang bata. Kami pala. Samu't sari ang mga kwento. Ang lahat ay may nais ibahagi sa isa't isa. Ako ay nabusog hindi lamang sa kakatawa, subalit gayundin sa sangkatutak na order ko kanina.

Mamimiss kita. Ingat ka :) Salamat sa pagbibigay ng saya. Kahit alam kong panandalian lang ang dala, salamat pa rin dahil ikaw ay aking nakakasama.

Walang akong pasok bukas :)

Monday, September 27, 2010

And when you smile the whole world stops and stares for a while.

Grand Winner PAPABOLS! Hersheys chocolate given by Ly, Chukie (ako bumili)

Hell O! Musta na? :)) Inubos ko ang natitira kong oras mula sa trabaho upang gugulin sa pag-aayos ng aking telepeno. Nais ko sanang lagyan ito ng mobile chat, ngunit ako ay nabigo. Subalit ang pagkabigong ito ay di nangangahulugan ng pagsuko. Ayon sa mga nakakabasa ng blog ko ay pulos kaemotan na lang daw ang nababasa nila sa blog ko. Anong magagawa ko? Iyon ang nararamdaman ko. Kakaiba ang dala sa akin ng awiting Just The Way You Are, hindi ko mawari subalit sa tuwing naririnig ko ito, ako ay napapangiti. Sa totoo lang ay wala naman akong inspirasyon ngayon. :)) Ewan ko ba, basta dahil sa awiting ito ay nararamdaman ko na masaya ang buhay. Masayang- masaya! Yeba! At mula ngayon ay sisikapin kong magsulat ng mga masasayang tagpo ng aking buhay, ng iyong buhay, ng ating buhay. Sabaw! Ang sarap kumain. :)


Sunday, September 26, 2010

Kundiman-

Trip at Megamall (Last Yr)

I love my phone :)



Sunday Night (Crawl)

Lagpas ala-sais na at ayoko pa rin bumangon. Nawawalan na ako ng pag-asa. Ayoko na sang maniwala. Pakiramdam ko naliligaw na ako. Ngunit mas pinili ko pa rin Siya. Nagsimba ako. Hindi ako nahuli, sakto lang bago magsimula ang misa. Hindi ako masyado makatingin sa altar. Iniisip ko tama ba na magtampo ako magalit ako. Alam ko sa sarili ko na may dahilan at Siya ang higit na nakakaalam. Ngunit sa isang bahagi ng aking pagkatao ay nagtatampo ako.

Ayokong mangako ngunit gagawin ko ang makakaya ko para kalimutan siya. Una kong gagawin ay wag na siyang kontakin. Lumayo na sa kanya. Pabayaan na siya. Total wala na rin naman siyang pakialam sa akin. Magfofocus muna ako sa sarili ko gayundin sa mga taong naniniwala sa akin.

Inaantok na ko, napashot pa ako sa kanto. Nilabanan ko ang pait ng alak sa pamamagitan ng pagkain ng tsokolate. Matutulog na ako. Ayoko nang masaktan. Ayoko na makasakit. Ayoko na nang niloloko ako. Ayoko na ng ganito. Tulungan Mo ako.

Saturday, September 25, 2010

Japan-Tondo

Nagsimula ang araw ko ng pagsusulat at tatapusin ko rin sa pagsusulat. Pagbabahagi ng mga bagay na naganap sa aking buhay sa araw na ito. Sa totoo lang ay mas matagal akong nanatili sa loob ng aming bahay kaysa sa labas. Mas ninamnam ko ang pagpapahinga at pagiging tahimik sa loob ng aming bahay. Di pa nagpapahinga ang kompyuter ko. Yeba! Mula umaga ay bukas na siya hanggang makatulog ako sa hapon.

Isang kaibigan ang nagkaroon ng problema. Pinakinggan ko gaya ng pakikinig niya sa mga paulit-ulit niya ring pakikinig sa sentemyento ko araw-araw. Nais ko sanang punasan ang kanyang luha, kung magagawa ko lang ipasok ang aking kamay sa kompyuter at punasan ang kanyang mga mata para hindi na siya malyngkot. O kaya naman ay sasayawan ko siya para matawa na naman siya. Nagbigay ako ng mga aral na nawa'y naunawaan niya at magamit niya hindi lang ngayon subalit lalo na sa pagdating ng panahon. Natapos ang halos maghapong usapan sa JAPAN, TONDO! Just Always Pray At Night, TOlog Na DOdong :)) Nakakatawa!

Malapit ng magLinggo. Labinglimang minuto na lamang at natapos ang araw ko sa kakatipa sa aking kompyuter. Kung kumikita lamang siguro ako sa gawain kong ito ay tiyak na mayaman na ako. Tiyak na marami akong salapi. Ngunit ang pagsusulat ay bahagi lamang ng gawain at pagkatao ko. Mahirap kumita rito lalo na kung hindi ka naman napapansin. Tuluyan na nga na nakalimutan niya ako. Malamang ay abala siya sa pagsayaw, pagkain at pag-inom kung saang lugar man siya nagtungo. Hindi na ako mahalaga sa kanya. Hindi na niya ako mahal. Isang ngiti na lang ang iniiwan ko sa aking mukha sa tuwing nalulungkot ako. Salamat na lang sa awitin ni Ronan Keating na When You Say Nothing At All. Nakakagaan ng loob. Salamat din kay Bruno Mars sa awiting Just The Way You Are :)Marahil ay kailangan ko nang tulungan ang sarili ko na tanggapin na wala na siya, na wala na ang babaeng dati kong nakilala. Di na babalik at isa na lamang alaala.

Salamat sa putok, ang sarap ng tinapay na to, astig.

JAPAN, TONDO!
Djane Lim and Sir Yuan
Foundation Day (Day 1)

VB or BV?

superyuan
Ang galing ko diyan, tumayo.. Ni isang score walang nagawa,
Nakapalo nga sa net sabaw naman. Ang life talaga! :))

Last Monday/ Talking to your mom :)


Cause when your in love..
purple and pink plus a song= nothing
When and how will I win your heart again, babe. 30

:)

Yuan, Leanne and Ryan ( may rhyme) :))
Host of AAM Got Talent 2010


Hindi madaling maghost no! Lalo na kapag di nasusunod yung program. So dapat marami kang baon na adjective, gimik at maraming tiwala sa sarili. Ngunit ito ang trabaho na pinakagusto ko sa lahat ang humarap sa maraming tao. Yebah! Natatakpan kasi nito ng panadalian ang kalungkutan aking nararamdaman.

Friday, September 24, 2010

The PAPABOLS



THE PAPABOLS
GRAND WINNER
AAM'S GOT TALENT 2010


JB!

Sa ngiti mong kayganda
Ako'y nahahalina
Kakaibang ligaya
Ang hatid sakin sinta

Tanaga bago matulog :)

Kung di ko mapigilan
Ang lihim na pagtingin
Wag sanang masamain
Ang pagiging malapit

Badooy!

yeba! Nagrereply siya pero hang pa rin. Muka ba akong hanger? :))


Pagod!

Kung mali man ang nararamdaman ko patawarin mo ako. Ngunit huwag kang mag-aalala sapagkat hanggang dito na lang ito. Sa tuwing nalulungkot ako ay lagi ka nariyan upang punan ng ngiti ang kalungkutang aking nararamadaman. Salamat. Nahuhulog na ata ako.

Masakit ang katawan ay nilisan ko ang AAM. Kakatapos lang ng pagdiriwang ng Foundation Week. Inaamin ko, lubod akong naligayahan. Nakaraang Linggo pa lang ay abala na ang lahat sa paghahanda ng okasyon na ito. Ang lahat ay di na makapaghintay. Lahat ay nasasabik. Sa dahilang noong nakaraang taon ay hindi nagkaroon ng pagdiriwang dahil sa pagsalanta sa ating bansa ng Ondoy.

Lunes, nagkaroon ng General Rehearsals para sa Field Demo mga mag-aaral ng High School.

Martes, General Rehearsals para sa AAM Got Talent at para sa Field Demo.

Miyerkules, ang pagdiriwang ay nagsimula na. Kanya-kanyang postura. Madaming pwedeng pagpilian ng pagkain. May Chowking, Zagu, El Bonitos, at marami pang iba. Maganda ang presentasyong ng HS. Lahat masaya, lahat maligaya!

Huwebes, AAM Got Talent. Naghost ako, sobrang nag-enjoy ako. Kasama ko si Ryan Mickey Mouse at Lee Yan. Mahusay ang dalawa. Malayo ang mararating nila. Mahuhusay ang lahat ng kalahok. Ang lahat ay naghanda. Ang lahat ay nais manalo. Ngunit sa huli nagwagi ang Papabols! Ako ang manager. haha! Nakakatuwa sila at hinatian nila ako sa panalo. :) SAng mga papables ay sina Clarence, Eric, Rave, Jeaken, Charlie at Carlos. Mga boyband! Naglaro ng Volleyball ang mga guro. Nagwagi ang guro laban sa mga estudyante.

Biyernes, AAM Got Talent pa rin para sa Elementarya. Sa murang edad ay nagpakita ng talento ang lahat ngunit isa lang ang nagwagi. Si Beatrice Visconde. Matapos ay Battle of the Bands naman sa hapon. Lahat ay mahusay umawit! Mahirap pumili. Ngunit nagwagi ang grupo ni Luigi, ang Escolta. Nagkaroon din iba't ibang special awards. Lahat ay mula sa Socrates! Mula sa section ko. Si Yuji (Best taga cahon) haha! (di ko alam ang tawag), Ples (Best Lead) , Rave (Best Vovalist) at Enrico (Best Bass).

Nilibre ko si Lee ng Ice keme.

Nilibre ko ang lahat ng guro ng HS.

Nilibre ko si Ly.

Nilibre ko sa Clarence

Nilibre ko si Sir Phil

Nilibre ko si T. Mhae

Binigyan ko siya ng Tulips na pink, cake ng purple, ginawan ko siya ng kanya, inawitan.

Ngunit gaya ng dato bigo pa rin. Wala na atang pag-asa na muli siyang bumalik sa dati. Mahal pa rin kita.

Sa kabuuan, ang kalungkutan ay nabalutan din naman ng kasiyahan.

Nahuhulog na ata ako sayo (lihim lang) hanggang dun lang yun. ispesyal ka paraluman :)


Thursday, September 23, 2010

Papables

Ang sarap ng pakiramdam kapag bagong ligo. Siyang tunay. Tila hindi lamang ang dumi ng katawan ang nawawala sayo ngunit gayundin ang mga bagay na bumagabag sa iyong isipan. Ngunit sa pagkatapos nito ay manlilimahid ka na naman at muling babalik ang dumi at init sa katawan. Muli na naman babalik ang nakaraan.

Naging abala ang lahat sa pagdiriwang ng Foundation Day. Ayoko naman sabihin na Araw ng Pagkakatatag ang baho sa pandinig. Iba-iba ang itsura ng lahat. May cute, nagpapacute, di cute, may maganda, medyo maganda, feeling maganda, nagmamaganda, may gwapo, medyo gwapo, feeling gwapo, di gwapo, may hiphop, rockstar, loser, winner, trasher, conyo, hiphop na trasher, hiphop na rockstar, may nakablue, nakayellow, nakagreen, nakared, may bata, matanda, binata, mukang bata, isip bata, isip matanda at iba pa.

Habang tumatagal ay tila nag-iiba ang paraan ng aking pagsusulat. Hanggat maaari ay ayoko na sanang magsulat ng makapagbagbag damdamin. Sasabihin ko na naman kakalimutan ko na ang nakaraan. Pero toinks babalik na naman ako sa mga ala-ala na sumisira sa aking pagkatao. Magandang sabihin na lang na hayaan ko na lang makalimutan ko ang panahon.Whatever!

Parang noong nakaraang Linggo lang ay okay kami. Kaibigan ko siya sa FB at malaya kaming nakakapagpost sa aming mga wall na hindi nakikita ng iba (sa wall ko lang). Tapos ngayon ito na naman kami wala na naman kontak! Ano ba talaga? Kailan ba ito matatapos?

Ngayon na. Tinatamad ako magsulat.

Wednesday, September 22, 2010

Lie-

Dear Blogspot. Hindi ko alam kung ano paraan ba ng pagsulat ang gagamitin ko sa araw na ito. Sadyang kayhirap mabuhay sa mundo. Mahirap makahanap ng totoong tao. Sa puntong di ko maunawaan ang nangyayari sa akin, hindi ko alam kung sino ba ang dapat kong takbuhan.

Sa saliw ng mga awitin ng BSB, nais ko sanang maniwala sa bawat linya na naririnig ko sa kanila subalit ito naman ay taliwas sa mga nangyayari sa akin. Ayoko na rin muna pansinin ang ispeling at gramatika ko sa gabing ito, Hindi ko rin alam kung hahabaan ko ba o iiklian ang pagsusulat. Ang mahalaga makasulat ako.

Ayoko nang makasakit kaya idadaan ko na lang sa pagsusulat ang lahat.Itago ko man ay nangingilid ang luha ko. Baka di ko mapigilan. Patawad. Nalulungkot ako, nalulunod ako. Di ko alam kung saan ako pupunta.

Tonight is one of the saddest night of my life. I really don't understand it. Ive waited for five months just to fix everything between us. What is the real score? Why do you have to hurt me too much? Is it giving you contentment? Everyday of my life I am praying hard that someday you'll come back in my arms but unfortunately nothing happens.

Tumagal, humaba at lalong lumala. Instead of helping me to cure it. Pinabayaan mo. So sad. I want to sleep for 1 week yung walang gisingan.

Wednesday, September 15, 2010

Paraluman

Alas otso. Pagkatapos ng mahabang oras sa pagtatrabaho ay ginugol ko ang aking sarili sa iba pang gawain. Nagtungo ako sa La Salle para mag-enrol. Kaunti ang pila at napakadali kong natapos. Wala pa rin talagang tatalo sa Pamantasan ng mga naghaharing-uri (hindi ako kasama), mabilis ang proseso. Kaunting tiyaga lang. Sinubukan ko siyang ayain ngayong gabi. Gaya ng dati ako ay muling nabigo. Dinalaw na naman ako ng kalungkutan. Muli na naman bumalik sa akin ang tamis ng nakaraan, Ngunit sa tuwing naiisip ko iyo ay siya namang sagi rin ng mga pait ng nakaraan. At sa tuwing naiisip ko kung gaano ko siya kamahal ay lalo akong nasasakatan. Matapos mag-enrol ay nangako na naman ako sa sarili ko na aayusin ko na ang aking pag-aaral upang matapos na. Nagtungo ako sa isang bahagi ng pamantasan kung saan makikita ang mga listahan ng kurso. Hinanap ko ang Master in SPED. Huminga ako ng malalim. Sigurado na ba ako? Matapos nito ay nagtungo ako sa departamento ng Filipino. Mangangamusta sana ngunit wala naman akong nakitang tao.

Makikipagkita sana ako sa aking kaibigan ngunit ayaw na raw niya. Wala na naman akong nakausap. Nagpasya akong magtungo sa SM. Binili ko lahat ng aking pangangailngan, nagbayad ng bill at matapos nito ay nalula ako sapagkat ubos na ang aking pera. Problema ko na naman ang mga susunod na Linggo.

Umuwi ako nang hapung-hapo. Maraming bitbit ngunit butas ang bulsa. Kulang na nga yata ang aking kinikita. Naisin ko man mag-ipon kulang pa rin talaga. Umuwi ako habang hinayaan kong awitan ako ulot ni Justin Bieber. Makahulugan ang kanyang mga kanta. Nakikita ko ang sarili ko sa mga kanta niya lalo na sa awiting That Should Be Me. Shet sapul! Hindi ko maunawaan kung mahal pa ba niya ako o kailngan talaga na mawalan na ako ng nararamdaman sa kanya bago niya malaman niya na mahal niya ako. Ang hirap unawain.

Sa kabilang banda, hindi ko maalis na titigan siya. Ang ganda niya talaga. Simple lang siya. Pero sa panaginip ko alam ko naman na di niya ako magugustuhan. Malayo. As in malayo at hindi maaari. Ngunit sa mga panahong abala ako at nalulungkot ay kakaiba ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya. Naiisip ko kung magkakasundo ba kami sa isang bagay? O kaya ay magugustuhan din kaya niya ako. Ngunit di pwede. Imposible. Ang ganda ng kanyang mukha lalo na kapag siya ay ngumiti. Baka nagustuhan ko talaga sa kanya ang pagiging simple. Madali akong maakit sa mga ganoong babae. Bukod pa rito ay may laman siya magsalita. Ngunit sa panaginip na lang kita papangarapin Paraluman.

Nagugutom na ako. Alas-otso kinse na. Ayaw pa rin gumana ng Facebook ko.

Thursday, September 9, 2010

Thursday

Dear Blogspot,

Huwebes ngayon at nakatakda sana akong magtungo sa St. Jude para magsimba. Ipinagpaliban ko muna. Nakaraang Linggo naaalala ko pa, sariwa pa sa isip ko nang maghintay ako ng anim na oras para sa wala. Sinubukan kong lumaban ngunit sa isa pang pagkakataon ay muli akong nabigo.

Bukas ay walang pasok, sasamantalahin ko ito upang makapagpahinga at makasama ang aking pamilya. Subalit kung aayain din naman ako ng aking mga kaibigan ay okay lang din. Nakakainip din sa bahay kapag walang ginagawa.

Nakailang text ako sa kanya ngunit di siya nagrereply. Hindi ko alam kung nasaan siya at sino ang kasama niya. Sinusubukan ko pa rin kumalma. Hanggat maaari ay ayoko nang magalit. Tapos na ako sa estadong iyon. Yung masasaktan ako tapos ay magagalit ako sa kanya ng sobra. Nasa estado na ako ng aking sarili na muli akong bumubuo ng bagong pagkatao. Sa unti-unti kong pagbuo ay tinitingnan ko kung nais pa ba niyang sumama sa bagong tao na iyon o hindi na.

Alam mo naglakad ako kanina sa kahabaan ng UN. Nakita ko yung mga lugar na nilakad ko. Yung mga lugar na minsan naglalakad ako patungo sa kanya. Uniiyak ako noon, naalala ko. Nakita ko rin ang MCDO, ang lugar na minsan namin pinuntahan at pinuntahan ko rin mag-isa. Nalulungkot ako ngunit lalo kong iniisip na ang lahat ay may katapusan. Ang lahat ng pagsubok ay may katapusan. Umaasa ako na mas magiging mabilis ang paghilom ng mga sugat. Salamat at nakikinig ka.

Sunday, September 5, 2010

Wag Kang Sususko-

Dear blogspot,

Bago ako matulog ay nais ko munang ibahagi ang nangyari sa akin ngayong araw. Parang nung nakaraang Linggo lang kasama ko siya pero ngayon ang lahat ay ala-ala na lang. Bakit may mga tao na na katulad niya. Magulo ang isip at paiba-iba ang desisyon. Desisyon na nakapagpalala sa mga nangyayari na kung minsan ay nakakatawa na ang kinakalabasan.

Nagsimba ako at gaya ng dati ay wala pa ring kupas si Father. Magaling siya magmisa gayundin ang aral na binibigay niya. Lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob upang harapin ang problema ko. Eventually ang lahat ay magiging maayos din. Sabi nga kanina unahin mo muna ang Diyos at ang lahat ay susunod na.

Hindi pa ako inaanto ngunit kailangan ko nang magpahinga. Maaga pa ako bukas. Goodnight! Medyo nababawasan na ang dalahin ko sa buhay. Nasa ikalimang buwan na ako ng pakikipaglaban. Malapit na akong sumuko. Malapit na akong bumigay.

Saturday, September 4, 2010

Pag-iisa

Nung bata ako, hindi ako mahilig magbasa. Para sa akin ang pinakamasarap na gawin ay matulog at kumain. Nakakabagot kasi minsan ang nagyayari sa akin. Routinary lang, paulit-ulit. Madalas akong mag-isa noon, lalo na nung kolehiyo. Di dahil nerd ako kundi siguro may hinahanap lang ako na tao na sasabay sa trip ko.

Kapag wala ang titser ko madalas na nagtutungo ako sa cr para maghilamos. Matapos nito ay magsipiliyo at babalik ulit ako sa klasrum para matulog. Habang abala ang mga kaklase ko sa pagkukwentuhan ako naman ay abala sa pagtulog. Sa totoo lang kaya ko naging paborito ang pagtulog sa dahilang bukod sa maginhawang pakiramdam ang hatid nito ay nakakatakas pa ako sa realidad ng mundo.

Sa pagkakataong ito ay nakakapaglakbay ako at kaya kong tumungo kung saan ko man naisin. Bukod pa riyan (wag naman sana bangungutin) ay natatakasan ko ng panandalian ang mga bagay na bumagabag sa aking isipan. Sa pagtulog hindi nila ako masasaktan. (wag lang literal!)

Kasalukuyan kong katabi ang aso namin. Si Obama. Itim siyang aso. Matipuno ang katawan at tahimik lang. Nung maliit pa si Obama. Madalas siyang umiyak. Nawalay kasi siya sa kanyang ina. Habang lumalaki siya ay nakikita ko ang pagbabago niya, mula sa pisikal gayundin sa kanyang pagkilos. Hindi na siya umiihi kung saan-saan. Sa halip ay umiiyak siya kapag nais niya itong gawin. Madalas ding matulog ang asong ito. Hindi ko ba alam kung ganun lang talaga ang aso. Likas sa kanila ang matulog nang matulog o baka naman sila ay may problema din na nais nilang takasan sa pamamagitan ng pagtulog din.

Ngayong bumalik na naman ako sa dating ako. Mag-isa at walang makasama. (wag literal!) Inuubos ko ang oras ko di na gaano sa pagtulog bagkus sa pagsusulat. Madalas din akong mamimili at kumain. Inuubos ang pera sa kung anu-ano. Kailan ko kaya matatagpuan muli ang tao na makakasama ko at maaari kong pangarapin na makasama sa buhay? Siya parin ba talaga ang nakalaan sa akin o may iba pang tao?

Masasagot lang ito, kapag tama na ang mali, kapag pwede na ang bawal, kapag naghilom na ang lahat ng sugat at higit sa lahat sa tamang panahon.