Tuesday, June 29, 2010

Inagurasyon/ Pangungulila-

Makalipas ang isang buwan ay muli akong nakasulat sa blog ko na ito. Hindi dahil sa abala ako subalit marami akong blog na ginagamit. Okay sana ito subalit mas nakikita ko ang aking sarili sa iba kong blog.

Malamig ang panahon, nahihilo ako. Nasobrahan ata sa pagtulog. Ngayong araw ang inagurasyon ng bagong uupo ng pangulo ng Pilipinas si Noynoy Aquino kasama rin ang bagong bise-presidente na si Binay na kapwa binoto ko. Naniniwala ako na sila ang magbabago ng ating bayan.

Nakalimutan na niya ako. At sa paglipas ng araw ay unti-unti akong pinapatay ng mga masasayang kahapon. Mula ng una ko siyang nakita at nakilala hanggang sa huli kong nasilayan ang kanyang mukha. Naging marupok ang aming relasyon sa bandang huli. Inaamin ko na hinahanap ko pa rin. Dalawang Linggo pa lang naman ang nakakalipas nang huli kaming magkita. Ngayong araw na ito ay espesyal (noon) subalit ngayon ay tuluyan nang kinalimutan ng kahapon. Masaya na siya sa bago niya samantalang ako ay nangungulila at nagdurusa at umaasa na balang araw ay may bagong tao na babago sa pagkakamali ko at magpaparamdam sa akin na huwag akong matakot magmahal muli. Inaantok na ako.