Monday, December 31, 2012

2012

Ganun talaga siguro kapag di mo maexplain yung laman ng iyong puso para sa isang tao. Maaarin iniisip niya na abala na ako sa pagligo at pag-aayos para sa misa pero lingid sa kanyang kaalaman na abala ako para magblog sa para sa kanya.

2012, masasabi ko na taon ko ito. umapaw ang biyaya na di ko inaasahan Sobra-sobra. Sa kabila ng mga kasalanan at kalokohan ko na pinagagagawa ay hindi ako pinabayaan ng Maykapal at sa halip ay inulan niya ako ng biyayang lubos kong pinasasalamatan.

Utang ko sa lahat sa iyo Lord ang mayroon ako at gayundin sa mga taong nagtiwala sa akin at di ako iniwan. Espesyal ang blog na ito sapagkat nais kong pasalamatan ang prinsesa ng aking buhay. Narito ang liham ko para sayo.

Dearest babe,

Ilang oras na lang at 2013 na, nagpapasalamat ako dahil dumating ka sa buhay ko. Madalas ko sinabi na ikaw ang matagal ko nang hiniling sa Maykapal. Tinugon niya iyon at lubos akong nagpapasalamat. Alam kong magkalayo tayo ngayon pero araw-araw nararamdaman kita kahit saan ako magpunta. Paumahin kung bugnutin ako at may mga bagay tayo na minsan ay di napagkakaunawaan. Gusto ko malaman mo na sa araw-araw kita na nakakausap ay mas lalo pa kitang minamahal. Iingatan kita at mas mamahalin pa at di hahayaang saktan. Ikaw ang isa sa pinakamagandang biyaya sa akin Niya ngayong 2012. Mahal kita at ilang buwan na lang at muli na tayong magkikita.

From the bottom of my heart, I miss you and i love you! Happy New Year from Tondo with love,
 Yuan <3 i="i">


Muli salamat sayo Lord! Salamat sa lahat!

VIA FB

Happy New Year sa lahat na naging bahagi ng aking buhay, mula sa aking pamilya, kamag-anak, tunay na kaibigan, kaibigan, ka-ibigan ♥, sa AAM, DLSU, FEU, Tondo, BF Homes, sa kanto, sa mga FX at jeepney drivers na lagi kong nasasakyan, sa FB, sa twitter, sa Tumblr, Blogspot, Viber, Yahoomail, Instgram, sa mga taong nagtiwala, nagbigay ng break, nagmahal, nagbigay, nakitawa, nakisaya, nakaalitan at lahat ng naging kasama ko through ups and down. Salamat!   


p.s. kung minsan sa palagay nyo ay nakalimutan ko kayo, mali yun. Epekto lamang yan ng labis na pag-iisip. Walang nagbago. Magsaya at magbago! :) Manigong Bagong Taon! :)
 
Signing off 2012
 
Hello 2012!

Monday, December 24, 2012

Noche Buena 12

Bago matapos ang misa sabi ni father ganito, mga brad mga sister pamilya muna unahin natin, kahit na di materyal na bagay ang ibigay ninyo ang oras lang na makasama ninyo ang pamilya ninyo ay magandang regalo na. 

Sa eskwelahan natutuhan ko na ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan. Binubuo ng nanay tatay at mga kapatid. Ito ang kwento ko. Nakaugalian na namin na magsama-samang pamilya tuwing Pasko sa bahay ng uncle ko sa Paranaque. Doon may mga palaro, pagkain palitan ng regalo at ano-ano pa.

Mama ko abala sa taas magbalot ng regalo, kapatid ko nasa ibang bansa, kasama ang asawa niya. Yung isa kong kapatid busy sa negosyo. Yung isa natulog at yung isa nasa labas.

Ewan ko di kami pinalaki na sama-sama. Pag Pasko lang pero pagkatapos nun wala na kanya-kanya na. Yun siguro ang dahilan kung bakit natutunan kong self centered. Kung bakit minsan eh sabik ako sa pagmamahal ng isang tao na nagiging selfish na ako. Di ko naman sinabi na di ako mahal ng magulang ko. Hindi naman ako makakarating sa meron ako ngayon kung di dahil sa kanila. Di ko naman sila pwede sisihin sa pagkukulang nila. Sa totoo lang nakakainggit ang buo ang pamilya. Kanina habang alas dose nagtitklop ako ng damit ko. Yung iba may kupas na naman. Nakupasan ng mama ko. Di na ako nagalit Pasko naman. Bibili ako ng bagong aparador kahit mahal, itatabi ko lahat ng damit ko lalo sa mata ng nanay ko pare less away na. Yung iba ipamimgay ko na, tapos bibili ako ng mga bago unti-unti. Panahon na para sa mas malaking responsibilities. Kung hindi ako nagkakamali pangalawang blog ko na to na medyo malungkot. Sanay na naman ako pero isang araw ang tinitiyak ko di ko sasanayin ang magiging pamilya ko ng ganito.

Di ako galit sa mga magulang nauunawaan ko kahit may pagkukulang.

Saturday, December 22, 2012

Blogged-

I want to hug you
kiss you
and tell you how much I love you
if only..

12:51 na orasan. Kung ano ano ang pinapanood ko sa youtube, nakakabagot. Ilang araw na lang Pasko na. Sabi nila ito raw ang araw ng pagbibigayan. Tama naman, pero araw-araw ata yun sa palagay ko. Sa panahong mag-isa ako mas namimiss ko ang kasintahan ko. Try kong gumawa ng tula. Di na ata ako matatas sa paggawa at magkukwento medyo kulang na sa practice pero itatry ko.


Malamig ang hangin na nanunuot sa buo kong katawan
balisa sa kakaisip laman ng isip ko'y ikaw
hagkan kat yakapin ng mahigpit ngayong gabi ang kailangan
subalit ikay malayo pangungulila di matigilan

Jeddah-


Namimiss na kita di mo lang alam
Ang makita yan ang dalangin ko sa maykapal
makasama kang muli hiling ko sanay matupad
subalit kailangan ko munang magtiis at maghintay

cold-


Its been six months since we drifted apart
and my mind is longing for you for the longest time
I wish you were here coz I miss you so much
I need your warm embrace and be my fire tonight

ice-


I kissed you and hug you tight
As our body united as one
i whisper, you are my only one
As you look at me, and wake me up

dreams


words can kill indeed
as i slowly hurt you beneath
tears flow outside the window
as i realized it wrong, sorry

21-




Thursday, December 20, 2012

Isang buwan-

Isang buwan na rin pala nakakalipas nung huli ako na kapagblog. Busy masyado, napapabayaan ko na sarili ko pero babawin na lang ako ngayong bakasyon. Nag-iisip pa ako ng bagong layout sa blog ko para next year. Tagal ko na rin blogger dami ko na nasulat dami ko na nasabi pero wala naman nakapansin sa blog ko. Ano nga ba kwenta nito eh puro kwento lang naman ng buhay ko meron dito.

End of the world na raw pero sino ba sila para magsabi nun? Tuloy ang buhay. Inaantok na ako pero kinailangan kong magtipa para makapagrelease ng anumang damdamin na matagal ko ng tinatago. Nakakamiss din noon, simple lang buhay ngayon komplikado. Ganun talaga mga tao anjan lang sila kapag nag-iisa sila pero kapag may kasama ng iba ok na. Sanay na ako dun di ko na dapat magkaroon ng hang over pa. 

Cute ng kanta ng ABS, dumarami ang mga tala tuwing kapaskuhan. Malapit na Pasko pero di ko pa maramdaman. May kulang di ko alam basta may kulang.

Wednesday, November 14, 2012

#AMALAYER: Pagsipat sa mga bampira ng makabagong panahon.

Proverbs 22:24
Do not make friends with a hot tempered person, do not associate with one easily angered.

Dalawang linggo na ang nakakalipas ng imbitahan ako ng aking kaibigan sa CCP upang dumalo ng isang misa na mas kilala sa tawag na Feast. Parang pelikula ang ambiance ng lugar at napakarami ng tao. Di pangkaraniwan ang misa kompara sa dinadaluhan ko tuwing Linggo. Mas masaya, mas malaki at mas malalim ang paliwanag na kapupulutan ng maraming aral.

Ang artikulong nais kong ibahagi ay sinulat ni Brother Bo Sanchez na siya ring naging paksa sa misang aking dinaluhan. Pinamagatan itong, Vampires: How To Deal with Different People.

Hindi dahil papalapit na ang showing ng Breaking Dawn Part II kaya ko isinulat at pinalawak ang paksang ito bagkus ay nais kong ibahagi ang natutuhan ko na maaari ring kapulutan ng aral. 

Ayon kay Sanchez, tayo ay napapaligiran ng iba't ibang uri ng bampira. Mga bampira na siyang humihigop ng ating mga lakas, oras, salapi at buhay upang sila maging kasangkapan nila sa kanilang mga pansariling pangangailangan.

Nagsimula umano na mas naging maingay ang usap-usapan tungkol sa mitolohikal na karakter na bampira noong 18th Century na hanggang sa kasalukuyan ay nabubuhay pa rin sa ating lipunan. Subalit dahil tayo ay nabubuhay na sa panahon na wireless communication ay nakikisabay na rin sa agos ng panahon ang mga iba't ibang uri ng bampira. Narito ang ilang uri ng bampira ayon kay Sanchez.

1. Criticizing Vampires- Sila ang mga uri ng bampira na mistulang may misyon na itama ang lahat ng mali sa mundo. Ang dahilan ay upang ipakita at ipadama na sila ay mas mataas at laging tama sa iba. Ang lahat ng sabihin at gawin mo ay laging may komento. Lagi kang itatama upang iparamdam sayo na sila ang superyor at makita kang lagi sa ibaba.

2. Controlling Vampires- Ang uri ng bampirang ito ay ang mga bampirang gumagamit ng matinding galit upang itulak nila ang kagustuhan nila sa ibang tao. Daig pa ang mga bata sa pagiging controlling umayon ka lang sa kanilang kagustuhan. Maaaring maging mabuti ang kanilang intensyon subalit hindi nila ito magagawa nang hindi nakakasakit at nakakainsulto ng kapwa.

3. Contradicting Vampires- Sila naman ang mga bampira na laging tutol sa lahat ng paniniwala at sasabihin mo. Hindi sila bukas sa mga bagong ideya sa halip ay laging negatibo ang iniisip nila sa maaring maging resulta nito.

4. Complaining Vampires- Ah, ah, ah, maaaring isa ka sa mga bampirang ito. Puro reklamo (di ka na lang magtrabaho) Pakiramdam nila sila ang biktima, sila ang laging kawawa, ang laging underdog at higit sa lahat ay ayaw nilang tumanggap ng solusyon sa kanilang mga problema, sa dahilang kapag nasolusyanan na ito ay wala ng maaawa at makikisimpatya sa kanila.

5. Clinging Vamprires- Pag wala ka wala ako, iyan ang peg ng mga bampirang ito. Ang lahat ng kanilag self-steem at pagpapahalaga sa sarili ay nakadepende sa ibang tao.

6. Crying Vampires- Ang mga umiiyak at umaarte na mistulang sinaktan ng sobra-sobra ng iba. Mga bampirang OA ang pagiging sensitibo

7. Coward Vampires- Mga duwag, puro lang oo, mga bampirang gustong iplease ang lahat ng tao kahit sa huli ay siya rin naman ang talo.

8. Con Vampires- Mga bampirang may rosas na nakaipit sa bibig. Kailangan umano mag-ingat ng mga kababaihan sa mga ganitong uri ng bampira. Sila ay may kakayahan na maakit ang lahat subalit sa likod nito ay sila naman ay totoong mga sinungaling.

Kapag nakasalamuha mo ang ganitong uri ng tao ay may mga paraan upang ikaw ay makaiwas ( kahit na sa maraming pagkakataon ay di ka talaga makakaiwas)

Una, walk out and find your bread elsewhere. (walking out meaning, decreasing your time to that person)

Pangalawa, protect yor head and eat you bread.

Malalim? Kaya mo yan.Tinatamad na ako magsulat.




Monday, November 12, 2012

Medtech

Seek the Kingdon of God above all else, and live rigthoeusly, and he will give you eberthing you need. Matthew 6:33

Sapat na ang mga tsokolate sa tabi ko upang magsilbing pandagdag lakas at talino para makapagreflect ako sa gabing ito. Kakatapos lang ng unang klase ko sa FEU. Di maganda ang gusali ng MEDTECH, for some reason namimiss ko ang gusali ng IAS. Maliit ang klase at marami ang estudyante. Sana nga mabawasan sila ng makaluwag naman ako kahit papaano. Una pa lang ng klase ay maingay na sila. Di ko alam kung anong estratehiya ang gagawin ko para matahimik ang klase ko.

Palagay ko sa akin pa rin naman ang load. Kailangan ko lang balansehin ang oras ko sa pagbyahe, ag tagal ng byahe. Di dahil sa ubod ng layo subalit dahil sa ubod ng trapik.

Sa kabilang banda, mahalaga sa akin ang semstreng ito. Ito ang maaaring magbigay sa akin ng daan patungo kung ako ba ay kukuhanin pa nila sa susunod na taon o hindi na. Syempre nais ko maging tapat sa akin ang head sa magiging ebalwasyon ko. Di ko talaga alam if pasado ba ako noon o pasang awa. Pero salamat talaga at may load ako.

God, marami po ang pagkukulang sa akibg sarili higit sa ibang tao subalit patuloy po ang inyong biyaya. Tiis ganda lang po at alam ko na magbubunga ang paghihirap na ito. Patnubayan nyo po lahat at ilayo sa sakit, kapahamakan ang mahal ko sa buhay. Patunabayan nyo rin po si Ly, mahal na mahal ko siya, alam kong nauunawaan niya ako at para sa kanya, sa akin, sa amin at sa IYO po ang lahat ng ito.

Amen.

Saturday, November 10, 2012

Failed-

Di naging smooth ang linggo na ito. For some reason I felt stupid sa mga actions ko. Pakiramdam ko marami akong nasabi at mga responibiladad na di nagawa na tama. Di ko naman makuha na mainis sa nangyari kahapon. Nahuli ako ng 25 minutes sa klase at pagdating ko ay wala na raw ang mga estudyante. Nahihiya ako sa mga bata lalo na kay sir. Ang daming oportunidad na kumakatok sa akin pero ang problema ang layo ng Feu sa AAM. Mas aayusin ko pa ang time ko at titiyakin ko na aabot ako sa Lunes. Sana nga sa akin pa rin ag load. Help me God.

Friday, October 26, 2012

Unang patak ng luha (muli)

Tatlong oras lang ang tulog ko at sinikap kong wag muna magbukas ng ibang site maliban sa twitter at blogspot. Mabigat pa rin loob ko  pero salamat na rin nakaiyak na ako at nakagaan ng pakiramdam. Natulog na ako ulit after ko maggym. Pagkagising ko nakita ko na lang sarili ko umiiyak. Di ngawang bata pero makahulugana ng luha. Hindi ko ba kung bakit kailangan kong magblog dahil wala ba akong makausap at masabihan ng nararamdaman ko. Sabi nga nila ang pag-iyak ay isang paraan ng cleansing. Nililinisang kabuuan mo ang nararamdaman mo. Kaninang nakapikit lang ako ay nagdadasal ako na alisin yung fear at burden sa puso ko, dinalaw na naman ako ng takot ng baka masaktan ulit ako. Kaya pinipigilan kong umiyak dahil di naman normal sa isang lalaki ang umiiyak. Sabi ko di na ako iiyal at wala ng pwedeng magpaiyak sa akin pero mali kinain ko na sinabi ko. Wala talaga makakapagsabi kung ano ang tama, kung kailan mangayayari ang isang bagay at kung kailan ka masasaktan. Sa panahong nasasaktan ako ay panahon din humihina at ako at tanging dasal ang sandata ko. Sinisikap kong wag maging mag-isa at emosyunal sa harap ng mga tao kaya nagsusulat ako.

Pawis luha, pawis sipon. May jaba pa rin sa dibdib ko.

Si Yuan ako.

It's 1:30 at ako ay gising na gising pa. Nakatapos ako ng isang episode ng bones. Maganda ang kwento lalo na pag nasosolve nila ang mga crime. Magaan lang at magaganda ang mga lines plus ung mga music na ginagamit ay nakakarelax. Naaala ko noon sa tuwing mag-isa ako at wala akong makausap ito ang pinapanood ko, narerelax ako at nakakapag-isip ng maayos. Nagkaroon na sila ng baby. Nakaramdam ako ng pagkatuwa. Napaisip tuloy ako kailan kaya ako magkakababy. Kailan kaya ko magiging tatay. Di ko alam pero alam ko mahirap pero at the same time masaya. Lalo na kung cute ang baby mo. (anyway lahat naman ng baby cute). Tapos may masaya kang pamilya.

Habang tumatagal namamaster ko na ang mag- release ng anger sa ibang way. Yung mga simpleng bagay na hayaan na lang tangayin ng hangin ay palipasin na lang. Feeling ko matatapos ko tong episodes na to ng ilang araw lang after naman Big Bang Theory para matawa naman ako. Ito rin yung time na nakakapagreflect ako in my own way para baguhin yung mga di maganda kong ugali, pananalita at kung ano ano pa.

Sanay na ako sa ganitong mag-isa pero bat ba nagrereklamo ako eh sa ganito rin naman ako galing. Kung minsan wag tayong masyadong mag-expect sa ibang tao. Di mo hawak ang sitwasyon, kahit na gustuhin mo man na di sila magbago di naman pwede yun. Sabi nga nila nothing is permanent in this world only change. Inaamin ko nasaktan ako. Nasaktan ako hindi dahil nakiki-compete ako. Nasaktan ako kasi parang ang dating eh ako galing sa ganito kaya marami akong nalaman na di mo alam.

Minsan naiisip ko masama ba akong tao. Ang bigat ba ng pananampalataya ay nasusukat sa kung paano mo ipakita sa lahat na mahalaga siya. Pagsubok sa faith ko to actually. Noon di ko naman naiisip yung ganito. Alam ko ay mahal na mahal ko siya at naniniwala ako. Mas nangingibabaw ang paggawa ng mabuti kesa sa masama. Pero nitong mga nakaraan pakiramdam ko, napapakita akin yung difference na ikaw ganito, kami ganito. 

Sabi nga sa bones, theres a mystery in life. Tama naniniwala ako doon. Misteryo na mahirap maunawaan. Kung kulang man ako at mali ang paniniwala ko. Patawarin Niya ako. Reflection sa akin ito na mas maunawaan ang mga nasa paligid ko. Gustuhin ko man habaan ang pasensya ko pero nauubos din pero after nun balik sa dati.

Wala talagang perfect ako mismo di ko masasabi na mabait ako. Yung mga bagay na kaya kong pigilan, gagawin ko. Yung mga tao na di ko dapat masaktan iiwasan ko.

I will end up my blog by saying, si Yuan ako.

Aleph

Kinina pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng Aleph, halos isang taon na sa akin to pero di ko pa natatapos. Nakkahiya sa hiniraman ko. 9:30 na sa Pinas pero wala pa rin siyang message ni ho ni ha as in wala. Alam ko naman na busy siya pero d ko alam kung nasaan ba siya at anong oras ko ba siya makakausap.

For two day naranasan kong maging lones ulit. Gaya ng dati nakapaggym ulit ako at nakapagbasa ng libro. Syempre di nawala ang pagboblog. Namimiss ko na girlfriend ko. Namimiss ko yung kabuuan niya. Pero hanggang dun lang yun kailangan at magtiis at matutong maghintay. Mas worth it kapag hinintay mo ang isang pagkakataon.

Wala naman bago sa facebook. Di ko naman trip makiisyoso sa mga issue ng iba. Gusto ko lang marelax at makapagpahinga. Halos isang linggo na bakasyon at dapat sulitin ang bawat araw at gawing makabuluhan. So 4 pm na sa kanila wala pa rin message. Hinihintay ko tumunog ang phone ko pero mukhang mag eend-up na makakatulog na naman ako. 

So far di ko pa alam kung anong next goal ko na dapat gawin sa buhay. Kailangan ko pang magsikap para makabili ng bahay. Di naman ako ng mayaman na may instant bahay kailangan ko talagang paghirapan. Sa sweldo ko matagalan bago makapag-invest na bahay. Bahala na alam ko ibibigay Niya iyon sa tamang time pero dapat sabayan ko rin ng pagsisikap. Anyway wala akong tawag sa feu so meaning walang load? Di ko alam kung paano ko kukuhanin ang mga files ko doon para makahanap ng part time sa ibang University.

Magbabasa muna ulit ako. Nalulungkot ako walang makausap. Itong ito ako last March. Enjoy naman pero mas enjoy kung andito ka.

Thursday, October 25, 2012

Patak ng Ulan

And so I tell you, keep on asking, and you will receive what you ask for. Keep on seeking, and you will find. Keep on knocking, and door will be opened to you. For everyone who asks receives. Everyone who seeks find. And to everyone who knocks the door will be opened. Luke 11:9-10

Unang gabi ko na di ko siya nakausap. Sa milya-milya ng layo namin at matagal na panahong di magkasama, dalawang araw ko siyang di makakausap. Malakas ang ulan sa labas, baha na nga raw sa Santa Rosa Laguna. Despite ng ulan nakapunta ako kasama ang mga friends ko sa Southmall. Kumain kami sa Wendys at naubos ang oras sa kewntuhan at tawanan. 

Di pa ako matutulog ngayon try kong hintayin na maggabi sa kanila baka sakaling isang bbm lang may matanggap ako sa kanya masaya na ako. Try lang malay mo. Habang papahaba na ang naisusulat ko ay iyon naman paglakas ng ulan. Katumbas ata ng mga titik ko na natitipa ngayon ang patak ng ulan. Totoo yung nabasa ko na verse na yan. Kapag humiling ka ibibigay sa iyo. Kung di ibigay may rason, at may magandang plano Siya para sayo. Ang mahalaga matutong maghintay at magtiwala.

Mahaba ang bakasyon pero marami rin naman dapat tapusin. Di ko pa alam kung ano sunod na mangyayari sa karera ko. Nalilito pa ako, pero kailangan mag-impok dahil nais kong magkabahay, kotse at mapakasalan ang aking kasintanhan.

Maulang Gabi!

Wednesday, October 24, 2012

Samsung Galaxy Y

I said, "Plant the good seeds of righteousness, and you will harvest a crop of love. Plow up the hard ground of your hearts, for now its time to seek the Lord, that he may come and shower righteousness upon you. Hosea 10:12


Malakas ang ulan sa labas at malamig ang panahon. Senyal na papalapit na talaga ang Pasko. Isang araw na lang at pahinga na. May trabahong iuuwi pero ayos na rin yun dahil hawak ko ang oras ko kung kailan ko nais magtrabaho. Righteousness, mabigat. Mahirap gumawa ng tama pero kung paiiralin iyon sa lahat ng ginagawa mo papasok ang love. Naniniwala naman ako dun. Ang puso ang isa sa pinakamahalagang elemento ng pagiging isang tao. Di lang puso na bilang bahagi ng ating katawan subalit ang puso na nagmamahal, gumagawa ng kabutihan at pusong para kay Lord.

Sa kabilang dako, naibenta ko na ang telepono ko sa ibang tao, yung telepeno na pumalit nung naholdap ako nung nakaraang taon. Kahit papaano may kaunting lungkot sapagkat naging bahagi iyon ng pagbangon ko mula sa pagkakalubog.

Umaapaw ang blessings ngayon. Masaya ako at tuloy-tuloy naman Ibabahagi ko sa iba at syempre kailangan din maging maingat ako at mag-impok. Di natin alam kung kailan darating ang ulan, maganda ng handa.

Namimiss ko na gf ko Totoo kang sana kahit isang gabi mayakap ko siya sa panahon mas nangungulila ako sa kanya.

Magandang Gabi!

Monday, October 15, 2012

Day 2

But from there you will search again for the Lord your God. And if you search for him with all your heart and soul, you will find him. Deuteronomy 4:29

Pangalawang gabi ko na ginagawa ito. Sana matuloy-tuloy ko. Ewan ko di pa sapat tong ginagawa ko para mapatawad ako ng taas sa lahat ng kasalanan ko. Kasalukuyang umiyak ang kasintahan ko. Gustuhin ko man siyang mayakap di ko magawa.Kasabay ng pag-iyak niya ay siya namang pagluha ko. Mas nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak lalo na malayo at wala ako magawa para sa kanya kundi sabihin na kaya mo yan. Maganda tong verse ngayon, paghahanap kay God. Nasaan nga ba siya sa puso ba natin siya makikita? Mula sa mga kamaliang nagawa natin ay nais nating isuko sa kanya ang lahat at humingi ng kapatawaran. Idesire natin na makita siya at gumawa nang mabuti at tama. Mahirap subalit unti-unti makakaya.

Amen.

Salamat sa gabi at tangayin ako ng hangin patungo sa kabutihan sa yapak Niya.

Sunday, October 14, 2012

If you think you are standing strong, be careful not to fall. 1 Corinthians 10:12

I decided to blog may daily devotion since I've been doing this since for almost 2 months. A friend of mine shared this one verse devotion in order for me to reflect more on God's words. A deeper and closer relations of His words to our life. I just want to share this devotion for those people who will vist my blog.

If you think you are standing strong, be careful not to fall. 1 Corinthians 10:12

There are times that we are overwhelmed on what is happening to our life, to the point that we tend to forget Him because we are all busy in our everyday life. Thinking that all the blessing we have was not given by others but it was given by Him. Standing strong is a strength given by God. In relation of this, He will not lets us tempataion allow us to be more than we can stand. He will show us way to endure this temptation.

Lord give me strength to endure all the temptations in my life. I wont be able to stand strong in my life without You. Blessed, my family, friends, Lyrize, our country and also those people who are suffering for sadness and sickness.

In Jesus name,
Amen

I love you. 

Amen.

Sunday, October 7, 2012

Sun Broadband

Pagbabalik

Espesyal sa akin ang araw na ito. Sa totoo lang wala namang okasyon o ano pa man. Ang puso ko sa kasalukuyan ay umiiyak sa tuwa. How ironic, umiiyak di dahil sa luha subalit sa tuwa. May sampung minuto ako upang tapusin ang blog na ito. Matagal ko nang nais magsulat subalit hindi gumagana ang aking isipan. Di ko nga rin alam ung ganun pa ba ako katatas magsulat.

Let no one split apart what God has joined together. Mark 10:9

Ang sabi nga sa kasabihan, ang pag-aasawa ay di gaya ng kaning mainit na kapag napaso ay iluluwa. Tama, sang-ayon naman ako sa kasabihang iyan. Di naman lahat puro pagmamahal lang. Kailangan din ng mahabang pasensya, pag-unawa, pagsisikap at pananampalataya upang lalong mas mapagbuti at mapalali m ang pagsasama ng dalawang tao.

Maganda ang preaching ni Father Duds. As always lagi naman iyang handa at may lalim ang pagpapaliwanag. Laging nasasapul niya ang mga pangyayari sa pang-araw-araw na buhay. Ibinahagi niya na ang pagmamahal sa isang tao ay di lamang dahil sa magagandang panlabas na kaanyuan nito. Ang lahat ay naglalaho, ang pinamakamalaga umano ay kung paano mo pinahalagahan at pinagyaman ang pagmamahal na ito.

Si Ly at Ako.

Oo, inlove ako. Inlove ako sa kasintahan ko. Dalawang taon na ang nakalilipas ng ilang beses akong lumuha at humiling na may bagong tao na darating sa buhay ko. Yung tao na magtuturo sa akin na magmahal na walang hesitations. Yung tao na tatanggapin ako ng buo. Inaamin ko nainip ako. Nagmaadali ako, nagmamadali dahil nais kong mapagtakpan ang sakit na aking nadarama. Subalit nagkamali ako. Sa di inaasahang pagkakataon at panahon nasa paligid ko lang pala yung tao na iyon, at iyon ang aking seatmate sa  trabaho na ngayon ay ang aking kasintahan.

Love is composed of a single soul inhabiting two bodies. Aristotle

Ako at si Ly ay iisa. Naniniwala ako na kami ay pinagtagpo ng Maykapal. Dalangin ko na laging maging matatag ang aming relasyon Maging tapat sa isa't isa at ilayo sa tukso. Tunay na di madali ang pakikipagrelasyon. It takes time and effort to build a strong one. Lalo na kung milya-milya ang layo ninyo at ang tanging nag-uugnay sa inyo ay ang wireless communcation. Subalit salamat sa rin sa teknolohiya na iyon ngunit higit sa lahat salamat sa pamilya, kaibigan at ang pag-asa na malalagapasan namin ang pagsubok na ito sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Kanya.

Amen.

Mula sa kaibuturan ng aking puso, MAHAL NA MAHAL KITA BABE.

Blogged.

Friday, September 14, 2012

Post

Napapapikit na mata ko at di pa kumakain. 10:25 na sa relo ko. Di ko alam kung gaano katatas pa ba ako magsulat. Nakakatamad magsulat pero kailangan kong marelax. Mas nakakapagsulat ako pag may matindi akong emosyon na nararamdaman. Baka pagod lang ako kaya ganito hirap ako magsulat. Palaisipan sa akin kung gaano ba talaga kalayo ang malayo. Sobra ba? Paano ko ba mapupuntahan yung malayo na yun? Walang klase kanina. Saya ng buhay, wala ka gagawin pero bayad ka. Maliit lang kita ko sa FEU pero sapat na yun para makapag-ipon. Ang target ko lang ay ayun di natuloy. Nalulungkot ako pero alam ko may dahilan. Kailangan ko lang maghintay ng tamang panahon para malaman ang sagot.

Pakiramdam ko mag-isa na naman ako Ikaw na naman kausap ko. Kahit na maghapon ata na pagusulat ang gawin ko ay okay lang. Ang pumapatay lang sa akin ay antok. Di talaga lahat ibibgay sayo. Walang katapusang pagsubok ang ibibigay Nya sa iyo hanggang magiging matatag ka.

Kasabay ng pagpatak ng luha ay ang pagbuhos ng ulan. Tuwing sa ganitong panahon ako mahina. Panahong nialalabanan ko ang sarili ko. Nalulungkot ako. Malayo, sobrang malayo.

Inaantok na ako. 

Tuesday, August 28, 2012

FEU

Akala ko ang mga superhero ay di napapagod, mali ako, napapagod din pala. Kasalukuyan akong naaupo at nagpapahinga. Ang pagsusulat ang panahon na nakakapagpahinga ako. Nakuha ko na ang special order ko sa FEU. Malaki pa kita ko sa tutorial at mas petix subalit ang mahalaga may experience ako sa pagtuturo sa kolehiyo. Masama talaga ang pakiramdam ko ng kaunti, nalalabanan lag ito ng saya at mind over matter. Bahala na si Batman. Kala ko noon kakayanin ko hindi pala. Balik sa dati naghahanap ulit ng pupose sa buhay. Nilikha ba talaga akong maging guro o mas higit a dun. Di ko alam. Nahihiwagahan ako sa laman ng blog na yun. Sana mabasa ko.

Saturday, August 25, 2012

Pagkatapos-

1:09 na sa orasan, gising na gising pa rin ako. Naging sapat ata ang panaka-nakang idlip kanina habang may kausap. Nawala ang antok ko. Win win situation ang araw ko ngayon, win nakapanood ako ng fliptop at isa pang win nagkaroon ang ng me time. Me time para mas makapag-isip at aralin kung ano na ba ang nangyayari sa akin sa kasalukuyan. Sa kabilang banda lose lose din. Lose dahil dalawang araw na akong zombie, lose ulit ginawa ko yun para sa isang tao pero nabalewala.

Maya ng kaunti matutulog na rin ako. Sasagarin ko ang pagod para bukas, maghapon akon tulog. Walang dahilan para magambala pa ninuman. Hindi na mababawi ang mga ganitong pangyayari na ilan beses akong nagpuyat kasabay ng sandamakmak na trabaho at mas pinili ko pa rin na ubusin ang lakas ko para sa isang tao pero nabalewala. Iiklian ko na lang fliptop na lang ulit baka sa kaling maging makata rin ako pagdating ng panahon.

Goodnight blogspot! Namiss ko ang kwentuhan natin.

Tuesday, August 21, 2012

I love you babe! Salamat!

Dearest babe,

Hindi pa man natatapos ang gabi ay nais ko munang simulan ang blog ko sa pamamagitan ng panalangin, sabayan mo ko.

Mahal na Ama, una sa lahat ay nais ko pong humingi ng kapatawaran sa lahat ng aking nagawang kasalanan. Sa mga taong nasaktan ko po ng di ko namamalayan, sa mga pagkakataong aking sinayang, sa mga oras na aking binalewala. Nawa'y punan ninyo po ang aking pagkukulang at baguhin ang mga kamaliang ito.

Salamat po sa araw na ito na ipinagdiwang ko ang espesyal na araw na ito kasama ang mahal ko sa buhay. Salamat sa magandang kalusugan, sa trabaho, sa mga pagkakataon, sa mga tao na nasa paligid ko, sa aking pamilya, tunay na kaibigan, kamag-anak at kay Lyrize.  Sa dalawamput pitong nabuhay po ako sa mundo ay nag-uumapaw ang mga biyaya ninyo sa akin. Salamat po sa mga pagsubok na di ninyo ako pinabayaan. Sa mga pagkakataon na bibigay na ako subalit kayo po ang aking naging sandalan upang di ako tuluyang bumigay.

Patnubayan ninyo po ang aming realsyon ni Lyrize na magiging matatag at matutong maghintay. Matanggap ang aming kahinaan at mabago para sa ikauunlad naming dalawa. At mas lalong umapaw ang tiwala, pagmamahal, pag-aalalal, pagbibigayan, pagiging tapat at lahat ng mga mgagandang gawi at ugali sa ngalan ninyo.

Nais ko pong malaman ninyo na lumuluha po ang aking puso sa saya na hatid ninyo sa aking buhay. Salamat po sa araw na ito at patnubayan nyo po ang lahat ng bumati sa akin gayundin po ang hindi. Patunabayan nyo rin po ang mga nasasaktan at nahihirapan sa panahong masaya ako na nagdiriwang ng aking kaarawan.

Itinataas ko po lahat ito sa ngalan ninyo. Salamat Panginoon!

AMEN

Babe hindi pa man natatapos ang araw na ito ay nais ko malaman mo na napasaya mo ako ng sobra. Bago sa akin ito sapagkat di natapos sa isang regalo ang bigay mo. Kinumpleto mo ang buo kong araw at pinasaya mo ako. Naluluha ako habang ginagawa ko ito. Di ko maunawaan pero masyado akong naging emosyonal sa efforts mo. Alam mong paborito ko ang lotion salamat! Salamat sa pabango! Sa mga regalo! At sa effort na iyong pamilya. Salamat din sa 27 texts messages na di ko ineexpect. (kahit di pa tapos) Sana nahahawakan kita ngayon para masuklian ko lang sa pamamagitan ng yakap at halik yung ginawa mo pero hindi eh. Salamat babe! At mahal na mahal kita!!! Ipagdasal natin na mas tumibay pa ang relasyon natin at huwag tayong sumuko sa anumang pagsubok sa dumating sa atin! Mahal na mahal kita! Salamat babe ko! 

p.s. matatapos ang taon may close to 100k ako. Papakasalan kita babe, kapit lang! :)

I LOVE YOU SO MUCH BABE KO!

Tuesday, July 3, 2012

Pula-

Seek the Kingdom of God* above all else, and live righteously, and he will give you everything you need.  So don't you worry tomorrow, for tomorrow will bring its own worries. Today's trouble is enough for today. Matthew 6:33-34

Kung may isang bagay man na nagbago sa akin sa taong ito ay iyon ang pagbabasa ng bible. Sa totoo lang bihira ko lang buksan ang bible ko. Subalit lagi naman akong nagdarasal at naniniwala sa kanya. Kung minsan nga naiisip ng mga tao na hindi ako seryoso na pananampalataya ko sa kanya. Ngunit ang katotohanan ay nagkukubli lang ako madalas sa isang sulok upang makipag-usap sa kanya ng sarilinan. Sa panahon na kung minsan ay tahimik ako ay panahon din ito na kinakausap ko siya.

Nag-uumapaw ang biyaya ko ngayon. Madalas sabihin ang salitang "blessed" Yes I am blessed. Totoo talaga ang linya sa awitin ng Southborder na, "there's a rainbow always after the rain. At sa pagkakataong ito ay nais kong gawing paksa ang isa sa mga kulay ng aking rainbow at ito ang kulay PULA.

Pula

Ayon sa UP diksyunaryo ang pula ay ang kulay na katulad ng dugo. Dugo na nagbibigay buhay sa isang tao upang makapamuhay nang mahaba at magawa ang kanyang misyon sa buhay. Pula, na nagbibigay buhay upang umibig. Pula na kulay na ginagamit sa panahon ng Araw ng mga Puso. Ang panahon ng pagmamahalan, ang panahon ng pag-iibigan. Samantala pula rin ang simbolo ng katapangan, ginagamit sa digmaan subalit sa tingin ko ay pula para sa katapangan, katapangan upang umibig ng tapat at katapangan upang muling umibig kapag nasaktan.

Madalas din iugnay sa salitang pula ang pagkawasak ng puso. Pagkawasak sa mga taong nasawi sa pag-ibig. Kaiba ito sa taong maysakit sa puso. Literal. Ngunit maaari ring gamitin ang maysakit sa puso para sa mga taong nasaktan nang lubusan sa pag-ibig.

Pero wait, ang usapan na ito ay hindi tungkol sa pagkabigo, sa halip ito ay tungkol sa nag-aalab na puso. Nag-aalab ang ginamit ko hindi para gamitin ito sa para sa pagiging makabayan bagkus para sa nag-uumapaw na pag-ibig, nag-uumapaw na pagmamahal.


This heart it beats, beats only for you

Hindi ko maipaliwanag ang nararamadaman ko para sa iyo. Alam kong ito lang ang isa sa mga paraan upang masabi ko ang nararamdaman ko para sayo. Alam kong di sapat na araw-araw kong sabihin sayo kung gaano kita kamahal. Malayo man tayo sa isa't isa ay ramdam ko ang nag-uumapaw mong pagmamahal at sabi mo nga the feeling is mutual ay ganun din naman ang aking nararamdaman.
May mga oras na nafufrustrate ako sa tuwing magkausap tayo virtually. Mga panahon na gustong-gusto kitang mahawakan at mayakap. Mga panahon na gusto ko sabihin sa harapan mo na nakatitig sa iyong mga mata na mahal kita. Nauuwaan ko ko na sa ngayon ay hindi maaari. Subalit naniniwala ako na di dahilan ang pagiging malayo natin upang di natin malagpasan ang pagsubok na ito. Gaya ng paniniwala mo ay binigay ka rin sa akin Niya. Sa tamang lugar, sa tamang panahon, di pinilit bagkus kusa.

Simple lang ang hiling ko noon, naway makanahap ako ng isang tao na kaya rin sabihin sa harapan ko na mahal niya ako. Mahal niya ako despite of my flaws, weakness and what I have. Hindi yung magaganda lang sa akin at kaya kong ibigay ang kaya nyang mahalin at tanggapin.

Isang araw pagkagising ko nasa tabi na kita. Ang ganda ng iyong mukha. Di pa rin ako makapaniwala na kapiling nakita. Masayadong makata ang paraan ng aking pagsasalita. Pakiramdam ko ako ay tumutula. Hindi ko rin alam kung paano tatapusin ang blog na ito sa dahilang kulang ang oras para masabi ko ang lahat ng aking nadarama.

Nais kong tapusin ito sa mensaheng ito: Hihintayin kita sa iyong pagbabalik, at kapag dumating ang panahon na iyon ay hindi-hindi na tayo magkakalayo. Hihingin ko ang iyong kamay sa iyong mga magulang. At mamahalan kita nang lubusan kung paano ka minahal ng iyong mga magulang, kaibigan at ng Maykapal.

I love you so much BABE. :)




Monday, July 2, 2012

I'm in love with my girlfriend.



I LOVE YOU EVERY DAY.

Uwi na, I miss you agad-agad. :(

Sunday, July 1, 2012

July, please be good to me-

Ito ang panahon na sinusubukan ako ng pagkakataon. Malamig sa labas, umaambon at malamig din ang hangin na hatid ng aircon. Tinotopak ang mga tao sa paligid ko. Tinotopak din ako. Di ko maunawaan kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Naguguluhan ako at ang bigat ng pakiramdam. Di ko naman pwede sabihin na I need a break pero gusto ko magpahinga. Gusto kong marelax ang isip ko at makabalik sa dating ako. Di ako mamotivate sa trabaho, for some reasons, I really don't understand. Di ko mapaliwanag nang maayos.

Simple lang naman ang problema ko subalit parang ang komplikado. Hanapin ang happiness. Ituon ang sarili sa mga makabuluhang bagay. Sa mga bagay ng malilibang ako, yung may pakinabang, yung may maitutulong sa akin bilang si Yuan. At hindi sa mga walang katorya-toryang bagay.

Kakatapos ko lang kumain subalit pakiramdam ko ay gutom pa rin ako. Hindi ko alam kung ano ba ang makakapagpabago sa mood ko. Kumain kaya ako ng marami? Manood kaya ako ng sine. Pero gusto ko ata matulog na lang at takasan ng panandalian ang totoong mundo. Takasan ang realidad at katotohanan na magkalayo tayo.

Madalas post sa twitter at facebook ito, July, please be good to me.

Tuesday, June 26, 2012

I miss you.

"Distance never separates two hearts that really care, for our memories span the miles and in seconds we are there. But whenever I start feeling sad, because I miss you, I remind myself how lucky I am to have someone so special to miss." 


Its 10 am here in the Philippines while 5 am there in Jeddah. I’m sitting and blogging all my feelings while listening to Luigi’s playlist. It’s been two days since the last time that I saw you. Obviously I miss you and I know in my heart that I’m going to miss you every day.  I don't want to be too emotional that's the reason why I decided to blog my feelings right now.

We separate ways for a reason, for our career and future plans. Its hard to wake up everyday when you all I want to do is to count the days and wait for the day that you will be home.

To be honest, naiiyak ako while blogging this pero I need to be strong for you. But sometimes, I can't control my feelings and all I can do is to let all my feelings flow. If only I could have wings then I'm going to fly there just to be with you and let you know that I love you so much and I miss you.

Namimiss talaga kita. Naiiyak na ako. Pero nagpipigil ako dahil baka makita ako ng mga kasama ko. Alam ko mahirap pero hindi yun ang reason para sumuko ako. Isa ka sa magandang blessing na binigay sa akin ni God. Kaya alam ko sa sarili ko na kailangan kitang ingatan. As in "extra ingat." I really miss you babe kailangan ko ng ihinto ang pagboblog mas lalo lang akong naiiyak.

I'll be waiting. I love you.




"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the heart." - Helen Keller 

Wednesday, June 13, 2012

Sa Pagbuhos ng Ulan-


Writing is the best medicine when your happy and sad. Sir Yuan-

Yan ang caption ko sa blog ko. Naniniwala ako na mas marami akong maisusulat kung may emosyon na pinanggagalingan. Isang buwan na ang nakakalipas bago ako ulit makapagsulat sa blog ko. Hindi ko alam if inspiring ba ang isusulat ko o kuwento ng aking buhay o kuwento ng ibang tao. Basta ang mahalaga sa akin ngayon ay makapagsulat ako.

Sa totoo lang nagtatalo ang aking isip at damdamin kung Ingles ba o Filipino ang gagamitin ko. Pakiramdam ko kasi cool kapag nagsulat ka sa Ingles subalit sabi nga ng head namin sa FEU, lahat ng wika ay pantay-pantay lamang, walang mataas at walang mababa so nagdesisyon ako ng magTaglish na lang.

Pero wait hindi iyon ang aking kuwento. Pipilitin kong maging magaan lamang ang isusulat ko upang maunawaan ako ng babasa ng blog ko. (kung may babasa man) Sisikapin ko na maging maikli at di maligoy ang paraan ng aking pagsulat.


If you do not expect the unexpected, you will not find it; for it is hard to be sought out, and difficult.

Dalawang taon na ang nakalilipas nang muling magbalik sa aking gunita ang mga nangyari sa aking buhay. Dumaan sa punto na dapang-dapa ako at di ko alam ang gagawin. Naging takbuhan ko ang taimtim na pagdarasal at naninawala na matatapos ang lahat ng unos na dumaan sa aking buhay. 

Una, bahala na ang larawan na ito ang magpaliwanag sa nangyari sa akin 2 years ago. Sapat na to para maunawaan. Ang besides almost lahat ng naisulat ko sa blog ko ay tungkol sa aking mga heart aches. :D Subalit lilinawin ko OKAY na ako.



Akala ko noon di na titigil ang ang pagtangis ng langit. Nagsimula ang lahat dito. Dumating sa punto na ninais ko na lang mangibang bayan para takasan ang lahat ng sakit at upang buuin muli ang aking sarili. Subalit gaya ng iba ay di ako sumuko, naniniwala ako sa kasabihang, prayers can move mountain. Natapos din ang buhos ng ulan at nasabi ko na, Look at Me Now.

Matapos nito ay hinanap ko muli ang aking sarili sa ibang tao subalit ako ay muling nabigo. Sa pagkakataong ito ay nilet go ko ang lahat sa Kanya at sinabing, "kayo na po ang bahala." Inayos ko ang aking sarili at itinuon ko ang aking oras sa mga makabuluhang bagay.  Sinikap ko na mapabuti ang aking sarili at muling makabangon sa pagkakadapa. At isang araw paggising ko, bumuhos muli ang ulan subalit sa pagkakataong ito ay bumuhos ng biyaya.

 Una



Ikalawa





At ikatlo...


nang dumating ka..

Ngayon ko napatunayan na, patience is indeed a virtue, but waiting for a long time is not only important but as well as your attitude towards waiting, God will not give you what you want but what you need, so expect less and lift it up to Him and everything will be smooth in His name.

Magandang Hapon.

Wednesday, April 18, 2012

Thursday, April 5, 2012

Wednesday, April 4, 2012

Trial-

Ito ang una kong creative writing (feelingero lang) Matagal ko nang itanago sa baol ito at ngayon ko lang ilalabas. Di ko nabuo ang kuwento na ito sa dahilang mahirap din pala magkuwento lalo na kung seryoso. Nakapitong entry ako sa una kong creative writing, ito muna ang ilalabas ko. Ito ang kuwento ng paglalakbay ko patungo sa puso mo. Bagama't tapos na ang lahat ay sisikapin ko pa rin itong tapusin bilang ala-ala sayo. December 9 ang unang araw na ipinagtapat ko ang lihim kong pagtingin sayo. LOL (may panimula haha!)

December 9, 2011
Ferrero

Hope you appreciate my gift...
Message Sent!
Hindi ko alam kung nagustuhan niya ba ang binigay kong tsokolate pero ang araw na ito ay tinawag kong suicidal day. Naglakas loob akong magbigay ng prensence para sa isa kong katrabaho na hindi ko naman ginagawa noon. Bahala na kung malaman nila ang mahalaga sumubok ako.
Kasalukuyan kong kasama ang dalawa kong kaibigan habang sila ay abala sa paglilibot sa Southmall ay abala naman ako sa paghihintay ng kanyang text. Maraming tao sa mall ngayon malapit na kasi ang Pasko. Since na malapit lang sa trabaho namin ang lugar ay marami kaming nakikitang mga kakilala. Karamihan estudyante.
Isang oras, dalawang oras, walang message coming from her. Ang haba na ng mukha ko samantalang yung dalawa kong kaibigan ay nag-eenjoy sa kanilang ginagawa.
Hindi ko alam kung bakit ako nagpadala ng tsokolate. May kung anong engkanto na nagtulak na lang sa akin kagabi para bumili nun. Pagkatapos kong magsimba ay nakita ko na lang ang aking sarili na patungo sa Pure Gold para bumili ng tsokolate. Weird. Oo weird talaga.
Natatawa ako sa dalawa kong kasama kasi painaglalaruan nila yung mga cd na tinitingnan namin. Nagkatabi pa yung cd ni Piolo at Mark Bautsita. Sakto may issue si Piolo nun at nadawit si Mark Bausista.
Wala pa rin siyang reply at siguro hindi nga siya interesado sa akin kaya unti-unti ko na rin binubuo sa aking sarili na wag na lang akong umasa.
Naging abala ako sa pagtingin ng cd, nagbabalak akong bumili habang yung dalawa kong kasama ay tuloy pa rin sa pagtawa at pag reminisce sa mga dating singer na ngayon ay hindi na sikat.
Biglang nagvibrate ang aking phone. Agad kong binasa. “Thank you. Ãœ” Bigla akong napahinto, tapos sabay smile. Nagreply siya pagkatapos ng ilang oras na paghihintay. Syempre hindi ko pinahalata sa mga kasama ko. Ayokong munang ipagkalat. Pero deep inside masaya ako na sumagot siya. Nagpaya ako na di muna sumagot sa text niya. Una, hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin, ikalawa, nahihiya ako at ikatlo wala akong extra load. Sa isip ko nun magandang pasimula na yung araw na iyon. Syaka besides may kasama namang Ãœ ang message niya. Ano kaya ang meaning nun? Thank you (you), redundant naman, Thank you (yuan), pwede? O Thank you, (u stalker!) Kung ano man ang kahulugan nun hindi ko na alam, ang mahalaga sa akin ay nagthank you siya. Kung hindi man niya yun kainin, okay lang. Mahalaga naibigay ko. Natapos ang araw ko na masaya at umuwi ako na iniisip kung interesado ba siya sa akin. Kung magugustuhan niya rin ba ako? Kung may pag-asa ba ako? O matutulad din ang kapalaran ko sa maraming mga lalaki na humahanga sa kanya? Puro tanong na hindi malinaw sa akin ang sagot, basta ang araw na ito ay ang araw na nagcommmit ako ng suicide.

Headache

Kung ang katumbas ng bawat blog entry ko ay pera siguro mayaman na ako. Kahit magsulat pa ako maghapo't magdamag at ang kapalit naman nito ay malaking halaga ay tiyak na mas gaganahan ako. Nagpapasalamat ako sa bakasyon sa dahilang nakakatulog ako nang mas mahaba, relax, petix at walang ginagawa. Subalit nakakabagot pala. Kung anu-ano ang pumapasok sa aking isip at isa na rito ay ang future ko. Iniisip ko kung paano ako makakabili ng bahay at kotse kung ang kinikita ko ay di pa sapat sa aking mga pangangailangan. Ayoko naman ideprive ang sarili ko para sa mga bagay-bagay na nakakapagpasaya sa akin.

Bukas ay Vicita Iglesia na. Di ko alam kung sasama ba ako sa aking mga kaibigan o mananatali na lang ako sa bahay. Sampung taon ko na rin panata iyon bilang pagninilay-nilay sa mga kasalanan at mga maling nagawa ko sa buhay. Hindi ko maunawaan kung bakit sa tuwing Semana Santa ay nabobroken hearted ako. Ang panahon ng Summer ang panahon na nagiging mahina ako. Di ko alam kung paano ko muling iaangat ang aking sarili sa pagkapahiya at pagkadapa.

Tumitingin na naman ako ng trabaho abroad. Subalit kung hanggang tingin lang at walang aksyon mananatili lang ako sa kinatatayuan ko. Magulo talaga. Habang lumalaki ako ay nagiging komplikado ang buhay. Mas lumalaki ang aking pangangailangan.

Walang tao sa bahay, walang makausap. Habang ikaw di mo man ako pinapatay sa puso, sa isipan mo naman ako pinasok.

Langya.

Friday, March 30, 2012

Summer

Ano sa ingles ng pakiramdam?

FEELINGS-

Ngpasya akong hindi pumasok kanina sa dahilang masakit ang aking ulo at ayoko na muna niya akong makita. Malinaw. Hindi niya siguro nauunawan ang aking nararamdaman kaya ganun ang naging sitwasyon pero ayoko na magpaliwanag napapagod na ako. Natulog ako maghapon upang pawiin ang sakit na nararamdaman ko. *drama* Sa totoo lang mas nangingibabaw ang lungkot dahil sa rejection sa isang bagay na matagal ko naman hinintay. Ayoko na balikan.

Bukas papasok ako upang ayusin ang requirements ko at masulit ang dalawang linggong bakasyon. Di pa ako handa sa posisyon na ibinigay sa akin. Handa ako mentally subalit emotionally di pa. Kailnagan kong labanan ang damdamin ko.

Sa Starbuks planner na lang ako magsusulat.

Tuluyan nang naglaho ang spaksfly.

Indeed, summer is the best way to heal broken mends. If she only knew what I feel inside then maybe she'll understand.

Thursday, March 15, 2012

Bones-

Ilang araw din ako di nakapagsulat Blogspot. For so many reason, una abala ako sa trabaho, pangalawa, kailangan kong ikulong ang aking sarili upang lubusang makapag-isip sa mga bagay-bagay, ikatlo, sabaw ang internet connection ko, pang-apat kailangan kitang iwasan.

Ang ganda ng mga kanta kong pinapakinggan ngayon, ganda ng pagkakashuffle. Kung papipiliin man ako na kanta na sasalamin sa aking pagkatao ay mga rock music. Yung tipong may emosyon at ang bawat titik ng liriko ay nagsasalita at nagkukuwento. May nais iparating na sana ay marinig.

Kung babalikan ko ang panahon na nakasama kita at nakausap masasabi ko naman na hindi ka naging madamot sa panahon. Sinubukan mo naman siguro hindi lang talaga nakatadhana. Kung matutuloy man ako sa pasukan. Makakasama kita araw-araw. Di na talo pero dapat matututuhan kong labanan ang damdamin ko. Ending Bones ang drama. Sana nga Bones.

Napagtanto ko na hindi na talaga kita mahal. Ayokong saktan ang damdamin mo gaya ng naranasan ko nung nakaraang taon. Sino ba naman ako para manakit? Di rin naman ako perpekto. Ang buhay ko ay mahabang paglalakbay patungo sa tagumpay at paghahanap sa aking paraluman. Yung tipong hindi ko kailangan ibaba ang sarili ko ng sobra-sobra. Tama nga ang sabi ng isa kong kaibigan. Sinusulat pa lang ng taas ang love story ko. Sa ngayon nahihirapan pa ako na magkagusto ulit sa iba. Inaamin ko I still like you. Bahala na si Batman, kung talaga naman ikaw ang nakalaan, mahabang panahon man ang lakbayin, pagtatagpuin pa rin tayo ng Maykapal.

Gusto kong sumali ng paligasahan, pagkakataon ko na to na ipakita ang talento ko sa malikhaing pagsulat, Ang problema di pa nagiging malikot ang isip ko para sa paksang isusulat at di pa madulas ang aking pagsusulat.

Mas okay ang hair style mo pag nakababa? hehe

10:20/ March 14, 2012

Sparksfly.



Saturday, March 3, 2012

March 2, 2012

cute nila

Paano ba ako magsusulat na cool lang? Yung kunyari walang nangyari? Ang hirap ata nun, kapag wala akong makausap o dapat pagsabihan ng nararamdaman ko pagsusulat ang tinatakbuhan ko. Ang bilis ng pintig ng puso ko. For some reason I don't know why. Joke, syempre I know why. Wala nga lang privacy ang blog ko so dapat laruin ko ang mga nakasulat dito. Stigmatized ng The Calling ang pinapakinggan kong kanta ngayon. Nilalamig ako. Ewan ko. I hate it seeing everything fall apart. Wala naman akong magawa kundi tanggapin. Baka nga may reason si God kung bakit nangyayari yung mga bagay na di natin inaasahan. Ang dami kong gustong sabihin pero di ko pwedeng sabihin. Nalulungkot na naman ako. *teary eyes* 10:02 na pero di pa rin ako kumakain. Ayokong kumain, mamaya na lang.


Sunday, February 26, 2012

DEADma

Peace be with you. *dedma*

Makulit ka, di ka makaunawa na ayoko ng kinukulit ako. Bigyan mo ako ng space. Di pa ako ready sa mga ganyang bagay. Ayaw ko sayo. Isip bata pa ako. Wag kang over. weh? ayaw nya lang ata? mabilis ka. Wag kang umasa! Inivisible. JUSTIN BIEBER-

Masarap ang halo-halo subalit di malasahan. Di maunawaan. Panay silip sa telepeno, walang mensahe. Pangiti-ngiti kunyari sa kausap, pero di naman totoo. Naubos ang halo-halo na may tinik pa rin sa dibdib. Nabawasan kahit papaano, nakatulong ang pagdadasal.

Nagmamadaling umuwi at mag-internet. Tinatamad pumasok bukas. May inaabangan subalit wala. Ang ganda talaga ng boses ni Rihanna. Califorrrrniaaa King Bed..... Bakit nakaset na ang top 25 sa i-tunes? May multo? May nagmumulto. Nakakatakot! Kausapin kaya ang multo?

Nagugutom na, masakit ang tiyan, mukang tanga, nakatingin sa telepono, internet. Mahusay si Sarah G. Share lang. Hinatid, dinaanan ng nakakotse. Sumakay. Sabaw. Nagpaliwanag. Ok naman. Pasta, peste?

----------------------------------------------------------------------------------------------

Salamat sa buong linggo na naging masaya ako. Sa intrams na feeling ko eh napakasporty ko. Sa Basketball na matagal na akong di naglalaro subalit nakashoot pa rin kahit pagod. Sa mga panahong nakikita kita kahit malayuan. Atleast madalas. Bukas at sa susunod na linggo busy na tayo ulit. Sa hapon na kita makikita.

Inaantok na ako subalit gusto ko pa rin magsulat. Wala lang, feel ko lang. Next week ko na ulit to magagawa.

Dear Bella Swan,

Kung mabasa mo man to, alam kong alam mo na gusto kita. Ewan ko pero yun ang nafefeel ko. Gusto mong pigilan ko. I'm trying my best. Namimiss ko na magkausap tayo hanggang madaling araw subalit iba na ngayon. Mas lalo kitang di mabasa. Sana gusto mo rin ako. Ewan.

Edward, Scissorhand. :D

Nakakatawa yung pusa namin ang sarap ibully. hehe! Ka cute! Ala cge paalam!

Saturday, February 25, 2012

7/11



Deal with it.


Kung totoo man ang hinala ko, then ayoko mastress.

Madaling araw na akong nakauwi kanina. Bitbit ang mga gamit na mahahalaga at iniingatan. Nakakatakot sa daan subalit kailangan kong umuwi sapagkat hahanapin ako ng mama ko. Malalim ang aking iniisip kagabi. Palaisipin kung sino ang may gawa nun. Di naman talaga ako uminom masyado. Nakikinig lang ako sa mga kuwentuhan nila. Nakakatuwa sila at nakakatawa din ang mga banat nila kapag nagjojoke sila.

Sa di inaasahang pagkakataon ay naibigay ko ang dapat kong ibigay. Sa kantong iyon. Bitbit ang isang mineral water na pampatanggal ng kaba. Nakatingin sa kanyang mga mata at sa bawat bigkas niya ng mga salita. Nalasing ata ako sa isang pangarap.Add Image

Tuloy pa rin ang kuwentuhan, may personal, may kung ano ano lang, basta mahalaga kailangan kong namnamin ang alak para panandalian kong makalimutan ang gumugulo sa aking isipan. Lumalim na ang gabi at ang dalawa ay taob na. Samantalang ako naman ay tahimik na nagmamasid at nakikinig sa kanilang mga sinasabi.

Kasalukuyan akong nakikinig ng How to Deal ni Frankie J. Maganda ang mga linya, pero di ko alam kung mairerelate ko ba ang sarili ko. Syempre hindi kasi kakabasa ko lang ng lyrics. :D

Balik tayo sa kuwento, umuwi ako na may bumagabag sa aking isip.

Sino ang nagpadala ng pasta? Di ako.

Sana di ikaw. Sana mali hinala ko.


Saturday, February 18, 2012

Blessed Sunday!

Bakit nga ba ako nagsusulat?


Kasalukuyang hinihintay ko na mag 100 percent ang charging ng aking telepono. Maghapon ako na walang nakausap, kaya nauwi na naman sa pagsusulat. Maaga akong nagising kanina, nakahiga sa kama nagbukas ng computer at doon umikot ang buong araw. Nag-iisip na naman ako ng bagong kuwento. Para ba kay sparks fly ito na iniisnob naman ang pagtingin ko sa kanya o para sa ibang tao na may katulad ko na kapalaran.

Kanina pa ako nakaabang sa telepeno na baka sakaling maalala mo ako. Subalit matatapos ang gabi na hindi mo ako naalala. Nakita kita kanina na nakaonline kasabay ng pagloloko ng aking connection. Gusto kitang ichat pero nahihiya ako dahil baka busy ka.

Hindi ko alam kung ititigil ko na lang ba ang lahat at pipigilan ko na lang ang aking nararamdaman. Lumayo na lang sayo at pangarapin ka na lang. Sa tuwing di mo ko pinapasin ay nalulungkot ako subalit wala naman akong karapatan maramdaman iyon dahil kaibigan mo lang ako.

Araw-araw ay hinihiling ko na sana ay magustuhan mo rin ako na sana isang araw ay bigyan mo ako muli ng pag-asa na di imposibleng maging tayo.

I really like you at totoo yun.

At bigla akong nabagot magsulat. Bakit nga ba ako nagsusulat?

Bitin-

Ang kuwentong ito ay likha lamang ng malikot kong isip sa tuwing nababagot ako.


Bitin


Sinadaya kong tumayo sa aking kinauupan upang makaupo siya sa pwesto na iyon at makasama namin siya. Tahimik siyang kumuha ng kanyang pagkain habang binulungan ko ang aking katabi.

"Ayain mo siya at dito mo paupuin."

At doon nga siya umupo samantalang ako naman ay umupo sa lapag kasama ang iba pa. Pinili ko ang puwesto na matatanaw ko siya. Walang siyang kibo habang kumakain. Sabay ng bulyaw at pagbibiro ng iba naming kasama. Di ko ito tiningnan bilang negatibo sa halip ay positibo. Alam kong nakikinig siya at naiisip niya na bakit ako niloloko ng aming mga kasama.

Maya-maya pa ay humupa na ang tawanan at biruan. Ang iba ay tumayo na at naging abala sa pagkuha ng mga retrato, samantalang ang iba naman ay nagpaalam na upang umuwi. Nakita ko siya sa isang sulok. Bitbit ang isang paper bag at walang kausap. Nilapitan ko siya at kahit na nahihiya ako ay naglakas loob ako na siya ay kausapin.

"After nito, uuwi ka na?"

Tanong na alam ko naman sa sarili ko na alam ko rin naman ang sagot. Subalit sadyang ganun talaga kapag kaharap mo ang isang tao na alam mong espesyal sayo. Pinipilit mong ipakita na wala kang ibang nararamdaman kahit na alam mong sa sarili mo na mayroon subalit alam mo sa sarili mo na malabo at hanggang kaibigan lang.

Tumango siya at sinundan ko naman ng tanong na, "sabay tayo pauwi? Okay lang?"

Muli siyang tumango sabay sabi na, "tayong dalawa lang?"

Sa mga panahong ganito ay mas dapat maging mabilis ang aking pag-iisip at pagbasa sa kanyang mga kilos at salita, kaya't ang naisagot ko agad ay, "ayan marami tayo, may lakad pa ata, sama muna tayo kung gusto mo?"

Natuwa ako sa muli niyang pagtango. Gaya ng dati ay matipid pa rin ang kanyang mga sagot. Nahihiya pa ata o maaaring ganun talaga siya. Tuwing ganun ang kanyang mga kilos at pananalita ay siya namang palaisipan sa akin para basahin ang kanyang isip. Sa totoo lang nahihirapan talaga akong basahin ang kanyang isip.

Nagsimula kaming lumakad kasama ang ibang kasama at nagpasya na magtungo sa isang mall. Walang plano kung saan tutungo, ang drama, bahala na si Batman. Sinabayan ko siya sa paglalakad habang kinakausap ko ang iba kong kasama upang hindi mahalata na gusto ko talaga siyang makasama.

Malapit lang ang mall kaya't naging madali lang ang aming paglalakad. Sa isang kainan sana ang planong naming pumunta subalit kakatapos lang namin kumain.

Muli ko siyang kinausap at tinanong kung inaantok na ba siya. Alam kong hilig niya ang pagtulog kaya't alam kong ang isasagot niya ay "oo". Hindi nga ako nagkamali, iyon nga ang kanyang sagot.

Masyado na ring gabi kaya't binulungan ko siya na mauna na kami. Alam kong maaga siya bukas at pumayag naman siya. Nagpaaalam na kami sa aming mga kasama at nagsimulang maglakad.

Di ako pamilyar sa mall, ilang beses pa lang ako nagpunta roon. Mabuti na lamang at kahit papaano ay alam niya iyon. Mahaba rin ang aming nilakad. Sa isip ko ay sana hindi na lang matapos ang gabing iyon. Nakakatuwa sapagkat kahit papaano ay hindi kami nauubusan ng mga kuwento.

Sumakay kami ng jeep, magkatabi at habang nagkukwentuhan ay nakatingin lang ako sa maganda niyang mukha. Kung maaari lang sana na mas mahaba pa ang aming bababaan ay mas magiging pabor sa akin sapagkat matagal ko pa siyang makakasama.

Maya-maya pa ay bumaba na kami ng jeep at pumara, nais ko sana siyang ihatid sa kanila subalit nahihiya naman ako na mangulit. Para sa akin sapat na ang panahon na napagbigyan niya akong makasama siya at makasabay siya kahit sa kanto ng village nila.

Nagpaalam na siya at nagsabi na sumakay na ako ng bus. Tumango ako at sinabi ko na hihintayin ko muna siyang tumawid. At gaya ng dati upang di maputol agad ang usapan ay muli na naman akong nagtanong ng tanong na alam ko ang sagot. "kaya mo na?"

Ngumuti siya sabay tawid.

Tinanaw ko siya sa malayo at umaasa ng lilingon siya subalit hindi.

Sumakay ako ng bus.


Sunday, February 12, 2012

Just the way yu are.

Kasalukuyan na nakikinig ako sa acoustic guitar ng Just the way you are ni Bruno Mars. Kung hindi ako nagkakamali nagblog na ako tungkol sa kanta na ito. Ang sarap niyang gitarahin at ang ganda ng lines talaga. Ewan ko kanta ko 'to sa kanya.

Kahapon nagtungo ako sa Rob para manood ng Star Wars. Okay naman konti lang nanonood pero naenjoy ko ang 3d experience ng Star Wars. After nun bumili ako ng kung ano-anong stuff, nakakatuwa sa Rob. ang daming choices. Ang dami na ring pangregalo para sa Valentines, ang problema , wala naman ako pagbibigyan. At kung meron man, maappreciate ba?

Sa tuwing di niya ko pinapansin naalala kita. May nagtutulak sa akin na bumalik sa iyo, pero di na talaga pwede. Ayoko na masaktan at maulit ulit ang lahat. Walang silbi ang telepeno ko, walang akong mensahe na natatanggap. Try kong gumawa ng tula kung kaya ng utak ko.

Namimiss at naiisip kita. Totoo yun.

Monday, February 6, 2012

De La Salle University


Sapat na ang 100 plus likes sa picture ko sa facebook na nakatoga para maramdaman ko na marami ang nagmamahal sa akin. Hindi ko inakala na aabot sa ganun kadami ang likes na iyon at marami ang babati at masaya para sa tagumpay ko. Pakiramdam ko tagumpay ko, tagumpay ng lahat.

Halos limang taon kong binuno ang degree na iyon at ito natapos ko. Napatunayan ko na kaya ko palang gawin ang isang mahirap na bagay kung talagang gugustuhin ko. Bagama't bahagi na ako ng La Salle ay mananatili pa rin ang puso ko sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na unang humubog sa akin at naghulma bilang ako ngayon.

Salamat rin sa mama ko na di ako pinabayaan at nagtiwala sa kakayahan ko. Gayundin din sa mga kaibigan at tunay na kaibigan. Sa sulat na ibinigay ninyo, sa panahon na tinulungan ninyo ako noong lubog ako at lugmok sa kalungkutan.

Salamat din sa iyo na nagbibigay ngiti sa akin sa kasalukuyan. Kung pwede lang sana na maging akin ka na lang kaso. Ewan ko. Bahala na ang taas.

Ang lahat ng bumati at naging masaya ay bahagi ng aking diploma.

Animo La Salle!!!

Ngayon ko napatunayan na ang lahat ng dilim, luha at paghihirap ay may dahilan at may kapalit na ngiti, tagumpay at liwanag!

Salamat Lord!


Sunday, January 29, 2012

Superman, Batman at Sponge Bob




Hindi ko natapos ang nirentahan kong cd. Sayang ang pera. Nakakabagot ang Sabado at Linggo ko. Sa di maunawaang dahilan ay laging mabigat ang pakiramdam ko tuwing walang pasok. Naguguluhan din ako sa misa kanina, di malinaw sa akin ang sinasabi ng pari. Samantala, iniwasan ko muna ang fiesta ng Don Bosco sa dahilang masyadong marami ang tao at nag-iinuman.

Kasalukuyang nagtitipa ako at come what may kung ano ang maging kuwento ko. Syempre personal ulit. Maligoy ako magsulat sa dahilang may mga ilang paksa ako ng iniingatan na isulat. Hindi naman lahat kailangan kong isulat.

Masaya ako kapag Sabado at Linggo dahil pahinga, mas nakakapag-isip ako subalit iyon din ang panahon na kung anu ano ang pumapasok sa aking isip. Wala pa akong lesson guide bukas. Bahala na si Batman. Wala rin nagpaparamdam. Naging palamuti na naman ang telepono ko.

Lunes bukas, panibagong araw, sa susunod na Sabado at Linggo na naman ako libre para makapagtipa. Hindi pa malinaw sa akin ang estratehiya ko bukas para sa pagtuturo. Bahala na talaga si Batman, Sponge Bob, Superman at lahat ng mga paborito kong superheroes.

Wala akong natanggap ni isang mensahe sa telepono. Nakakalungkot.
Kamusta na kaya siya? Ano kaya ang ginagawa niya?
When to stop?
Kapag tumigil na ba, yun na ba ang sign na tumigil na rin ako?