Tuesday, August 31, 2010

Tandhana

Dear blogspot, nahuli ako sa pagising kanina, sampung minuto na lang at alas sais na. Nagmadali ako sa paliligo kahit labag sa aking kalooban. Nakuha ko ang paliligo at pagbihis ng dalawangpung minuto. Nagmamadali akong umalis ng bahay para di mahuli sa pagpasok. Malakas ang ulan ngunit dala ko pa rin ang pag-asa na magiging maayos ang lahat hindi lang para sa akin subalit gayundin sa lahat ng tao sa paligid ko. Pumara ako ng dyip ngunit napuno ito agad. Nakakagulat, bihira lang ito mangyari. Sumilong ako sa bakery upang hindi mabasa dahil papalakas lalo ang ulan. Nang nakakita ako ng dyip ay agad akong sumakay. Maya-maya pa ay nagulat ako sapagkat kasabay ng malakas na ulan ay trapik na. Ika nga ni mamang tsuper. "O umaga pa lang ganito?" Nag-isip ako mabuti, dalawang beses, tatlo, apat lima. Nakita ko si Red sakay ng kanyang motor, hahabulin ko sana para sumabay ngunit mababasa naman ako. Wala akong payong at wala rin akong jacket ng tulad ng suot niya. Nagdesisyon ako. Umuwi ako habang nakikisilong sa mga maliliit na bubungan upang hindi tuluyang mabasa.

Umuwi ako, nagbukas ng kompyuter at nagsimulang tumipa. Nalulungkot kasabay ng paglakas ng ulan. Maya-maya pa ay nakatulog ako. Ang sarap ng pakiramdam pagkagising. Waring nakatakas ka ng panandalian sa mga problema mo sa buhay. Masarap ang aming tanghalian. Sinigang na baboy. Bagamat pangkaraniwan na ay wala pa rin tatalo sa luto ni mama. The best! Sa paghahanda ko ng pagkain ay bigla akong naluha, sumaglit muna ako sa banyo para ikubli sa kapatid ko ang tuany kong nararamdaman. Matapos nito ay naghanda muli ako sa pagkain. Ang sarap ngunit sa kabilang bahagi naman nito ay ang pait. Nangilid na naman ang luha ko ngunit tiniis kong hindi mahulog ito at dumampi sa aking mukha.

Nagsimulang tumakbo sa aking isip ang mga plano sa aking buhay. Ano nga ba ang plano ko? Mananatili na lang ba ako na ganito? Limang taon na akong nagtuturo ngunit mabagal ang pagbabago. Mabagal ang pag-unlad at sa bawat tagumpay na naabot ko ay siya namang unti-unti kong pagbagsak. Ang hirap pala malagay sa sitwasyon na hindi mo alam ang sagot. Mahal mo siya at mahal ka raw niya ngunit bukas hindi na. Ano ba ang sukatan ng tunay na pagmamahal? Bakit binuo ang pagmamahal kung ito rin naman ang dahilan upang sumira sa dalawang tao. Bakit tuwing pinpilit kong lumakad pasulong at ito na naman siya at babalik? Ano po ba nag dahilan? Kami po ba ay talagang tinadhana ninyo sa isa't isa kaya kahit pilit na pinaglalayo namin ang aming sarili ay nagtatagpo pa rin kami? Bakit sobra-sobra aong nasasaktan ngunit tuwing nakikita ko siya at nakakasama ko siya ay ibang saya ang hatid nito sa akin. Saan ba talaga siya masaya sa akin ba o sa piling ng iba?

Pagkatapos kong kumain ay muli akong bumalik sa pagsusulat at ito nga ibinabahagi ko na sa iyo blogspot. Desidido na ako. Kahit na hindi ko pa alam ang tunay na kahulugan ng mga nangyayari sa akin, sa amin ay mas lalo akong magsisikap sa buhay. Gusto ko nang makatakas sa masikipi at magulong mundong aking pinagmulan, Ito ang naghulma sa aking upang maging tao. Tunay na tao. Hindi man kita masundan sa lugar na iyong pupuntahan at tutungo naman ako sa isang lugar na kukumpleto at muling bubuo ng aking pagkatao. Kalahati na nag taon pero hindi pa rin natatapos ang laban na ito. Magising ka na sana. Tama na. Sapat na sana yung mga pinakita ko at ginawa ko para sa iyo. Sana magising ka na at huwag pabulag sa mga nakapaligid sa iyo. Maging matatag tayo at manalig sa Kanya.

Tama ka nga kung tayo talaga pagtatagpuin niya tayo sa dulo.

Bakasyon Grande-

Dear Blogspot, vacation is already over. Before I go to sleep and say goodnight I want to share you my story for today. Nothing special happen, I just lie in my bed all day long and sleep. I also wasted my time looking in my facebook profile. It’s raining outside, it made me sad. It made me think of what is happening in my entire life. I feel like I am a trash. I’m not productive anymore. My mind is not in focus. How I wish there is a person out there who can save me from what is happening in my life. Life is not really easy. As I grew up, it’s getting harder and harder. It’s getting complicated and I really don’t know how to solve my problems. I don’t know how to deal with my feelings. All I’m doing is praying hard and believing that one day I will surpass this challenge given by Him. Blogspot, you are my only friend that I can trust. I wish you have feelings too. I wish you can save me from drowning. I promise you when I grow old; I will look back to you and read again the story of my life. Goodnight. J

Monday, August 30, 2010

3 times a day :)

Matatapos ang araw na wala akong nagawa. Hindi ako naging produktibo. Inubos ko ang oras ko sa pagtulog at pag-iisip ng mga bagay na siya ring unti-unting pumapatay sa akin. Kasalakuyan akong inaawitin ng Up Daharma Down ng Tadhana. Ang ganda ng tinig ng bokalista at maganda rin ang mensahe ng awitin. Katabi ko si Obama ang aso naming mataba, buntot niya ay mahaba, mahal namin siya. :)) Bukas ano na naman kaya ang pagkakaanalahan ko. Ano naman ang mga susunod na magyayari sa buhay ko na parang rollercoaster. Minsan nasa ibaba, minsan nasa itaas. Pero teka lang bakit laging asa baba? haha! Sige lang nagchacharge lang ako ng phone baka bigla na namang mawalan ng kuryente. Bukas wala na namang pasok. Sana wala na lang pasok haha! Biro lang. Buo na ang aking desisyon, magpapaalipin na ko sa ibang bansa. :) Sige mamaya na kita ulit kukwentuhan nagsisipilyo kasi ako. :)

Sunday, August 29, 2010

Eat, Pray and Love

Hello blogspot! Another day! I’m still alive. Thank you God! Yesterday, AC and I went to Mega Mall. After one month of no communication at all, we realized that we missed each other’s company, so we decided to meet and have a post celebration of my birthday. We ate at Saisaki and its kinda fun. The food is great it’s just that I didn't manage to eat a lot because of my “singaw" haha! After that we watched a movie entitled Vampire Sucks! Seriously the movie really sucks! I didn't get the point of it though some part of it made me laugh. Then we stayed at Bubble Tea until the conversation between us gets serious. I learned that after graduation shell be leaving here and living at States for good. (Background song starts playing) Honestly after hearing that my heart starts melting like a candle. I didn’t even notice that there are a lot of people around me then I started to cry. We ended up bitter on what happen between us and what will happen on the next days, weeks, months and years. Then we went to her house. My heart starts to beat faster and faster I don’t know what will happen. After looking each other’s face we ended up crying again and trying to fix what happen between us.

From what happened yesterday I realized that life isn’t really easy. That love is not only about saying I love you, watching movies, giving gifts, etc. It is not about how long your relationship was. It’s not about who is right and wrong or who is in love and more in love. I realized that it is about faith. How you believe in Him, that despite of the trials He’s giving you is you never give up, instead let Him lead you on your way. And I’m pretty sure it’s for your own good. Love is really a gift; it’s really mysterious you have to take good care of it. Eat, Pray and Love. Bye blogspot my nose is bleeding haha!

Saturday, August 28, 2010

Sadturday :(

Dear Blogspot,

Pagkatapos ng stressful na gawain sa trabaho ay bakasyon na. Oo bakasyo na, apat na araw napakasaya masarap matulog, ang problema hindi ako makatulog. Lalong gumugulo ang isip ko. Lalo akong nahihirapan. Mas nararamdaman ko na wala na siya. May bahagi pa rin sa aking sarili na hindi makatakas sa nakaraan. Paano ko ba lalabanan ang damdamin ko mula sa pait ng nakaraan. Napakahirap. Hindi ko maiintindihan. Gabi-gabi ay iniisip ko pa rin kung ano ba ang dahilan at binigyan ako ng pagsubok na ganito? Bakit kailngan kuhanin sa akin ang isang tao na bumuo ng pagkatao ko ng matagal ng panahon. Tao na naging inspirasyon ko upang gumawa at magpatuloy mabuhay. Tao na nagpakita sa akin na maganda ang buhay na ang lahat ay pantay-pantay at ang lahat ay kayang magmahalan ng totoo at walang bahid na pagkukunwari. Bakit kailngan kami umabot sa sitwasyon na kailangan magkasakitan at makasabi ng mga masasakit na salita. Sabi ko nga another SADTURDAY na naman. Alam mo blogspot di ako nagdadrama. Nasasaktan lang talaga ako eh. Sana may tao na umunawa sa akin. Malaking bahagi ng buhay ko ang nawala nang lumisan siya. Nakakainis na sa iba pero ito ang nararamdaman ko. Pinipigilan ko naman ipakita sa iba gaya sa iyo ko na lang inilalabas. Namimiss na kita babe, kung mabasa mo ito someday sana ako naman yungh mahalin mo ng sobra ako naman yung hanapin mo. Handa kong gawin lahat makita lang kita. Pagod na pagod na ako blogspot para labanan ung feelings ko sa iyo. Bakit mo ako kailangan saktan AC, sabi mo di mo ko iiwan pero araw-araw nasasaktan lalo ako. Kala mo balang araw pag okay na ako kahit anino mo di ko hahanapin. I may be weak sa panahon ngayon pero someday makakabangon din ako. Malalagpasan ko to, babalik ulit yung Yuan dati na malakas ang loob.

Teary eyes, someone help me wipe it.

Wednesday, August 25, 2010

Binondo-

Dear blogspot,

Ang lakas ng ulan sa labas. Mukang nakikiiyak na naman ang kalangitan. Sa akin lang ba o gayundin sa mga taong nalulungkot? Naging maganda ang simula ng araw ko, punong-puno ng panibagong pag-asa. Subalit nalulungkot pa rin ako. Malapit na ako sa pinapasukan kong trabaho ng bigla akong napalingon sa kalye lagpas sa Olivarez. Kala ko siya, nakapangduty, kasinglaki niya. Pero hindi ako sigurado, alam ko kasi na ang ginagamit niyang bag ay ang purple na Jansport na pinaghatian namin bilhin noon. Nalungkot ako at napapikit, nang di ko na namalayan na bigla na akong napaluha. Nagdala ako ng jacket, una para pangporma, pangalawa para sa malakas na ulan.
Ang akala ko ay hindi na masusundan ang pagpatak ng luha ko. Kahit abala sa trabaho ay madalas na sumagi siya sa aking isipan. Lalo na pag uuuwi ako at madadaan sa EDSA. Matatanawa ko ang kanyang paaralan. Magsisimula na naman akong malungkot at mapapikit, kusa na namang tutulo ang aking luha. Kanina ay nagtungo ako sa Binondo. Binuhos ang pangungulila sa pananalangin. Pagkapikit ko ay naluha na naman ako. Nakita ko ang aking sarili sa Eng Bee Tin. Hopia Ube ulit. Ang sarap. Umuwi ako na umaasa na isang araw ay kakatok siyang muli sa aming bahay, sa aking puso, sa aking buhay... 30

Tuesday, August 24, 2010

Dear Blogspot-

Dear Blogspot,

Kamusta na? Namiss kita. haha! As if naman ang tagal kong hindi nakasulat. Alam mo ba mas ramdam ko ang pagod nitong mga nakalipas na araw. Bugbog kasi sa trabaho. Nakakaistress, pero alam mo ba pagkatapos nito ay okay na, apat na araw na bakasyon. Sapat na yun para makabawi. Magpapahinga ako ng todo. Alam mo ba dalawng araw na akong umuuwi na naluluha. Inaamin ko naalala ko siya. Lalo na yung mga panahon na masaya kami. Yung tinatawag niya ako. Babe! :( Tapos yayakapin niya akong mahigpit. Babe, may bagong movie, watch tayo. Tapos sasabihin ko na kada Sabado naman tayo nanunuood. Namimiss ko na rin ang MRT. Kahabaan ng EDSA, mga malalaking billboard. Lalo na yung billboard ni Maja. Namimiss ko na rin ang Mega Mall. Tuwing nakapikit ako para matulog pag sakay ng FX, bigla na lang ako naluluha. Kaso mahirap na ibalik yung dati. Kahit gusto ko ayusin, wala na akong magawa. Kundi magpagaling hanggang makalimutan ko siya. Ano ba yan blogspot kinakantahan ako ni Shontelle ng SayHello To Goodbye. Alam mo sa harapan ng tao nagkukunwari lang ako na masaya. di nya ako binati nung birthday ko. Ayan tumutulo na naman luha ko. Sana mainitindihan mo na mahirap para sa akin kalimutan ang tatlong taon. Sana habaan mo pa ang pasensiya mo at unawain mo na nalulungkot ako. Tuwing uniiyak ako pagkatapos nun mas lumalakas loob ko. Di ako susuko. Kahit na iniwan niya ako alam ko na masaya sa pinili niya. Kasi hindi niya ako iiwan kung hindi siya masaya dun. Alam ko na worth din tong pain ko, Yung pagtitiis ko, darating yung time masasabi ko na di ko na siya namimiss, Na di ko na siya mahal. Sorry ito lang ang tanging paraan para malabas ko yung nararamdaman ko. Ikaw na bahala magparamdam sa kanya na namimiss ko siya na mahal ko siya. Balang araw mauunawaan din niya ako. Balang araw masasani niya na namimiss ko na si Yuan. Balang araw ngayon kung hindi man, siguro nga hindi sapat yung pagmamahal na nabigay ko sa kanya. O maaaring napantayan na ng bago. Ayan spongecola naman ang kumakanta sa akin. Lalo akong naluluha. Sorry blogspot. Ikaw lang ang nakakausap ko. Hayaan mo nagsisikap naman akong bumangon sa pagkakadapa, alam ko na may dahilan ang taas bakit ito nangyayari. Matutulog na ako pagod na pagod na ako..

Saturday, August 21, 2010

Say Hello To Goodbye!

Nagkakagulo raw sa klasrum ko sabi ng isang kong kasamahan. May klase ako nun at abala ako. Hindi ko maiwanan ngunit nagmadali ako dahil baka kung ano pa ang mangyari at mapagalitan na naman ako. Tumungo ako agad sa aking klasrum at nakapinid ng maigi ang pintuan. Nagtataka ako at nakakunot ang noo, kaarawan ko pa naman bukas sakit na sa ulo ang sa akin ay ibibigay. Pagkabukas ko, madilim. May kandila at bigalng umawit ang aking mga mag-aaral. Nagulat ako at hindi ako makapagsalita. Tuloy pa rin sila sa pagkanta, samantala ako ay tulala at pinagmamasadan ang mga liwanag na nagmumula sa mga munting mga kandila. Sa totoo lang siya ang aking naalala. Lahat ay bumati at masasabi ko na ang isa sa pinakamatamis na natanggap ko sa aking buhay ang ginawa ng aking advisory class. May banderitas na punong-puno ng mensahe sa akin. Maraming pagkain at may cake. Nakakatuwa sapagkat sa buhay ko ay sila lamang ang nakagawa noon. Masaya ang lahat, pinaghandaan nila ako ng pagkain. Binusog nila ako hindi lamang sa pagkain subalit gayundin sa pagmamahal. Mahal ko kayo Socrates!

Matapos ng mahabang araw sa pagtuturo ay may pupuntahan naman akong kaibigan. Kinakabahan ako, hindi ko pa siya nakikita, ngayon pa lang. Naghintay ako sa Pergola. Medyo madami ang tao, mga abala sa ginagawa nila. Nakita pa ako ng isa kong estudyante. Nais ko sana magtago ngunit nakita pa rin niya ako. Kumain kami sa Yellow Cab, natutuwa ako at nadagdagan na naman ko ng bagong kaibigan.

Pauwi na kami ngunit para sa akin ay mahaba pa ang gabi. Nagtext ako sa isang kaibigan na matagal ko nang di nakita. Nagtungo kami sa Cabooze. Kaunting kwentuhan lamang at makalipas ang ilang oras ay umuwi na ako. Medyo nahilo ako, ngunit nakauwi naman ako ng ligtas. Muling sumagi sa aking isip si ACLM. Namimiss ko siya. Di ko maintindihan bakit bumalik na naman ang ganung damdamin ko sa kanya. Pagkauwi ko ay nagsipilyo lang ako at natulog.

Kinabukasa, araw ng aking kaarawaan. Pagkagising ko ay maraming mensahe sa aking telepono. Sinagot ko ito at nagpasalamat. Binuksan ko ang aking internet, partikular ang FB. Madami ang bumati. Natutuwa ako, marami ang nagmamahal sa akin. Tanghali nagtungo kami si Red sa Espanya, nagpatune up siya ng motor. Tama si Red nakakabagot nga nakatulog sa isang sulok. Napagod ata ako. Tumatakbo na naman siya sa aking isip.

Gabi na, naramdaman ko malapit na matapos ang aking kaarawan. Tuloy pa rin ang pagbati, nakakataba ng puso. Huli na ako sa kaarawan ni Yesha. Una niyang kaarawan. Anak siya ni Gem. Naligo ako at mabilis na nag-ayos. Nagtungo ako sa simbahan, malapit lang naman sa amin ang pagaganapan ng kaarawan niYesha. Nagsimba muna ako sa Tundo Church. Sarado na, sa labas na lamang ako nagdasal at nagpasalamat.

Maraming tao sa party, syempre puro bata. Nagpa face paint ako. Pero di sa mukha. Sa braso. Nakakatuwa, ang ganda ng yinyang pero hindi puti at itim sa halip asul at pink. Nagulat ako sapagkat may regalo pala sa akin ang aking mga kaibigan. Panandalian kong siyang nakalimutan. Nakakatuwa. Matapos ang party ay nagtungo kami sa Malate. Una ay pumasok kami sa H20. Ang ganda ng mga kanta. Nagpakawaild ako sa pagkanta at hindi sa pag-inom. Nakakatuwa sumabay sa kanta kapag alam mo. Naiisip ko pa rin siya. Di nya pa rin ako binabati dalawang oras na lang.

Maya-maya ay nabagot ang aking mga kaibigan lumipat kami. Padis naman. Ayoko sana dun pero yun ang gusto ng lahat. Maraming tao, medyo mainit. Naisip ko na naman siya. Naalala ko dati ning nagMalate kami.

Natapos ang araw at hindi niya ako binati. Umabot sa isang daang notifications ang FB ko pero hindi niya ako na naalala. Naluha ako, nasasaktan ako. Tuluyan na niya akong nakalimutan. :(

Salamat po sa lahat ng biyaya niya nito. Marami pa lang talagang nagmamahal sa akin. Pero ngayon ko lang nalaman na hindi pa pala talaga ako totally moved on sa kanya. Sana po ay maaari pang ibalik ang tamis ng nakaraan. Mahal ko pa rin siya God.

Salamat sa lahat ng bumati at nagregalo.

Socrates Superstar
Pascal Baby
Lee (Ang Buhay Parang Bato, Its Hard)
Clare (pillow)
Pangga (shirt)
Tropa ko

Babe. Alam ko na kaya mo ko binati dahil ginagawa mo lang yung best para di maruin ung birhtday ko. Pero babe kung mabasa mo man to someday, sana malaman mo na mahal na mahal kita. I miss you! Tumuntulo ang luha ko habang ginagawa ko toh. I love you ACLM. Sana magmeet tau ulit someday.

Pinakamasaya at pinakamalungkot kong birthday ito :) :(

Tuesday, August 17, 2010

Hello, Goodbye :)

Sa saliw ng I'll Never Go ni Erik Santos ay nagsimula akong muling tumipa. Upang Ibahagi ang kuwento ko na maaaring kuwento ninyo rin. Amen, makata mode na naman ako.

Galing ako sa SM, namili, namili at namili. Subalit matapos kong mabili ang lahat ng gusto ko at kailangan ko ay may kulang pa rin. Hindi ako masaya. Sa hindi ko maunawaang dahilan, basta may kulang. Malapit na ang kaarawan ko. Sabado pa lang ay may natanggap na akong regalo. Nakakatuwa, may nagmamahal pala sa akin. Naaalala nila ako. Lunes, mayroon na naman, isang damit na ito ang nakalagay. Ang buhay parang bato, its hard. Oo nga naman may punto, makahulugan. Preferred reading ni Kristeva ang tawag sa teoryang iyan. Okay wag tayong maging iskolar-iskolaran, masyadong pilit. Walang koneksyon.

Makalipas na tatlong buwan, ganun pala talaga darating sa punto na mapapagod ka rin. Na mararamdaman mo na kaya mo ng mag-isa. Ngunit may isang kaibigan na nagsabi sa akin na, kaya naman talaga natin mag-isa, di lang natin matanggap ang mga nangyayari. May punto, subalit ang pakiramdam ko ngayon ay malaya ako, malaya nga pero may kulang. Ano nga ba ng kukumpleto sa buhay ng tao? Okay na ba yung may pera ka o mga materyal na bagay? Ang hirap sagutin.

Apat na buwan na rin, pagkatapos ng kaarawan ko, apat na buwan na rin ang nakalipas. Ayoko ng balikan ang nakaraan. Masyadong ako nasaktan at nasira. Tuwing humaharap ako sa salamin, ilang pimple scars ang nakita ko sanhi ng labis na pag-iisip. Panahon na para mas mahalin ko ang sarili ko. Masasabi ko na kaya ko ng tumayo mag-isa, Hindi dahil may bagong tao na dumating. Sa totoo nga wala pang bago. Alam ko naman na kusang ibibigay ng taas yun. Mas higit pa sa inaasahan ko basta magtiwala lang ako sa kanya.

Well I guess, thats life. We have to keep moving and moving and moving! Till we finally see the right person for us. Mga tao na hindi tayo sasaktan, aalagaan at hindi iiwan hanggang sa dulo. Pag nakita mo sila, alagaan mo rin, wag sasaktan at iiwan. :)

Magandang Gabi :) (Listening to Glee)

Saturday, August 14, 2010

:)

I just need somebody to love,
I don’t need nothing else,
I promise girl I swear.
I just need somebody to love.

Ikaw nga ba?

Nagpapasalamat ako sapagkat nalagpasan ko ang pagsubok sa akin noong nakaraang Linggo. Para siya hangin na muling nagparamdam at biglang naglaho. Ayoko na sana pumasok at magtrabaho subalit naisip ko na isa lang ang nawala, siya. Bagamat siya ay naging malaking bahagi ng aking buhay ay naisip ko na marami pa ring tao ang mas kailangan ako at nagtitiwala sa akin. Mas nangingibabaw ang mga tao na ito kaya hindi ako sumuko.

Gulong-gulo na ako. Hindi ko matapos ang aking mga plano, kasabay pa ng tambak na gawain na pakiramdam ko ay nalulunod ako. Wala man lang tumutulong sa akin. Sa halip puro pasaring pa ang kanilang hatid.

Malapit na ang kaarawan ko. Malamig. Walang tao na nagmamahal sa akin. Nakakilala ako ng isang babae na nakakatawa dahil wala ako sa kalingkinan para magustuhan niya ako. Una, mas matanda ako sa kanya, ikalawa, masyado siyang maganda. Hindi kami bagay, at lalong tiyak na hindi ako ang trip niyang lalaki. Lalo ko tuloy siya namimiss, pakiramdam ko, may kulang sa aking pagkatao. Ngunit tuwing naiisip ko ang ginawa niya sa akin. Mabuti na talagang itigil ko na ang kahibangang ito. Sa halip mas mahalin ang aking sarili at tulungan na mas lumago.

Ala-una na. Gusto ko nang matulog ngunit tinatamad ako. kailangan kaya ulit ako makakatagpo ng tao na tatanggap sa buong pagkatao ko. Na mamahalin ako mula ulo hanggan paa. Tao na susuportahan ang gusto kong maabot sa aking buhay. Tao na hindi matatawa kung minsan ay makata ako. Hindi ko alam ang sagot tanging panahon lamang ang makakapagsabi.

Salamat po Lord sa lahat ng pagsubok na binigay ninyo, natuto po ako at naging matatag. Naniniwala ako na kung may nawala may papalit. At alam ko po na mas higit pa iyon. Ilayo po ninyo ako sa tukso. Tulungan po ninyo akong maging mabuting tao hindi lamang sa aking sarili bagkus gayundin sa aking kapwa.

Saturday, August 7, 2010

Waltz.

Hindi na muna ako papasok ng trabaho at magpapakita kahit kaninuman.

Buti pa Nokia user friendly, ikaw user lang!

Kung maglalabas ako ng sama ng loob, paumanhin. Hindi ko sinasadya. Umuulan na naman. Kasabay ng muli kong pagluha. Subalit di na tulad ng pagluha ko dati. Nangangahulugan ba na manhid na ako? O talagang pinanday na lang ako ng panahon. Napakabilis na panahon, kasingbilis ng kanyang isip. Namura ko na naman siya. Inaamin ko di na ko natutto. Binigyan na ako ng pangalawang pagkakataon subalit inulit ko pa rin. Naulit dahil inulit niya ulit ang ginawa niya sa akin. Akala ko bumalik siya for the better, mali ako, worst pala. Ang masakit pa ay pinaniwala namin yung mga nakapaligid sa amin na kami na ulit. Kasama ang mga magulang namin. Naging biktima ang mama nya at mama ko. Masaklap subalit ito ang katotohahan. may bago akong telepeno, nangangahulugan ba ito na bagong tao na ako? O may bagong tao na darating? Ayoko na pahabain, di naman ako ganun umasa. Di rin naman ganun kasakit. Baka nga pinipilit ko na lang ang sarili ko. Matutulog na ako. :)

Thursday, August 5, 2010

Kabagot.

Antok na antok na ko ngunit ginising ng damdaming kong hapong-hapo ang aking isipan at mga kamay upang muling tumipa. Galing ako sa Cavite kagabi, hirap na hirap na linusong ang baha at sinugod ang malakas na ulan, makita lang kita. Sa sitwasyong hindi ka sigurado, ano ang gagawin mo? Ako matutulog.